Chp. 20: Meeting Her

98 4 0
                                    

Adeline's POV:

"Please come with meeee! I'll get bored out there."

I think I rolled my eyes too many times this morning. Paano ba naman, itong si Sid iniimbita ako sa party ng kaibigan niya na kakauwi lang mula sa Canada. Siyempre, papayag ko, kung sinabi niya sa akin in advance.

"Nope! Tsaka hindi ako nakahanda ng damit!" 

In 2 hours, magsisimula na raw yung party, tapos itong si Sid hindi makaalis kasi kanina pa ako pinipilit. Sasama nalang siguro ako para tumigil na siya noh?

"Is that all? We can go to my house and I'll find something for you to wear!" Akmang hihilahin na nito ang kamay ko pero tinigilan ko muna siya. Hindi pa ako nagpapaalam kina mama.

"Ma, alis muna kami ni Sid. Bale sa inyo nalang muna yung susi kasi baka gabihin ako ng uwi."

Bigay-todo na ngiti lang ang ipinakita ni mama at tumango. "Ay sus, kahit huwag ka na magpaalam, anak. Alam kong aalagaan ka ni Sidney." 

Napatingin ako kay Sidney at nakitang nakayuko lang ito. "Oh, pinapahiya mo pa Sidney ma. Alis na kami." 

Nagpaalam na ako kay mama at kay June na busy sa paglalaro sa cellphone niya.

"Hurry up!"

"Ako pa talaga ang magmamadali? Eh bakit kasi ngayong oras mo lang ako sinabihan?" 

Sa pagmamadali ni Sidney ay hindi na nito narinig ang sinabi ko at pinagbuksan na lamang ako ng pintuan ng kotse niya.

Maya-maya ay nasa tapat na kaagad kami ng bahay nila, malapit lang kasi talaga ang bahay namin sa isa't isa. Tumakbo ito papasok sa bahay nila habang ako ay mabagal lang na naglalakad. Hay nako, ginagawa ko dapat yung project namin ngayon eh.

"Oh my- Hurry up!" Pagtawag niya mula sa bintana ng kwarto niya. Tumakbo nalang ako pataas dahil baka lumabas na ang mga sungay nito. 

"Oh asan na yung damit- No way..."

Pagkapasok ko ng kwarto niya ay agad bumungad sa akin ang dress na abot hanggang taas lang ng tuhod. Hindi niya ba nahahalata na hindi ko gusto yung mga ganitong klase ng damit?

"Sid, I don't wear dresses." 

Nanlaki ang mga mata nito at agad na ibinalik yung dress sa loob ng closet niya at naghalungkat pa ng ibang damit.

"How about this? This will fit you perfectly." 

Hindi na dress yung inabot niya sa akin, kundi isang itim na button-up shirt. Dahil naka-pantalon naman ako, kinuha ko sa kaniya agad yung damit at nagpalit. Madali kong hinubad yung t-shirt ko at sinuot yung binigay ni Sid. 

"Um, you do realize that I am still right here, right?"

"Bakit? Dati pa naman natin ginagawa ito ah." Inosente kong sagod. Hindi mapinta ang mukha niya. Sinubukan ko naman itago ang tawa ko.

"R-Right...oh crap we need to go now!" 

Iniwasan nito ang mga mata ko at lumabas kaagad ng kwarto niya. Sinundan ko nalang siya at habang pababa kami ay nakasalubong ko ang bagong gising na Marcus. Kinawayan ko nalang siya at tumingin ito sa akin na may halong pagtataka.

Nakasakay na ako sa kotse ni Sidney at mabilis niyang sinimulang magmaneho. Tumingin ako sa relo ko at totoo nga na kailangan talaga namin magmadali, ilang minuto nalang ay magsisimula na sila roon.


"Hurry!"

Isa nalang talaga, maiinis na ako.

"Opo, ma'am." Pangaasar ko. In fairness, hindi masyado maingay sa loob ng bahay. Hindi katulad nung nag-party itong si Sidney.

"Sidney! There you are!" Sabay na napunta ang tingin namin sa papalapit na matangkad na lalaki. 

"Greg! I'm really sorry if we were late."

"Psh, it's not a big deal."

Nag-usap pa sila saglit, at maya-maya ay napunta ang tingin sa akin nung Greg.

"Where are my manners? I'm Gregory, or you could just call me Greg." Kumindat pa ito at inabot ang kamay ko.

"Greg." Narinig kong babala ni Sidney kay Greg na akmang hahalikan sana ang ibabaw ng kamay ko.

"Chill, girl. I know that this girl is yours." Inikot ni Greg yung mga mata niya at tinawanan ang reaksyon ni Sidney.

"Nice to finally meet you. By the way, this girl can't shut up about you." We shook hands at pabulong niyang sinabi yung mga huli niyang salita.

"I heard that."

Napangiti nalang ako sa kakulitan ni Greg, parang is Marcus lang talaga.

"Join me at the kitchen, I have someone for y'all to meet." Excited na pagkasabi ni Marcus kaya agad din kaming sumunod sa kaniya.

Nang makapasok kami ay nilapitan niya yung babaeng may kausap. Ang una kong napansin ay yung pula niyang buhok at matangkad na anyo, gaya ni Greg.

"Sis, they're here." Kinalabit niya yung babae at humarap ito sa amin.

Wow...

"Sidney!!! Ang ganda mo pala talaga sa personal." Agad itong yumakap kay Sidney.

"Ehem." 

Tumingin ako kay Greg at nakatingin na rin pala ito sa akin na may kunwaring malungkot na ngiti.

"Sorry. I am just so glad that you're here." 

Hindi na lang pala ako dapat pumunta rito.

"This is Adeline, and Ads this is Greg's sister, Alex." 

Nahihiya akong kumaway sa babae at nang mapunta ang tingin nito sa akin ay ngumiti ito nang mas malapad. Laking gulat ko nang lumapit ito sa akin at niyakap din ako.

"Greg! Where can you find pretty girls like them?!" 

"Alex...you have a girlfriend." Pandidiin ni Greg at tumingin nang masama kay Alex. 

Tumawa naman ito at humiwalay sa pagkayakap sa akin. "I know that, Greg. I was just kidding." 

Biglang tumunog ang cellphone na bitbit ni Alex kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Shit, it's her. We'll continue this later." Kumaway siya sa amin papalayo.

"How long are they together?"

"I am not sure, but I guess it's more than 5 years."

Oh wow, more than 5 years.

"That's nice." Nakangiting sabi ni Sidney.

"Do you want drinks? I could make you one." Tanong sa akin ni Greg.

"Oh, just anything without alcohol."

Greg gasped at alam ko na kung bakit niya nagawa 'yon. "Girl, you need to take your YOLO to the next level! I'll be right back." 

Ito na yata ang unang araw na makakainom ako. Alcohol, please be good to me.

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon