Chapter 30

9.6K 278 4
                                    

GRETA
#There'sATimeForForgiveness

"D-dadalaw tayo kila Tiya?"

"Yes. To give them our wedding invitation."

"A-alam mo naman 'yong ginawa nila sa'kin, diba?"

"I know. And I want you to invite them, personally."

"Ayoko silang makaharap."

"Ayaw mo ba na magka-ayos kayong pamilya?"

"G-gusto... Pero---"

"No more buts. Go and change your clothes, we'll visit them."

NGAYON ay sakay kami ni Rhios sa kaniyang kotse papunta sa kinalakhan kong tirahan.

Pagkahinto ng sasakyan ay kita ko agad ang pagbulungan ng mga tambay na kilala ko rin.

"Don't be nervous. I'm with your side, Baby."

Napapitlag ako sa pagpisil ni Rhios sa palad ko na siyang kinatingin ko sa kaniya, ngumiti ako ng tipid.

"Hindi naman 'ko kinakabahan."

"Tsk. I felt your cold hands."

Napairap na lang 'ko sa kaniya, ngumisi naman si Rhios.

Bumaba siya at kumabila para buksan ang pinto sa gilid ko.

Napahinga ako ng malalim bago kinuha ang isang palad ni Rhios, na nakauma sa'kin.

"Si Greta ba 'yan? Mukhang big-time na siya!"

"Oo nga! May kotse pa na magara!"

"Nakabingwit siguro ng mayaman!  Swerte naman ni Greta!"

"Ang gara na din ng suot ni Greta! Katawan ba niya ang kapalit?"

Mga bulungan ng marites nang makababa ako. Sumulyap ako sa kanila na agad naman nagsiyukuan.

"Let's go."

Iginaya na 'ko ni Rhios papasok sa makitid na eskenita. Ilang sandali lang ay tanaw ko na 'yong dati kong barong-baro. Ganoon pa rin ang ayos.

"Relax."

Pinisil ni Rhios ang palad ko, napatango naman ako.

Nasa bungad na kami ng pinto nang biglang bumukas ang  pinto.

"Butitoy! Wag mo 'kong iwan!"

"Ayoko na nga sabi sa'yo! Maghiwalay na tayo!"

"Buntis ako!"

"Wala akong paki!"

Napaharap sa'min si Butitoy, nagulat ito ng makita ako pero mabilis na itong tumalima palabas ng bahay.

"Butitoy!"

Umiiyak na hinabol siya ni Madrona pero napatigil nang makita kami sa pinto, malaki na 'yong tiyan niya.

"Madrona." Sambit ko.

"G-greta..." Gulat niyang sambit na tumingin sa'kin bago kay Rhios,  binalik din agad sa'kin ang tingin n'ya.

"May ibibigay lang 'ko."

Nasa bungad lang kami ng pinto nang ilahad ko ang dala kong card, na wedding invitation sa kasal na'min.

"P-pasok kayo--- Nay! Si Greta po nandito!"

Tawag ni Madrona sa Ina. Lumabas naman sa kanilang silid si Tiya, nagulat siya nang makita ako.

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon