Chapter 19

8.6K 324 8
                                    

GRETA
#MayBlessingPeroNasaktan

"Okay. I'll take your advice, Dok. Thank you so much!"

Paalam nung babae sa doktorang babae, bago ako sinulyapan at napangisi ng malapad. Inirapan ko lang ito, lumabas naman ito.

"Kilala mo?"

"Siya 'yong attorney ni Rhios."

"'Yan pala 'yong bigatlan na babae na sinasabi mo sa'kin?"

"Siya nga. Anong ginagawa niya dito?"

"Aba'y malay ko! Baka may sakit."

Bulungan na'min ni ate nang biglang may tumikhim na kinatigil at tingin na'min kay Doktora.

"Anong maipaglilingkod ko?"

Palipat-lipat 'yong tingin niya sa amin ni ate. Napatingin ako sa pangalan niyang nakalagay sa lamesa.

Shiela Abad
Obgyne

"Magpapacheck-up 'tong kapatid ko, Dok."

Inakbayan ako ni ate na kinatingin ko sa kaniya, nagtataka 'yong mukha ko.

"Ano ba'ng problema sa kaniya?"

Tiningnan ako ni Doktora na kinakurap ko naman sa pagka-ilang.

"Nahihilo." Sagot naman ni ate.

"Nahihilo ka ba?" Ulit ni Doktora.

"O-opo, Dok." Sagot ko na lang. Binalingan si ate na tumango lang.

Tumayo si Doktora para lapitan ako, kinuha niya 'yong bagay sa leeg niya at dinala sa tenga, tsaka 'yong kabila ay dinala niya sa dibdib ko.

"Maliban sa pagkahilo, ano pa'ng nararamdaman mo?"

Napatingin ako kay Doktora, nang kunin na niya 'yong bagay sa dibdib ko. Binalik niya muli sa leeg niya ang bagay na 'yon. Ano kaya 'yon?

"Masama tiyan ko, Dok."

"Hinahalukad 'yong sikmura mo pero wala naman may lumalabas?"

Hala! Pa'no 'yon nalaman ni Doktora?
Manghuhula din kaya siya?

"'Yon na nga, Dok." Sambit ko.

"Ok, let me check you."

Sabi ni Doktora, tsaka siya naunang pumasok sa silid na nilabasan niya kanina. Tumayo na rin ako.

"Bakit ba, Te?"

Naguguluhan kong tanong, ngumiti at tumango naman si ate Renren.

"Basta, malalaman mo mamaya."

"May cancer ba 'ko, Te?!"

Takot kong naibulalas. Baka kase totoo na may sakit ako? Naku, hindi naman sana. Hindi pa nga kami nagpapakasal ni Rhios!

"Pumasok ka na sa loob at naghihintay dun si Doktora!"

Iginaya na 'ko ni ate sa pinto at binuksan niya 'yon kaya pumasok na 'ko sa loob. Nakita kong naghihintay nga si Doktora sa'kin.

"Please, lie down."

Nakangiting pagturo niya sa puting higaan. Kinabahan man ay tumango ako at humiga dun sa higaan.

"M-may sakit ba 'ko, Dok?"

Napangiti si Doktora, tsaka may nilagay siya kung ano sa puson ko. Sinusuri niya 'yong tiyan gamit ang isang bagay na di ko alam. Tumitingin din siya sa isang monitor.

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon