GRETA
#TampoOLumpo?"Isang linggo akong mawawala."
Napatigil ako sa pagkain nang sabihin 'yon ni Boss. Ang tagal niya mawala, saan ba siya pupunta?
"Sige, ingat." Simpleng tugon ko.
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo, hindi niya 'yata nagustuhan.
"Hindi mo tatanungin kung saan ako pupunta?" Matiim na sabi niya.
"Sabihin mo na lang, nagtanong ka pa." Parang inis 'yong boses ko.
"Greta." Sita niya.
"Hm?" Nakayuko ako at patuloy na kinakain 'yong pagkain ko.
"Look at me." Utos niya.
Tumingin ako sa kaniya. Madilim 'yong mga mata niya, nakasalubong mga kilay, gumagalaw 'yong panga, galit na siya sa'kin.
Mabuti na lang at wala dito ang bata dahil nasa kabilang bahay at naglalaro sa kaklase niyang lalaki rin. Sabado ngayon at walang pasok.
"May problema ba?"
"Wala."
"Bakit ang lamig mo?
"Siyempre malamig dito sa loob."
"Greta!"
Dumagundong na 'yong nakakatakot niyang boses na lihim kong kinakislot, parang natakot ako sa kaniya.
"Wala nga."
"Dahil ba umuwi akong lasing?"
Naalala mo pala! Akala ko hindi na, e!
Nagutom lang 'ko kakahintay sa'yo, gago ka! Nagdala ka pa ng babae!"Bakit ba lasing ka kagabi?"
Nakita kong natigilan siya. Gumalaw 'yong mga mata niya tsaka tumingin sa'kin. "Nagkaanyayaan sa office."
Gago! Sinungaling mo, Boss!
"K." Tipid na sabi ko.
"Mamayang gabi ako aalis."
"K."
"Ikaw nang bahala kay Rush."
"K."
"Nasa iyo naman black card ko at alam mo 'yong password."
"K."
Napapitlag ako sa gulat nang mariin niyang hawakan 'yong panga ko tsaka pinatingin sa kaniya.
"Kanina ka pa malamig, may problema ka ba sa'kin, Greta?"
Greta? Hindi na Baby o Grechen?
"Wala nga, masama lang pakiramdam ko."
Sinalat niya 'yong noo ko, tumayo siya at pinuntahan ako sa upuan ko para patayuin. "R-rhios! Ibaba mo 'ko!"
Bulalas kong hiyaw nang bigla niya akong buhatin at isampa sa kaniyang balikat, hawak niya 'yong hita ko.
"Baka kulang ka sa romansa kaya ka nagdadrama!"
Nandun 'yong kilabot sa boses niya.
"Gago ka! Ibaba mo 'ko!"
"Tsk. Atat na atat 'yong Baby ko."
Nainis ako sa sinabi kaya binabato ko 'yong likod niya pati matambok niyang puwet, pero wa- epek ang pagpupumiglas ko.
Binuksan at lock niya 'yong pinto tsaka naglakad papunta ng kama at walang sabing hinagis niya 'ko doon. Sumubsob 'yong mukha ko sa malambot na kama bago ko siya pinalisikan ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDE
General FictionUlilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebenta ng mga ilegal na sachet upang mabuhay. "Masama man sa paningin mo pero nabubuhay ako sa ilegal na...