Chapter 27

8.2K 277 4
                                    

GRETA
#Mautak

"Umuwi ka na muna, Iha."

"Gusto ko po na mabantayan si Rhios, at ako po 'yong una niyang mabungaran."

"Dalawang araw ka nang nandito. Magpahinga ka muna."

"A-ayos lang po ako."

"Nakakasama sa dinadala mo ang pagod, Iha. Umuwi ka muna at magpahinga kahit saglit lang."

"Sige po."

Matapos ang pag-uusap na'min na 'yon na Mommy Theres ay hinihatid ako ng kanilang driver sa bahay.

Dalawang araw na ay di pa rin nagigising si Rhios. Sabi ng Doktor ay dahil daw sa maraming dugo na nawala sa kaniya.

Umalis din ang driver pagkahatid niya sa'kin. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa aming silid.

Nasa bahay nila Mommy Theres si Ru, kaya ako lang mag-isa ang nandito.

Naglinis muna 'ko ng katawan bago humilata sa kama. Niyakap at inamoy ko agad 'yong unan ni Rhios.

Dinadama ko na yakap niya ko at katabi siya dito sa higaan. Kaya di ko namalayan ay nakaidlip ako.

Paggising ko ay biglang kumalam 'yong tiyan ko, bumangon ako at pumanaog para magluto ng kakainin ko. Alas siete na pala ng gabi.

Nagluto lang 'ko ng itlog at ham, tsaka pinarisan ko ng noodles at tinapay.

Naupo ako sa lamesa at lihim nagdasal bago nilantakan 'yong pagkain ko, talagang nagutom ako.

Dun kase sa hospital ay di ako makakain, mabuti na lang ay may dalang pagkain nun sila Mommy Theres, nang dumalaw kanina.

Rhios... Sana gumising ka na. Miss ka na na'min ni Ru!

Marahas kong napahid 'yong mga luha ko ng may kumawala sa mga mata ko, tsaka pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Nakakalungkot mag-isa.

Napatigil ako sa pagnguya nang makarinig ako ng kaluskos sa labas ng bahay. Napainom ako ng tubig.

Nasa labas na si Tatay Kakak?

Nasa hospital kase siya nang makauwi 'ko dito sa bahay. Baka unuwi na siya.

Hindi ko na pinansin at nagpatuloy'ko sa pagkain ko. Nang matapos ako ay niligpit ko na 'yong pinagkainan ko at dinala sa lababo para hugasan.

"Ai! Brown-out!"

Kasabay ng pagdilim ng buong paligid ay napahiyaw ako nang mabitawan ko 'yong plato na sinasabunan ko.

Umingay ang tunog ng pagkabasag ng plato sa may lababo, mabuti na lang at hindi sa paa ko bumagsak.

Ang dilim! Bakit bigla nagbrown-out?

Nakabayad naman kami ng bill sa kuryente sa tamang oras. Siguro may sirang linyada o kinukumpuni?

Napakapa ako sa gilid ng lababo pero muli ko naman narinig 'yong kaluskos  na siyang kinatigil ko.

"Tay Kakak, ikaw po ba 'yan?"

Ilang minuto na naging tahimik ang paligid nang hindi sumasagot si Tatay Kakak, dun ay bigla akong kinabahan.

Muli akong napakapa para sana maghanap ng kandila pero bigla na lang may tumakip sa bibig ko.

Nagpumiglas ako pero nakaramdam ako ng pagkahilo na siyang dahilan ng unti-unting pagpikit ng mga mata ko.

"HA!!"

Napasinghap ako sa lamig na biglang tumama sa mukha ko.

Nangunot 'yong noo ko nang hindi pamilyar sa'kin ang nabungaran ko.

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon