"So...are you guys dating now?"
Napatingin ako kay Sidney at napansin ko na nakatingin na rin pala ito sa akin. Agad akong humarap kay Greg at sinagot yung tanong niya, mukhang hindi yata makasalita itong katabi ko eh.
"We're going there." Ngumit ako sa kaniya. Ilang araw pa lang ang lumipas pagkatapos namin umamin sa isa't isa at habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog kay Sidney. I mean, who wouldn't?
Naramdaman ko bigla yung kamay ni Sidney na kinuha yung kamay ko at hinawakan ito, ginawa na naman niya yung paghalik sa ibabaw ng kamay ko.
"Ew, get a room."
Napatawa ako nang mahina sa sinabi ni Greg, pero ang atensyon ko ay na kay Sidney pa rin.
"That's my flight, lovebirds. I hope when I came back, it's time for the wedding!"
I can see now kung bakit naging magkaibigan itong dalawa. Pinalo pa ni Sidney si Greg sa braso pero patuloy pa rin ang pagtawa ni Greg sa reaksiyon ni Sidney.
Nagpaalam ulit kami sa kaniya at hinayaan na namin siyang makapasok sa loob ng gate.
Ipinalupot ni Sidney ang kamay niya sa baywang ko at sabay kaming pumunta sa kotse niya. Here I go again, kung makangiti tila bata na nabilhan ng laruan! Alam kong napansin ni Sidney yung pagtingin ko sa kaniya dahil maya-maya ay may mapaglarong ngiti ito sa labi niya.
"Baka naman matunaw ako, Ads."
Aba, fast learner. Halos isang linggo pa lang siya nag-aaral ulit ng Tagalog at ngayon ang dami na niyang nasasabing salita, nakuha pang magsabi ng lumang pick-up line.
"Corny." Palabiro kong binulong at inirapan lang nito. Plano kasi naming pumunta sa event ng birthday ni Jess after namin ihatid si Greg dito sa airport. Medyo late na rin kami kasi grabe ang traffic, kaya nagmamadaling nagmamaneho si Sidney ngayon.
"Kalma, hindi naman magagalit si Jess kung ma-late tayo." Totoo naman, basta raw makapunta lang kami ok na raw sa kaniya.
"I know, Ads. Gusto ko lang na...ano..."
"Ano?"
"I want to impress your friends...?"
I gave her a knowing smile at tumango. Impress pala ha. Hindi ko mapigilang kiligin pero huli na ang lahat nang tuksuhin na naman ako ni Sidney sa moment ko.
"I always win."
Nagkunwari akong nasaktan at tumingin sa kaniya. "Nananalo ka nga, pero sa huli, ako pa rin ang nakakatalo sa iyo."
"Whatever. You do you, babe."
Napahinto ako sa pagkuha ng cellphone ko para i-text si Jess. Did she just call me that?
"Sorry, it kinda slipped out..."
Suddenly, nakahanap ako ng confidence at naghahamon na tinignan siya. "There's nothing to be sorry about. You can call me that anytime you want."
Nakita kong ngumiti ito at tila nahiya. Oh diba? Ako pa rin talaga ang nananalo sa huli.
Nakita kong may bagong text si Jess at nagtatanong siya kung nasaan na kami. Sumilip ako sa labas at sinabi sa kaniya kung na saan na kami.
Sa wakas ay gumaan na ang takbo sa kalsada at mabilis kaming nakarating sa events place. Napansin ko na sa tabi mismo ng napiling lugar ni Jess ay isang bar na wala pa masyadong tao. Really, Jess?
Napansin din siguro ni Sidney na katabi lang talaga ng bar yung events place kaya ito napatawa nang mahina. Bago kami makapasok ay may tao sa labas ng entrance at mukhang naghahanap yata ng invitation.
Pinakita namin yung invitation at tumango ito sa amin. Napapaligiran ng mga iba't ibang bulaklak yung lugar, napatingala ako sa sign sa gilid na nagsasabing "Garden Resort."
"OMG! NAKARATING KAYO!"
Sinalubong ako ni Jess ng yakap at hinila sa loob ng function hall. Lumingon ako sa likod ko at nakitang tinatawanan ako ni Sidney habang sumusunod siya sa likod namin.
Tinuro ni Jess yung table para sa aming magkakaibigan at pinaupo ako roon. Maya-maya ay pumasok si Sidney at umupo rin siya sa tabi ko.
Tila debut ang setup, pero sanay na ako sa mga birthday celebration ni Jess. Desisyon ito lagi ng magulang niya pero parang naisahan sila ni Jess dahil alam kong sa bar lang kami matutuloy mamaya pagkatapos nito.
Nakita kong palakad-lakad si Jess at busy sa pagaasikaso ng mga bisita niya. Asan na yung iba? Lumingon ako sa paligid pero hindi ko sila makita.
"Uh, I think nasa labas yung mga kaibigan mo. Sila 'yon diba?" Sinundan ko yung tinuturo ni Sidney at tama nga siya. Nasa labas lang pala silang lahat, pero parang may kausap sila.
"Wait, puntahan ko sila." Pagpapaalam ko kay Sidney pero hinawakan nito ang kamay ko at tumayo rin siya kasabay ko.
"Sama ako sa'yo."
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Naglakad na kami palabas nang magkahawak ang mga kamay, napansin ko rin na tiningnan kami ng mga bisita sa loob pero inalis din nila agad yung mga tingin nila.
"Guys, nandito lang pala kayo..."
"Why the hell is she here?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/303712343-288-k300748.jpg)
BINABASA MO ANG
Affection (GXG)
RomansSi Adeline Fabelo, hindi kilala sa kanilang school maliban sa apat na makukulit niyang kaibigan. Nakilala niya si Sage Ortega, isang varsity sa kanilang school at kilala ng halos lahat. Adeline is an introverted student while Sage is extroverted. Th...