Chapter 11

10.3K 325 4
                                    

GRETA
#Ibabahay

Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay bungisngis agad ni Ru ang naririnig ko, habang hinahalikan niya ang pisngi ko at pinipisil pa niya 'yon.

"Good morning, Baby ko!" Niyakap ko naman siya at pinugpog ng halik.

"Mommy! Stop!" Nakikiliti na saad nito habang panay kiliti ko sa kaniya.

"Ang cute- cute mo'ng bata ka!"

Napatingin ako sa orasan at napamaang ng makita na alas niebe  na ng umaga! Jusko! Late na 'ko!

Napabalikwas ako ng bangon sakto naman na may kumatok sa pintong kawayan, hindi ko maaninag ang tao.

"Sandali lang Baby at may tao sa labas, dito ka lang muna."

Pumanaog ako para buksan ang pinto. Baka si ate Renren iyon at nagtaka kung bakit hindi ako nakapasok. Medyo masakit pa nga 'yong katawan ko, nagbilin pa ng pasa 'yong pagdiin ng paghawak ni Boss sa ilang parte ng katawan ko. Gigil na gigil si Boss ko!

Kinalas ko ang gumang nakadikit sa gilid para buksan ang pinto. Nakangiting sinalubong ko si Ate---

"B-boss?!"

"Hi."

Siyempre umawang ng napakalaki ang bibig ko sa hindi inaasahang bisita. Nakatayo talaga si Boss sa harap ng pinto, totoo siya.

Nakapolo na gray at pantalon si Boss na pinaresan din ng gray na sneakers. Kahit medyo magulo ang buhok niya ay gwapong-gwapo pa rin ang awra niya. Parang nagmamadali kase siya.

"B-boss! A-anong ginagawa mo dito?!" Nauutal pa rin ako sa kaniya.

"I'm here to visiting you." Kaswal lang na pagkakasabi ni Boss.

"P-pano mo nalaman kung nasaan ako?" Nakakagulat naman si Boss!

"I asked Kyle, and I know your story." Marites din pala 'tong si Boss!

"Mommy!"

Magsasalita sana ako ng biglang yumapos si Ru sa beywang ko. Dumako doon ang tingin ni Boss, kita kong nagulat at natigilan siya.

"Rush!"

"Daddy?"

"Fvck!"

Napaluhod si Boss at nagulat ako ng yakapin niya ng mahigpit ang bata. Ano daw sabi ni Ru? Daddy?-- Daddy?!

Si Boss ang Tatay ni Ru? Tatay ni Ru si Boss? Mag-ama silang dalawa?! Gosh!

"Daddy!" Umiiyak na sambit ni Ru.

"What are you doing here? I'm searching you everywhere, even inside and outside the City!"

Narinig ko na gumaralgal ang boses ni Boss. Kaya pala na parang may kahawig si Ru dahil kamukha siya ni Boss, ngayon ko lang napagtanto.

"Lumayas ako nung pagalitan mo, Dad!" Sumbong ng bata. Napangiti ako dahil ang cute niya sa pag-iyak.

"It's all my fault. I'm sorry, Son."

"I'm sorry too po, Dad..."

Sabay silang napatingin sa'kin, na kinakurap ko. Magagalit ba si Boss?

Napakalas si Ru para hawakan ang isang kamay ko. "This is Mommy, Dad." Sabi ng bata na kinatigil ko.

Nakatitig naman si Boss na kinangiti ko ng pilit. "Tinulungan ko siya nun sa kalye, Boss! Tapos hindi na ako nilubayan at tinawag pa akong Mommy, kaya hinayaan ko na lang."

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon