GRETA
#PasabogniBossDalawang linggo na ang nakaraan nang tumuntong ako dito sa bahay nila Boss Rhios. Hindi na niya ako pinayagang magtrabaho pa para daw maalagaan ko ng maayos si Ru.
Siyempre, hindi din nawawala 'yong bungkalan na'min ni Boss. Gabi-gabi sa kwarto niya, walang kapaguran.
Kahapon nagsimula ang klase ni Ru, kaya ako ang kasama niya sa paaralan. Pinakilala pa akong Mommy niya sa mga kaklase niya.
Super proud be Mommy naman ako, feelingera na asawa ng mayaman. Joke lang! Siyempre down to earth 'to.
Nandito kaming tagabantay sa labas ng gate ng eskwelahan. Mga kasama ko ay mga Mommy din at 'yong iba ay sosyal kase may mga Nanny.
Ang lawak ng paaralan kase naman ay magkalapit 'yong Elementary, High school, at Kolehiyo, na sa isang lugar lang nakatayo.
Dahil sa nauuhaw ako at parang nahilo mula sa pagkatayo ko ay bumili ako ng tubig sa kalapit na tiangge. May mga Estudyanteng kalalakihan ang nakatambay sa daan.
"Pwedeng padaan?" Mataray na sagot ko sa lalaking Estudyante, matangkad ito at may hawak na bola.
Lumingon ito sa'kin tsaka pinasadahan ng sulyap ang katawan ko. Nainis ako sa ginawa nito.
"Pwede, basta may halik!" Nakangising sabi nung Estudyante, na kinahiyaw ng mga kabarkada nito at nagsi-apiran pa. Mga pesteng bata!
"Gago mo, bata! Pa'no bibili 'yong mga kustomer kung nakaharang- harang kayo dito?!" Bulyaw ko.
Hindi ko alam kung bakit mabilis na kumulo 'yong dugo ko sa batang 'to! Siguro nga ay matanda pa ito sa'kin.
Muli na naman nagtawanan at apiran ang mga magbarkada. Inirapan ko 'yong lalaki bago tumalikod pero bigla nitong hinawakan ang braso ko.
"Miss beautiful, pwedeng malaman pangalan mo?" Marahas ko pinilipit 'yong kamay nito, dahilan para mapadaing ito. "Ouch! Stop it!"
Marahas kong binitawan ang kamay nito bago tumalikod at lumakad na, sakto naman na nakita ko si Ru na papalabas ng gate. "Mommy!"
"May anak na pala, Tol!" Narinig kong hiyaw ng isang kabarkada nung hambog na lalaking Estudyante.
"Ru! Kamusta ang klase?" Tanong ko bago kinuha ang bag niya at sinukbit iyon, pati ang lunch box niya.
"It's okay po, Mommy!" Napalinga siya sa paligid at may hinahanap. "Where's Daddy?"
"Hindi niya tayo masusundo, abala sa trabaho si Daddy mo."
Nakita ko ang paglungkot ng kaniyang mga mata bago hinila ang kamay ko.
"Let's go na po, Mommy." Pati boses niya ay matamlay din.
Ngayon lang kase hindi nakasundo si Boss. May importante kase siyang tinatapos sa isang kompanya niya.
Nalaman kong marami pa lang kompanya si Boss. Sobrang yaman din niya, pati 'yong pamilya nila. Pero hindi ko pa nakikita 'yong pamilya.
Narinig ko lang dito sa mga marites na Mommy. Pinag-uusapan nila 'yong pamilyang Murphy. Siyempre hindi ko sinita dahil nais ko din malaman 'yong tungkol sa pamilya ni Boss.
Si Tatay Kakak na driver ng pamilya ang sumundo sa'min pauwi ng bahay. Pagkauwi ay nagbihis ako at gumawa ng mireyenda para sa'min ni Ru, pati na rin kay Tatay Kakak.
Natakam ako sa Lecheflan kaya iyon ang ginawa ko. Dinamihan ko ang paggawa at tinirhan si Boss, para may panghimagas siya mamaya.
Si Ru ay nasa silid niya at naglalaro ng video games. Bumaba ako para magsaing at luto na rin ng uulamin na'min. Feelingerang asawa lang peg!
BINABASA MO ANG
Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDE
General FictionUlilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebenta ng mga ilegal na sachet upang mabuhay. "Masama man sa paningin mo pero nabubuhay ako sa ilegal na...