Chp. 4 : Awkward

269 13 3
                                    

Remember when I said I am socially awkward? Well, nangyayari siya ngayon. Mahigit sampung minuto na kami palakad-lakad nitong kasama ko sa school kasi hindi kami makapili ng bibilhin sa sobrang dami ng pagpipilian. May mga estudyante rin siyang nakakausap habang naglalakad kaya pero nagpapalusot siya para matapos kaagad yung usapan nila.

"Sage! Good game!" 

May isang na lalaki mabilis lumapit sa kasama ko- este, kay Sage. I guess that's her name according doon sa lalaki.

Agad siyang niyakap nito at halata naman sa mukha ni Sage na hindi siya komportable. Matagal na nakayakap yung lalaki at napansin ko na pilit akong tinitingnan ni Sage na para bang humihingi ng tulong.

"Ehem." I faked to clear my throat at agad naman binitawan ng lalaki si Sage na ngayon ay nakahinga na ng malalim.

"Sorry, proud lang talaga ako sa'yo." Ngumiti ng malapad yung lalaki at lumakad na palayo.

"Who's that? Boyfriend mo?" I gasped sa biglaang pagandar ng bibig ko. Sage looked at me with an amused face at para bang natatawa.

"Seriously? That boy? He doesn't even stand a chance!" Her laugh echoed the hallway kaya automatic din akong napangiti.

"So sino 'yon? If you don't mind me asking."

I turned off my phone para alam niyang makikinig na ako sa kaniya. Well, kanina kasi naka-earphones pa rin ako kaya hindi ko masyado naririnig yung mga pinagsasabi niya.

"Wow...nagsasalita ka pala?" 

"Funny." I rolled my eyes and signaled her to continue.

"That was Jakob, matagal na siyang nangliligaw."

"Bakit 'di mo sagutin? Halata naman na gustong-gusto ka nung tao." Duh, based on her reaction earlier mukhang hindi talaga siya interested.

"Um, I never really thought about that. Hinayaan ko lang siya na mangliggaw pero like what I said kanina, he doesn't stood a chance." 

"Hinayaan mo lang na ligawan ka for nothing?!" 

Agad kong tinakpan yung bibig ko sa sobrang lakas ng boses ko pero tinawanan lang ito ni Sage.

What the hell, Ad?

"Should I just approach him and say stop courting me? Should I do that? I should do that." Determinado niyang sinabi habang tinatanong at sinasagot ang sarili niya.

This is taking too longggg! Baka nasa room na yung mga kaibigan ko. Nagmadali akong kunin yung kamay ni Sage para dalhin siya sa ice cream stall.

"Dito nalang tayo bumili. Baka nakauwi na yung mga kaibigan ko." 

Hindi na kumibo ulit si Sage pero hinayaan ko nalang siya dahil kinakabahan na ako at baka wala na akong makasabay pauwi.

"Ate, isang chocolate sundae po at..."

Lumingon ako sa katabi ko na nakatayo lang ng diretso sa puwesto niya. 

"Huy, ano sa'yo?" Tinapik ko yung balikat niya.

"A-Ay- Sorry. Ate, isang strawberry sundae po."

Habang hinihintay namin yung order, nagtataka akong humarap kay Sage na panay ang tingin sa paligid at natahimik yata bigla.

"What happened? Nakita mo na naman ba si Jakob?" Right, si Jakob nga pala, baka nakita niya lang kaya siya ganito kumilos. 

"Ah, hindi. Ano kasi..."

"Ito na order niyo." 

Naputol ang sinasabi ni Sage and I excused myself para kunin yung ice cream namin at nagbayad na rin.

"Thank you po."

Inabot ko kay Sage yung ice cream niya at parang hindi pa rin siya mapakali. Anong nangyayari sa babaeng ito?

"Ano ulit yung sinasabi mo?"

"I just want to ask kung ano ang-"

"Ad! Ang tagal niyo naman! Pauwi na kami oh, tara sabay ka na." 

Naputol na naman ang sinsabi ni Sage dahil kay Jess na dala-dala ang bag ko. Sinenyasan ko sila na mag-antay nalang muna sa labas.

Humarap ulit ako kay Sage. "Ano yung gusto mong itanong?"

Matagal siya bago makasagot dahil parang nagaalinlangan pa siya sa mga salitang sasabihin niya.

"Your name, I just want to ask what's your name?"

Ayun lang naman pala...

"It's Adeline. Pero, you can just call me Ad." I laughed at her embarrassed face habang tumango lang siya sa sinabi ko.

"Nice to meet you, Adeline. I'm-"

"Sage. Yeah, I heard." Tinuloy ko yung sasabihin niya. Ngumiti ako nang bahagya at nagsimula na maglakad papunta kina Jess.

"I wish I could see you again!" 

I didn't turn around but I clearly heard what she said. Yeah, sana nga magkita ulit tayo.

"Kumusta ang date?"

"Huy, anong date?" Pinalo ko ng slight yung balikat ni Marcus.

"Duh, ang tagal niyo kaya. Akala ko bibili ka lang doon sa tapat ng court." Pagsingit ni Janelle na may pangungulit.

"Marami kasi siyang nakausap,"

Sabay naman silang nag 'Ah...' lahat kaya hindi na ulit sila nagtanong.

Yung sasakyan nila Andy yung ginamit namin pauwi, perks of being rich, buti nalang at nagkasya kaming apat. Unang bumaba sila Jess, Marcus, at Janelle kasi malapit lang yung bahay nila sa school. Kaya, kaming tatlo nalang nila Tina at Andy ang natira sa kotse.

"So...what's her name?"

I innocently scrunched my eyebrows para ipakita sa kanila na hindi ko kilala yung tinutukoy nila.

"Stop playing dumb, Ad. We saw what happened back there." Tina teased.

"She's Sage." 

"That's a pretty nice name." 

Tumango naman si Tina sa sinabi ni Andy.

My friends probably know that I am gay kahit na I never outed myself to them. Maybe it's because I never complimented a guy or never looked in a guy's direction, it's always girls. This is why I am pretty happy with my friends kasi they understand me kahit na hindi ako palasalita or palakuwento sa kanila.

I thanked Andy for the ride bago bumaba ng kotse at pumasok sa bahay.

What a day...

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon