Chapter 18

8.5K 298 5
                                    

GRETA
#Mag-isip

Lumabas ako ng bahay at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong dala na kahit ano, kahit pera ay wala 'ko sa bulsa. Nais kong mag-isip.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na pumapara ng taxi, wala sa sariling pumasok ako sa loob ng sasakyan.

"Saan tayo, Ma'am?"

"Sa Caloocan po."

Pinatakbo na nung driver ang sasakyan. Tulala 'kong nakatanaw sa labas ng bintana, tahimik din na umiiyak sa lungkot, galit at inis.

Samo't saring emosyon 'yong nararamdaman ko ngayon. Nais ko na ngang sumigaw para naman mawala 'yong sikip dito sa dibdib ko.

Malandi... 'Yon pala ang tingin sa'kin ni Rhios. Oo! Inaamin kong bigatlan nga ako--- pero sa kaniya lang!

Sa kaniya ko lang nga binigay'yong iniingatan kong puri tapos sasabihin niyang malandi ako?! Gago siya!

"Ano! Itatapon na ba kita, ha?!"
Kausap kong umiiyak sa daliri ko. "Ayaw mo na sa'kin? Sige, maghiwalay na tayo! Gago ka!"

Parang bata na tumataghoy ako dito sa kinauupuan ko.

"M-ma'am!.. ayos lang po ba kayo?"

"Hindi!"

Bigla kong bulyaw na agad kinatikom nung driver bago napakamot sa batok nito, tsaka nagpatuloy sa pagdrive.

Kalahating oras nang makarating kami sa Caloocan. Saglit kong pinahintay 'yong driver para humiram ng pera kila ate Renren.

Matapos magbayad ay umalis na din ang taxi. Bumalik ako ng bahay at kita kong nasa labas na si ate Renren.

"A-ate..."

Gumaralgal 'yong boses ko at hindi napigilan na yakapin siya. Napaiyak na ako sa balikat niya, hinahaplos niya 'yong likod ko.

"Sshh... Ano ba'ng nangyari?"

Napakalas ako tsaka tiningnan siya, hinila niya 'ko sa may bangko sa likod bahay at naupo kami dun.

"N-nag-away po kami ni Rhios dahil sa selos niya, nakita na may kasama 'kong lalaki at sinabihan na malandi..."

Gumaralgal na naman 'yong boses ko. Patuloy na hinahaplos ni ate 'yong likod ko, medyo gumaan pakiramdam ko sa ginagawa niya.

"Normal lang sa magkarelasyon ang mag-away o selos."

"Pero 'yong sabihan niya 'ko ng malandi at mukhang pera ay sobrang sakit, Te!"

"Wala man 'ko sa posisyon na manghimasok sa relasyon niyo, pero 'yong maipapayo ko lang ay sana pag-usapan niyo ng maayos 'yong problema niyo."

"Makitid 'yong utak ni Rhios, Te! Mas naniniwala siya sa litratong nakita niya kaysa sa'kin! Siya nga 'yong una ko sa lahat ng karanasan ko, tapos malandi daw ako?!"

Garalgal ko at puno ng luha 'yong mga mata ko, parang bata lang 'yong inaasta ko sa harap ni ate Renren. Pero gusto ko lang na may mapagsabihan o ilabas 'yong nararamdaman kong sama ng loob.

Parang pamilya ko na rin si ate Renren at nakakatandang ate, kaya malakas loob ko na magsumbong.

"Sige, iiyak mo lang 'yong bigat diyan sa puso mo."

Malumanay na sabi ni ate habang hinahagod niya 'yong likod ko, patuloy lang ako sa pag-iyak.

Ilang minuto nang tumigil ako sa pag-iyak. Ewan ko ba at madali lang sa'kin 'yong magalit o umiyak.

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon