GRETA
#MalandiDiba?"Sweet ice cream for lonely lady?"
Napakislot ako sa biglang pagsulpot nung Hunstman sa harap ko, may hawak na siyang dalawang ice cream.
"S-salamat."
Ayoko naman sanang kukunin kaso sayang 'yong ice cream, mango flavor pa naman. Dinala ko agad sa labi ko.
"Paupo."
Humingi pa talaga ng permiso e, nauna pa 'yong upo niya bago niya dilaan 'yong ice cream niya.
"Ano na naman ginagawa mo dito? Sinusundan mo talaga 'ko, no?"
Paghihinala kong sabi kase bigla na lang susulpot ang lalaki na 'to. Parang bampira lang na naaamoy agad ako.
Ngumisi naman siya habang dinidilaan 'yong ice cream na nakatitig sa'kin, umiwas ako ng tingin.
"Hm, nakita lang kita na papunta dito kaya sumunod ako. Baka kase manakawan ka na sa pagkatulala mo." Nakangisi pa rin na sabi niya.
"Palusot ka pa." Pag-irap kong sabi.
Tumawa siya ng mahina. Inubos ko na 'yong ice cream ko.
"Baka makalusot."
"Gago."
"Thank you."
"Lumayas ka na at pumasok sa klase mo."
"Nandito 'yong papasukin ko."
"Ano?!"
"Sabi ko maganda ka, pwede ba kitang ligawan?"
Agad ko siyang natingnan tsaka sinamaan ng tingin. Nakangisi pa rin 'yong mukha niya at halata na nangtitrip lang ang modos niya.
Gago talagang Hunstman na 'to! Bakit ba ako 'yong napagtripan niya?
"Lumayas ka nga sa harap ko! Naiirita 'ko sa pagmumukha mo, gago!" Bulyaw ko sa sobrang inis.
Napatayo pa ako at hinampas 'yong balikat niya, sinasalag naman ng palad niya 'yong bawat patama ko.
"Kalma lang! Hindi ka na mabiro---"
"Biro-biruin ko'yang pagmumukha mo!" Ewan ko ba at bigla 'kong nainis.
"Okay! I'll stop! Sorry."
Napatigil ako ng mapalayo siya ng distansiya sa'kin. Napahinga ako ng malalim at kinalma'yong sarili ko.
"P-pasensiya sa naging asal ko."
Mahinanon kong sambit na kinatingin naman niya sa'kin, ngumisi siya.
"Naiintindihan ko."
"Ang ano?" Naguluhan kong tanong.
"'Yang pagkainis mo sa'kin. Baka kase ako pinaglilihian mo.""
Nangunot 'yong noo dahil hindi ko maunawaan ang sinabi niya. Ngumisi siyang muli tsaka tumayo sa harap ko, nakapamulsa ang mga palad niya.
"H-hindi ko---"
"Tsk. Si Murphy pala 'yong maswerteng lalaki."
Seryoso na niyang sabi at kita ko na parang may dumaan na lungkot sa mga mata niya na di ko alam ang dahilan. Si Rhios kaya tinutukoy niya? Pa'no nalaman ng Hunstman na 'to?
"Kilala mo si Rhios?"
"He's our new partner in Hunstman Laboratory." Balewalang sabi niya. "And you are selling our drugs for living before, right?" Patuloy niya na kinatigil ko, parang wala lang man sa kaniya 'yong nalaman niya.
BINABASA MO ANG
Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDE
General FictionUlilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebenta ng mga ilegal na sachet upang mabuhay. "Masama man sa paningin mo pero nabubuhay ako sa ilegal na...