GRETA
#InstantMommy"Anong ginagawa mo dito?"
Nakatayo siya sa daraanan ko at may idea ako na siya din ang sumusunod sa'kin. Bakit niya ako sinusundan?
Asset ba siya na pinadala ng mga pulis para magmatyag sa mga ilegal na nagbebenta ng droga?
"Nagugutom po ako." Walang paligoy nitong sabi, tumaas kilay ko.
"May pinatago ka bang pera sa'kin?" Pagtataray ko, nainis sa bata.
"Wala po."
"E, wala naman pala! Alis na!"
Labag sa loob kong sabi. Kase magbebenta pa ako at ayokong madamay ang batang ito, oras na magkagipitan. Kawawa naman ito.
Lumakad ako at pinatagilid ang balikat nito para makadaan ako. Pero naramdaman kong sumunod na naman siya sa'kin. Bahala siya!
"Mommy! Nagugutom ako!"
Matinis niyang hiyaw. Literal na nagulantang ako sa pagkakatawag niya sa'kin. "Hoy, bata! Hindi mo ako Mommy!" Sita kong hinarap ito.
Nakapameywang na tinaasan ko ito ng kilay, nakangiti lang siya sa'kin!
Ngayon ko napansin na mamahaling damit ang suot nito, magaling akong kumilatis. Maputi ang balat nito, medyo mahaba ang buhok na pareho kay ceddie, makapal na kilay, matangos na ilong, at mapulang labi.
Sosyalerang englesirang bata na 'to!
"But I want you to be my Mommy!"
Aba't! Kapal ng mukha nito!
"I'm nut ur Mumme!"
Hindi naman masama!Lumakad na ako ng mabilis para makalayo sa sirang-ulo na bata na 'to!
Nakalabas na ako sa Marites Kanto. Papatawid ako sa kabilang kalsada para pumunta sa Professional Kanto, lahat ng nakatira ay propesyunal dun.
"Mommy!"
"Layuan mo ako bata ka!"
"Mommy!"
"Sabi ng hindi mo ako Mommy!"
Sigaw ko habang hindi nililingon ang bata. Nakakainis na siya at sarap sapakin, kung hindi lang masama.
"Mommyy!!!"
Bigla akong napalingon ng maging kakaiba ang kaniyang sigaw. Ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko at pagtahip ng takot nang makitang may rumaragasang truck na papalapit sa gitna ng daan, kung saan nakatayo mismo ang bata.
"Bata!!!" Mabilis ang pagtakbo ko.
Binuhat ko ang bata papunta sa gilid, kasabay din nun ang pagdaan ng malaking truck.
"M-mommy..."
May tumapik sa pisngi ko dahilan para mapakurap at numbalik ako sa'kin sarili. Nanginginig ang katawan ko sa takot, habang yakap ko ng mahigpit ang bata.
"A-ayos ka lang?"
Tumango-tango ito, nakangiting nakatitig sa'kin na haplos ang mukha ko. "Yes, Mommy! Palatak pa nito.
"Bakit ba sinusundan mo ako?"
"Because you're my Mommy!" Galing naman mag-englis ng batang 'to! Ganda din ng accent, sosyalan!
"Hindi nga ako ang Mommy mo, diba sabi mo namatay na Mommy mo?" Mahinanon kong sabi.
Lumabi naman ito na kinangiti ko, dahil ang kyut ng bata! Sarap pisilin.
BINABASA MO ANG
Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDE
General FictionUlilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebenta ng mga ilegal na sachet upang mabuhay. "Masama man sa paningin mo pero nabubuhay ako sa ilegal na...