Kabanata 9

10K 367 3
                                    

GRETA
#ChambaBoss!

"Ang matayog kong pangarap..."
Bulong ko sa hangin.

Nakatingala ako sa mataas na building bago pumasok sa entrance.

Pagkatapos kong mag-punch at ilagay ang bag ko sa locker ay naglakad na patungo sa pinakamataas na floor, doon daw kase ang Executive Office.

"Ang sosyal ko ngayon!.." Muli kong bulong sa hangin habang naglalakad.

Kagabi ay todo ang pasasalamat ko sa Itaas, sa pagkataon na binigay niya sa'kin 'to. Isa ako sa maswerteng tao.

Sumakay ako ng elevator paakyat kung saang floor ang Executive. At dahil sa excited ko ay hindi ko na natanong ang pangalan ng bago kong Boss, sana ay mabait at maunawain.

Lumabas na ako ng elevator nang tumunog iyon, mabuti at alam ko na ang paggamit nito.

Dahil sobrang aga ng pagpasok ko ay ako pa lang ang nandirito sa loob, maliban sa mga security guard, na pang night shift ang mga duty.

Pagkakita sa pinto ng Executive Office ay kinakabahan muli ako ng sobra. Pati mga palad ko ay nanlalamig din.

"Ma-isog ka nga babaye, Grechen.." Napabulong na naman ako sa hangin.

Umangat ang isang kamay ko at kumatok sa pinto. Ilang minuto ay walang may nagsalita mula sa loob.

"Gaga Greta! Wala pa kayang tao sa loob!" Oo nga no? Hahaha! Sira!

Parang baliw na bigkas ko sa mahinang tono. Ang aga kong pumasok kaya malamang na wala pa'ng tao sa loob. Excited kase ako!

Babae ba o lalaki ang Executive?

Napahawak ako sa seradura at wala sa sariling pinihit iyon. Nagulat na lang ako ng bumukas iyon ng konti.

Papasok na ako! Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob, maingat lang ang paghakbang ko.

"Wala pa nga ang Executive..."

Bulong ko . Namangha ako nang makita ang buong silid, malawak ito at malinis, pinaghalong puti at gray ang kulay, matatanaw ang labas mula sa krystal na dingding.

Bigla akong nakarinig ng pagbukas ng pinto, na siyang kinataranta ko. Humakbang ako para sana lumabas baka sakaling magalit o sitain ako, dahil sa pagpasok ko na walang permiso. Katapusan mo na, Greta!

"Greta."

Natigilan agad ako sa boses na iyon. Kilalang-kilala ko ang malalim at baritono niyang boses. Boses pa lang ay pinapakislot na ako! Bigatot!

Napalingon ako, ngunit napaawang ang bibig ko sabay lunok. "B-boss?!"

Nakatapis lang kase ng tuwalya ang palakol niya at nakahulma pa iyon. Bagong ligo at may tumutulong tubig sa buhok niya, papunta sa katawan.

"Come here." Nakangisi niyang utos.

Kinutuban ako sa naiisip ko na baka siya ang Executive? Si Boss ko na isang druglord ay magiging Boss ko din ngayon dito sa trabaho?

"B-boss--- ay Sir! I-ikaw ba ang Executive dito?" Nauutal na sambit.

Muli akong kinabahan nang lumakad si Boss papunta sa kinatatayuan ko, napaatras na rin ako. Pero napakislot ako ng tumama ang likod ko sa pinto.

"Baby..."

"B-boss!"

Napatili ako sa gulat dahil bigla ba naman winarak ni Boss ang damit ko! Ang bilis niyang makalapit, kinorner pa ako dito sa pinto.

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon