Chp. 17: She's Not Even Your Type

173 7 0
                                        

Adeline's POV:

I ditched my date with Sage. Pagkatapos ko malaman yung mga inamin ni Jakob ay hindi na ako nagtangka pa na kitain siya. Kaya ito, nandito ako ngayon kina Marcus kasi alam kong pupuntahan ni Sage ang bahay ko. Alam na rin ni mama ang sasabihin niya kung sakaling hanapin man ako ni Sage sa bahay.

Hindi namin kasama ngayon yung iba dahil busy sila sa mga pending schoolwork nila. Kami naman ni Marcus ay hayahay nalang ngayon kasi tinapos na namin lahat kanina sa school.

"Kung gusto mo pa niyan marami pa roon sa baba ha, punta lang ako sa pool." Sabi nito at umalis na rin ng kwarto niya. Mag-isa nalang tuloy akong nanonood ng movie.

Paubos na rin yung hinanda naming snacks ni Marcus kanina kaya inihinto ko muna yung pelikula at bumaba para kumuha ulit ng pagkain. 

Habang nagbubukas ako ng mga cabinet ay naalala ko yung ginawa ni Sidney na panggugulat noong nakaraang araw. Medyo tahimik siya ngayon sa bahay nila, naisip ko na baka natutulog 'yon.

Paakyat na sana ako sa hagdan nang makita kong kasama na pala ni Marcus si Sidney doon sa pool. Kaya naman pala tahimik eh. Inilapag ko muna yung tray sa mesa at kinuha ang atensiyon ng dalawa.

"Kayo naman, hindi man lang ako sinabihan..." Nagkunwari akong nagtatampo at malungkot.

"Sobrang seryoso mo kaya manood kanina, kaya baka magalit ka pa sa akin." 

Nakita kong tumango si Sidney sa sinabi ni Marcus at pareho silang tumawa.

"Kayo talagang magkakapatid. Akyat na nga ako ulit." Pamamaalam ko sa kanila pero may tumawag bigla ng pangalan ko.

"You can join us, you know?" 

Puwede nga naman, bakit ba kasi ako babalik sa taas?

Tinawanan ko nalang ang sarili koat kinuha yung tray ng pagkain para may makain din sila.

"Aw...nag-abala ka pa-"

"Hoy! Hindi ko sinabi na para sa iyo 'to." Tinaasan ko ng kilay si Marcus dahil agad-agad itong dumampot ng pagkain.

"Kasi para ito sa'tin lahat, kuha na."

"You and your jokes." 

"Oh, pati kapatid ko umaagree na ikaw ang clown dito-"

"Aray!" Nakita ko nalang na hinampas ni Sidney si Marcus sa braso at dalian itong napatahimik.

"Oops."

Inikutan ko nalang sila ng mga mata."You guys don't have to be too subtle. Ayon ang katotohanan eh." 

Ngiti nalang ang binigay sa akin ng dalawa at bumalik na sa mga sari-sarili nilang ginagawa kanina. Pero maya-maya ay hinarap ako ni Sidney na may seryosong mukha.

"Do you want to talk about it?" 

"No, it's alright." 

Tumango ito at kumain nalang ulit. Sinabi siguro ni Marcus sa kaniya yung sinabi ko sa kanila kanina. Simula ngayon, alam ko na mag-iiba na ang tingin ng mga kaibigan ko kay Sage. I sighed at the thought of her tomorrow acting like everything's fine when she just ruined her relationship with her girlfriend.

Naisipan nilang i-stalk kanina si Alex sa mga social media accounts nito pero kapiranggot lang na mga litrato ang nakita nila, yung iba ay matagal-tagal na rin. Bakit kasi kailangan niya pang magpakita ng motibo kung mayroon naman pala siyang karelasyon?

"Oh, you REALLY need to talk about it."

Bigla ako napalinggon kay Sidney na desperadong magsalita ako tungkol kay Sage.

"Sige na nga..." 

"Wait, don't talk about what happened earlier. Tell me how you met her?" 

Binalikan ko siya ng ngiti at tumango.

"Um, we met at our school's annual intramural. I was at the canteen buying water at that time. After I paid for it, I straight up drank it but someone accidentally bumped me, which made the bottle to fell on the floor...and it also hit me harshly on the mouth."

Bumalik ang mga mata ko kay Sidney at nakitang seryoso siyang nakikinig at nakatingin.

"Oh, don't mind me. Go on." 

I nodded and continued. "That was when I met her, she was wearing our school's jersey, which meant that she's a player. That was proven when we went to the gymnasium and she even offered all of us a seat even though the place is full of people. One thing led to another and then she started to hang out with us regularly."

She nodded and was opening her mouth to say something but nothing came out.

"Puwede ka naman magsalita." Pagpuputol ko sa ginagawa niya.

"Sorry about that." 

"Ano nga yung sasabihin mo?"Ang hirap kaya mag-straight English, tatagalogin ko nalang nga muna ito.

"It's um, do you know someone named Jakob?" 

"Yeah...? Bakit mo naman natanong 'yan?"

Magkakilala ba sila?

"Oh...I just heard your friends talking about him earlier at school." Tipid nitong sagot pero parang nagaalinlangan pa siyang dagdagan yung sinabi niya.

"Stop looking at me like that." 

"Like what?" Ano na naman ba ang ginagawa ko?

Nagsimula itong mainis at bahagyang napamura nang mahina bago siya nagsalita ulit.

"I saw him and Sage talking at the parking lot, and I thought they were talking about you-"

"WHAT?! You never eavesdrop!" 

Totoong never pa ako nakarinig ng kahit anong chismis tungkol sa kaniya dahil halos lahat ng oras wala siyang pake sa ibang tao. This is a first.

"I know...I guess you could call it a gut feeling?"

"Paano naman?"

"I just had this bad feeling about Sage and is she even your type?"

Woah Woah Woah. Nanlaki ang mga mata ko sa pag-iiba niya ng topic. Ang daming nangyayari ngayong araw.

"Tinanong mo lang ba talaga ako kung type ko si Sage?"

Siya naman ngayon ang nagulat at tila natatakot sa tingin ko sa kaniya. 

"I mean, the last time I heard about your type is someone who is-"

"Ok na pala." Tinaas ko ang pareho kong kamay para tigilan siya sa pagsasalita. I can't believe that naaalala niya pa rin yung mga bagay na sinasabi ko rati.

Lalo na yung mga salitang dinescribe ko sa harapan niya kahit na siya yung pinatatamaan ko.

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon