Kabanata 4

10.4K 367 7
                                    

GRETA
#BinungkalAgain

Nakatayo ako dito sa pwesto ko at kanina pa naghuhurumentado ang pagtibok ng puso ko, dahil magkikita na naman kami ni Boss! Jusko, dai!

Todo pilit ako sa tropa na kung pwede ay wag muna akong sumama, e, kaso wala akong sachet kapag wala ang presensya mo. Nakakainis na kaba!

"Nandiyan na si Boss!"

Pagakarinig nun ay gumagalabog na ang dibdib ko, baka rinig na nga ni Kyle. Nasa tabi ko siya nakatayo.

"Fvck! Ang baba ng kinita niyo!"

Napalundag ako sa takot ng sumabog ang nakakatakot at malalim niyang boses, dito sa loob ng bodega.

Nag-angat ako ng tingin, doon kita ko siyang nakasabunot sa kaniyang buhok na magulo, nasa beywang ang isang kamay nito. Mukha siyang problemado ng todo.

"Bakit galit si Boss?"

Mahina kong bulong kay Kyle.

"May nawawala daw."

"Ha? Sino?"

"Hindi ko alam, siguro 'yong K9..."

"'Yong higanteng aso na alaga niya?" Usisa ko pa.

"'Yon na nga siguro."

Pareho kaming napalundag ni Kyle sa gulat, nang makarinig ng galit at nagbabantang boses mula kay Boss.

"What are you two doing?!"

"Nahuli tayo..." Bulong ko.

"Ikaw kase." Si Kyle.

Napatingin ako sa kaniya at ganun na lang ako nahintakutan nang makita ang nagbabaga niyang mga mata.

Jusko! Parang lalapain ako ni Boss!

"Next time, don't flirt in-front of me." Banta niyang nakatitig sa'kin.

"May partner na ako, Boss!"

"May anak na ako, Boss!"

Magkapanabay na sambit na'min ni Kyle. Nagkatinginan pa kaming dalawa, umawang sa gulat ang mukha niyang nakatingin sa'kin. Pati pala ang mga Tol ko, nagtataka sa'kin.

"P-paano---" Pinandilatan ko siya na kinatigil naman nito. Nakuha iyon.

"Back to business!"

Boses muli niya ang nangibabaw sa lahat, umeko pa sa buong lugar. Hindi maganda ang mood niya ngayon.

Habang nagsasalita siya ay matiim ang mga titig niya, kapag dadako ang abuhin niyang mga mata sa'kin.

Bawat buka din ng labi niya ay kinikilabutan ako, dahil naalala ko pa at ramdam ko na lumapat na iyon sa balat ko, sa mismong lupa ko.

Tandang- tanda ko kung paano ako umungol sa mga labing iyon, kung paano ko narating ang kasarapan.

Gusto ko muling lumapat sa lupa ko---

"Hoi! Greta!.." Biglang may sumiko sa gilid ko, si Kyle.

Na kinalundag ko sa gulat. "B-bakit?" Agad ko siyang natingnan, ngumuso siya sa unahan kaya napatingin ako.

Uminit ng husto ang mukha ko,  pagkakita sa kulay abong mga matang nakakunot noong nakatitig sa'kin.

"Are you with us?"

Napalunok ako, nahuli niya akong nakatitig sa labi niya! Ngumisi siya!

"O-oo, Boss!.." Pilit kong inayos ang tayo. Sumeryoso din pati mukha ko.

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon