GRETA
#KaibiganOKaribal?"Miss! Watch out!"
Agad akong napakurap sa boses na biglang humarang sa harap ko mismo, na akma na 'kong yayakapin sa sobrang lapit nito. Nakatayo 'yong hambog na lalaki nun sa may tiangge, nakangiwi 'yong mukha nito.
"Sorry, pre!"
Lumapit ang isang kabarkada nito tsaka kinuha ang bola sa lupa. Ngayon ko napagtanto na sa'kin dapat tumama 'yong bola, pero hinarangan ng lalaking ito. Para talaga sa'kin, ha?
"Bakit ka humarang?"
Suplada kong sita pero hindi naman talaga ako suplada, sa lalaki lang ito. Kase napakahambog, akala mo sino.
"Ayokong masaktan ka?"
Patanong pa 'yata na sagot niya tapos parang naiilang pa siyang napangiti, napapakamot pa sa batok niya.
Ngayon ko din nakita na sobrang lapit pala na'min habang nakatingala ako, kaya napaatras ako ng konti.
"Salamat."
Sabi ko tsaka tinalikuran na ito. Pupunta sana ako sa canteen para bumili ng pagkain, kase kumalam bigla 'yong sikmura ko. Andami ko naman kinain kanina sa bahay. Ewan ko at bakit madali akong magutom.
"Sandali lang, Miss!"
Narinig ko ang pagtawag nung lalaki pero hindi ko na pinansin, nagtuloy ako sa paglalakad ko. Pero napatigil ako nang humarang siya sa harap ko.
"Bakit ba? Manggugulo na naman?"
Pinameywangan ko siya dahil sa inis.
"May nahulog ka."
Sabay abot niya sa singsing ko. Natingnan ko ang daliri ko tsaka mabilis na kinuha ang singsing at isinuot sa daliri ko. Bakit ba nahulog 'to? Siguro kase medyo maluwang.
"Salamat."
"Engaged ka na?"
"Halata naman diba?"
Pagtataray ko na agad naman kinangisi ng lalaki, lumitaw ang isang dimple nito sa kaliwang pisngi.
"Yes, akala ko kase---its a prank?"
Mahina siyang humalakhak sa sarili niyang biro. Umirap ako bago siya talikuran. Pesteng lalaki na 'to!
"Hey! Anyway, what's your name?"
Sumasabay siya sa lakad ko. Lumabas ako ng gate para bumili ng pagkain sa tiangge, nagugutom na talaga ako.
"Tay, pabili po ng lumpia, siomai, dynamite, kwek-kwek at kikiam po! Tsaka malamig na buko juice!"
Agad na tumalima si Tatay nang makabayad ako at kinuha ang mga sinabi ko at nilagay niya sa lalagyan, naupo ako sa bangko na may lamesa at hinintay ang pagkain ko.
"Ganun din sa'kin, Tay! Lamat!"
Sabi nung lalaki bago naupo sa harapan ko, nakangisi 'yong mukha.
"Sabihin mo na pangalan mo, Miss. By the way, I'm Cade Hunstman."
Hunstman?! Otomatic akong napatitig sa mukha nung lalaki. Tinitigan kong maigi 'yong mukha niya. Baka kase nakadroga ang lalaking ito habang nandirito sa eskwelahan nila!
Malinaw naman mga mata nito na kulay bughaw, wala din wrinkles, makapal ang kilay, matangos na ilong, mapula din ang labi niya na palatandaan na hindi nagyoyosi o may masamang bisyo, tsaka mahulma 'yong panga niya. Gwapo din na lalaki!
BINABASA MO ANG
Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDE
General FictionUlilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebenta ng mga ilegal na sachet upang mabuhay. "Masama man sa paningin mo pero nabubuhay ako sa ilegal na...