Kabanata 5

10.4K 352 2
                                    

GRETA
#Pinalayas

Nahimasmasan ako sa kabigatot ko!!

Mabuti na lang at hindi natuloy ang bungkalan, kundi lagot ako sa mga magulang ko, na nasa langit. Kahiya.

Nagpaalam na din si Boss nang makausap kung sino man kausap niya sa cp kanina. Iniwan akong bitin!

Sa totoo lang ay nabitin ako, pero may bahagi sa utak ko na nagpapasalamat na hindi natuloy ang bungkalan.

"Mommy! I miss you po!"

Napapitlag ako nang may yumakap sa beywang ko. Napangiti ako bago ginulo ang buhok niya, napalabi siya.

"Namis din kita, Baby Ru! Naging mabait ka ba kay Nanay Soling?"

Si Nanay Soling na may maliit na tiangge, malapit sa plaza. Doon ako laging tumatambay at suki ni Nanay.

Kaya malakas ang loob kong ibilin doon si Ru. May mga apo si Nanay kaya may kalaro ang bata.

Ayoko sana siyang ipagbilin pero alangan naman na dadalhin ko siya sa negosyo, baka gayahin pa nito.

"Yes po, Mommy! I also have new friends po! Si Mii-Mii at Moo-Moo!"

Masaya niyang pagbalita, napangiti ako. "Mabuti kung ganun, uwi na tayo. Maraming salamat po, Nay!"

"Mag-ingat sa pag-uwi."

"Opo, sige po!"

Hinawakan ko sa kamay si Ru at hinila na palakad. Habang naglalakad kami ay panay naman ang kwento niya tungkol sa mga laro daw nila.

Alas sais na ng gabi kaya medyo madilim na ang paligid. Pagdating sa baro-baro na'min ay agad akong nagsaing habang nagluluto ng ulam, tortang itlog at piniritong bagoong.

Nang matapos ako ay inihanda ko iyon sa lamesa, tsaka pa lang kakain ang magaling kong Tiya, Tiyo at si Madrona. Ako pa talaga ang yaya nila!

Nag-igib ako ng tubig at nilinisan ang katawan ni Ru, bago ko nilinis ang sarili. Bakat sa leeg at dibdib ko ang pulang markang binilin ni Boss.

Nang matapos ako ay nilugay ko na lang ang mahaba at medyo kulot kong buhok, para takpan ang mga pula.

Baka isipin nila na ang Bigatot ko nga!

Nang matapos sila Tiya ay tsaka kami kumain ni Ru, maliit na lang ang natira sa ulam. Kasya para kay Ru.

"Mommy, let's share po."

Sabi ng bata na hinati ang isda pati na ang talong. Mabilis ko naman pinigilan. "Huwag na, sanay naman ako sa kanin lang." Ngiti ko dito.

"I want to share these, Mommy." Sabi niya at hindi napigil na lagyan ako ng ulam sa plato, napangiti ako.

"Tenkyu! Sige kumain ka na."

"Okay po, Mommy!"

Nagdasal muna kami bago kumain. Ang galing din niyang magdasal dahil tinuruan ko, kahit mali ang tagalog.

Pati sa paghugas ay tinulungan din ako ng bata. Nang matapos ay tsaka ko siya pinatulog, inaantok na kase.

Tabi kami sa folding bed ko, kaya medyo masikip. Pero ayos lang dahil magkayakap naman kami, parang mag-nanay lang talaga ang peg.

Kanina ay nais ko sanang ireport sa pulis ang tungkol kay Rush, kaso baka malaman pa ng mga pulis na nagbebenta ako ng droga ay bulilsayo pa. Kaya hindi ko na ginawa.

Kinabukasan ay malakas ang ulan, kaya wala akong nagawa kundi ibilin ang bata dito kila Tiya.

"I want to go too with you, Mommy!" Kanina pa niya sinasabi 'yan, habang hawak ang kamay ko.

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon