Chapter 24

8.4K 277 6
                                    

GRETA
#MayDagdagSaya

"P-pagod na 'ko..."

"Sige, magpahinga ka muna dito."

"Tingan mo si Ru, baka hinahanap tayo ng bata."

"Ok. No problem. Just sleep and rest your body, maybe later---"

"Pangga!"

Naalimpungatan 'ko ng makaramdam ng pagkalam ng sikmura. Gumalaw ako para sana babangon, pero nakadagan 'yong binti ni Rhios sa isa isa kong hita kaya di ako makaalis.

Nasa tabi ko na pala siya ng hindi ko maramdaman ang paghiga niya dito, tsaka nakasuot na din 'ko ng pantulog.

Maingat ko siyang tinagilid na kinaungol niya pero di nagising, napapikit ako bago bumangon.

Tinakip ko 'yong kumot sa katawan niya bago ako lumabas ng silid. Pumanaog ako at hinanap 'yong kusina at gusto ko sanang magpasama kay Rhios dahil nahihiya ako, kaso mahimbing 'yong tulog niya.

Tahimik na ang buong paligid at ako na lang 'yong gising, alas tres na kase ng madaling araw.

Kakain na si Nanay, Baby...

Napangiti ako ng makita ang kusina. Binuksan ko ang malaking ref at ganun na lang umawang ang labi ko nang makita na punong-puno ng laman ang ref. Grabe naman sa dami!

May mga natirang pagkain kanina sa birthday ni Sir Randolph, kaya 'yon ang kinuha ko at dinala sa lamesa.

Kumuha ako ng pinggan at kutsara bago maupo sa lamesa, nagdasal muna ako ng tahimik bago napangiti.

Kumuha ako ng paa sa lechon manok at isusubo ko na 'yon ng bigla akong makarinig ng isang boses.

"Ang kapal naman ng mukha mo'ng magnakaw ng pagkain dito, babae!"

"H-hindi naman po!.."

Despensa ko sa Ginang, nakatayo ito sa hamba ng pinto at dinuduro pa 'ko. Nanlilisik din 'yong galit niyang mga mata at parang susugurin na 'ko.

"Aba't! Sumasabat ka pa!"

"Nagugutom lang po kase ako."

"May pahintulot ba sa mag-asawa na kumain ka dito, ha?!"

"Wala po."

Gahibla na lang 'yong pagtitimpi ko sa walang modong na Ginang na 'to! Kung di lang siya Nanay ng asawa ni Rhios na namatay ay baka makasagot ako ng di kaaya-aya sa matandang 'to!

"Edi, magnanakaw pa rin ang tawag sa'yo!"

Bulyaw nito na lumapit pa talaga sa'kin at dinuro ako sa noo. Marahas akong napatayo na kinatigil nito.

"Mawalang galang na po, Ma'am! Hindi po ako isang magnanakaw! May karapatan din po ako bilang mapapangasawa ni Rhios sa bahay na 'to, Ma'am!"

Hindi ko din mapigilan na tumaas 'yong boses ko. Nanlilisik ang mga mata nito na bigla niya 'kong sinampal, napahawak 'ko sa pisngi ko.

"Gaga ka! Walang modo! Tandaan mo na kasal pa si Rhios sa anak ko kaya wag ka'ng umasta na asawa mo na siya dahil kabet ka lang! Malandi ka'ng babae! Kabet!"

Akma niya muli akong sasampalin pero mabilis ko nang nahawakan 'yong kamay niya, tsaka marahas kong tinulak 'yon.

"Wala po kayong karapatan na saktan ako o pagsalitaan ng masama dahil kahit wala po akong pinag-aralan ay alam ko ang salitang respeto. E, kayo po? Nakapag-aral kayo pero walang modo ang ugali mo, nakakahiya sa eskwelahang  pinag-aralan niyo!"

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon