Kabanata 1

12.4K 408 19
                                    

GRETA
#MeetTheBoss

"Tol, kaninong kotse ang nasa labas?" Tanong ko kay Kyle, sa tabi ko. Nakalinya kaming sampo dito.

Curious akong malaman dahil ang gara ng sasakyan na iyon, kulay abo na parang laging nililinisan sa sobrang kintab nun.

Nandito kami sa sekretong hide-out na'min kung saan kaming grupo lamang ang nakakaalam.

"Tear Gas Gang' iyon ang tawag sa grupo na'min.

Mahilig kase magpagasolina ang mga Tol ko, pawang lalaki at ako lamang ang babae. Ako din ang pinakabata.

Pero may respeto ang mga Tol ko sa'kin. Binibaby nga ako kapag magkasama kaming sampo.

"Kay Boss 'yan."

"Ha? Nandito ang pinakaboss na'tin?"

"Oo. May dala siyang mga sachet."

Napatango ako at hindi maiwasan na kabahan ang dibdib ko. Ngayon ko lang kase makikita si Boss.

"Siguro sobrang addict na ni Boss."

"Ha? Bakit mo nasabi 'yan?"

"Kase nga drug lord siya, ibig sabihin tinitikman niya ang mga droga!" Anas kong bulong.

Umayos ng tayo si Kyle bago niya ako sikuhin, nagtaka naman ako.

"Umayos ka, nandiyan na si Boss."

Napaayos ako sabay tingin ko sa unahan. Doon ay nakasalubong ko ang kulay abong mga mata, na ngayon ay nakatitig sa'kin, tagos sa'kin kaluluwa. Tila'y kinikilabutan ako?

Matangkad at matipuno ang katawan niya. Maganda ang gupit ng buhok, makapal na mga kilay, matangos na ilong, mapulang labi na manipis, mahulma at matatag ang panga, na nagbigay kisig pa sa awra ng mukha niya. May scorpion na kazodiac sign ko ang nakatattoo sa leeg niya.

"Who's she? Ngayon ko lang siya nakita dito?"

Kahit ang malalim at buo niyang boses ay nagpapatayo sa bawat buhok ng katawan ko. Napalunok ako.

She? Ibig sabihin ay nalaman niyang babae ako?

Kahit panlalaki naman ang suot ko. Maong pants, maluwag na tshirt para hindi halata ang mga dibdib ko. Ilang kamiseta nga ang sinuot ko para mawala ang bukol. Pati buhok ko ay tinirintas ko maigi, may cap pa ako.

Baka kase kung malaman ni Boss na babae ako ay baka ipatumba niya ako, bawal kase ang babae dito.

"Ah, Boss, siya si Greta ang bagong recruit!" Pahayag ni Kyle.

"Boss, magaling ako!"

Bigla kong sabat. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.

"Saan ka magaling?" Tanong niya, nanghihinala o curious siya.

"Sa pagbebenta ng sachet, Boss! Kahit subukan mo pa!"

Pagmamayabang ko, kahit ang totoo ay kinikilabutan na ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa'kin.

Pero parang nakita ko ang pagngisi niya nang tumagilid ang mukha niya.

"Makakaalis na kayo." Utos ni Boss na agad naming kinatango. "Maliban sa'yo." Muli niyang salita.

Napalingon ako at kita kong sa akin siya nakatitig. Kinabahan ako, sobra.

"A-ako, Boss?" Turo ko pa sa sarili ko. Nakita ko ang pagtango niya.

"Sige na, mabait naman si Boss..." Bulong sa akin ni Kyle, bago sila tuluyang umalis.

Naiwan akong kinakabahan sa harap niya. Lumakad siya sa kaliwang pasilyo habang nakatayo lamang ako. "Sumunod ka."

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon