Simula

17.8K 387 49
                                    

SIMULA
#BeginningOfShower

___
"Tol! Magkano ang isang sachet?"

"Isang libo, Tol!"

"Ang mahal naman, wala na bang tawad 'yan?"

"Hindi naman ako palengke para tawadan mo, Tol!"

Napakamot sa gilid ng noo ang isang binatilyo, na isang ihip lang ng hangin ay matutumba na sa kapayatan nito.

Napangisi ang isang dalaga nang makitang dumukot sa bulsa ng suot na pantalon nito si Bitoy.

"Sigurado ka na epektibo ito?"

"Oo naman, Tol!"

"Baka pipitsugin lang ang klase."

"Mas may class ito, Tol! Kumpara mo doon sa may Ganid Kanto!"

"Nakabili na ako doon, wa-epek. Baka sa'yo ay ganun din?"

"Sus, kahit ubo mo nga matatanggal nito!" Pagmamayabang ng dalaga.

"Lalaki din ba pati katawan ko?"

"Oo naman! Tiyak na magkakaroon ka din ng six packs!"

"Talaga? Baka nagsisinungaling ka lang para bumili ako?"

"Aba'y! bakit naman kita lolokohin? Takot ko lang sa'yo!"

Kahit kaya pa kitang suntukin nitong kamao ko!

Ngising hiyaw ng dalaga sa utak.

"Baka hindi epektibo."

"Kung hindi epektibo, ibalik mo sa Hunstman Laboratory, doon ay bibigyan ka nila ng isang sakong bigas!"

Palatak ng wais na dalaga.

"Totoo ba iyan?"

"Ang kulit mo! Bibili ka ba o sa iba ko na lang ibebenta ito?" Galit na sa pagkainis ang dalaga. "Last na 'to!"

"Akin na bibilhin ko! May isang sako ng bigas naman ako kapag di-epektibo!"

Nakangising kinuha ng dalaga ang isang libo bago binigay dito ang isang sachet ng droga. Nahalikan pa nito ang kumikinang na papel.

"Tenkyu, Tol!" Mabilis na tumalikod ang dalaga pero napahinto din.

"Tol! Tataas din ba ang libido ko dito?"

Ngumising humarap ang dalaga.

"Aba'y! Hindi lang tataas, Tol! Kundi isang linggo din malulupog si partner mo!"

Lumapad ang ngisi ni Bitoy, lumitaw ang buo ngunit yellowish niyang mga ngipin. "Kung ganoon, jackpot!"

"Jackpot na jackpot, Tol!"

Balik na hiyaw ng dalaga bago na ito tuluyang umalis sa Masamang Kanto.

Habang naglalakad sa makipot na daan, na sa gilid ay may kanal, na ginawa nang basurahan, kaya nangangamoy imburnal, takip ilong ang bawat makadaan, ay panay ang ngisi at halik ng dalaga sa limang libong kinita niya ngayong araw.

Pagdating sa maliit na baro-baro ay naabutan ng dalaga ang kaniyang Tiyahin at Tiyuhin, na nagpapasimula na ng mahjong, tong-its at binguhan.

Pawang ilegal, kaya sa gabi ginagawa dahil naka-duty na ang mga baranggay tanod sa munisipyo, nagsasideline din ang iba.

"Greta! Magsaing ka na! Bakit ngayon ka lang umuwi, ha?!"

Naiiritang bulyaw sa'kin ni Tiya.

"Rumaket lang po." Sabi ko naman.

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon