GRETA
#MalasakitAtPag-asa"Greta, bawal kayong matulog dito." Sita ni Mang Pandoy, na isang tanod nang makita niya kami dito.
"Kahit ngayong gabi lang po, Mang Pandoy... Pinalayas ako ng Tiyahin ko at gabi na kung maghanap pa ako ng matutuluyan. Malakas ang ulan at may kasama akong bata."
Mahaba kong pakiusap. Sana ay pumayag siya. Bawal kase na tambayan itong auditorium, pwera lang kung evacuated sa kalamidad.
Nakita kong naawa naman si Mang Pandoy sa kalagayan na'min.
"Sige, basta ngayon lang. May karton ako dun, saglit at kukunin ko." Iniwan niya kami para kunin ang karton na nasa itaas ng Barangay hall.
"M-mommy... I'm hungry na po..."
Sambit ng bata habang yakap ko."Sige baby, bibili si Mommy ng makakain." Pagtapik ko sa pisngi niya, humigpit ang pagyapos niya.
Nang dumating si Mang Pandoy ay may dala siyang tatlong karton at may isang kumot pa. Todo pasalamat ako sa kaniya, pinabantayan ko na din saglit sa kaniya si Ru, para bumili ng pagkain na'min.
Mabilis akong lumabas at naghanap ng malapit na karinderya. Bumili ako ng dalawang kanin at adobong manok, tsaka mineral water.
"Maraming salamat po talaga, Mang Pandoy."
Sabi ko nang makabalik ako.
"Walang anuman, Greta. Sige at magroronda pa ako." Paalam nito.
"Baby Ru, kain na tayo." Pinaupo ko siya habang nakabalabal sa katawan niya ang puting kumot, giniginaw.
"Y-yes po, Mommy..."
Kumain kaming dalawa. Matapos nun ay pinainom ko siya ng kiddilets, para maagapan ang lagnat.
Ilang sandali pa ay magkayakap kaming nahiga sa karton, dito sa gilid sa gitna ng stage. Maraming lamok kaya bumili na ako kanina ng katol.
"Mommy... I love you po!" Sambit ni Ru at matunog akong hinalikan sa magkabila kong pisngi.
Napangiti ako bago ginulo ang buhok niya. "Matulog ka na, bukas ay maaga tayong maghahanap ng matutuluyan." Hinalikan ko ang matangos niyang ilong.
"Good night, Mommy!"
"Matulog ka na."
Pumikit na ang mga mata niya habang hinahagod ko ang likod. Ilang sandali ay nakatulog na ito.
Napahikab ako at inaantok na rin. Pinikit ko na ang mga mata pero napamulat ng marinig ko si Mang Pandoy, hinihingal 'yata siya.
"Greta!"
"Bakit po, Mang Pandoy?"
"Hinahanap ka ng mga pulis!"
"Po?!" Gulat kong bulalas na agad napaupo, bigla ay kinabahan ako.
"Hinahanap ka nila sa buong Kanto! Umalis na kayo!"
"H-hindi ko po alam kung saan ako pupunta!" Nanginginig na ang boses ko sa takot, nais ko pang umiyak.
"Wala din akong alam, p-pasensiya..." Iwas ang mukha niya.
"Greta!" Napatingin ako sa tumatakbong si Kyle.
"Kyle!"
Basa ito at hinihingal na lumapit sa'min. Napatingin siya kay Ru bago sa'kin. "Sumama kayo sa'kin!"
BINABASA MO ANG
Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDE
General FictionUlilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebenta ng mga ilegal na sachet upang mabuhay. "Masama man sa paningin mo pero nabubuhay ako sa ilegal na...