GRETA
#MayPanganib"Ako na muna ang hahatid kay Rush, magpahinga ka dito sa bahay at magpalakas."
"Pero ilang araw na 'kong nagpapahinga dito sa silid, masakit na 'yong likod ko."
"Sige mamili ka, papasok ka sa school o papasukin kita ngayon din?"
Siyempre pinasok agad 'ko ni Rhios--- sa loob ng silid na'min para magpahinga nun. Ilang araw din na siya ang hatid at sundo kay Ru.
Gusto nga niyang kumuha na yaya pero tumanggi ako dahil gusto ko ako mismo ang mag-aalaga kay Ru, tsaka yakang-yaka ko na ang pagiging Mommy. Di pa naman malaki 'yong tiyan ko, kaya ko pa'ng gumalaw.
Pagkalabas ko nun ng ospital ay dumaan muna kami sa Simbahan para magpasalamat, bago kami dumiretso sa bahay ni Rhios.
Ngayong lunes ay ako na mismo ay naghatid sa bata, inihatid lang kami ni Rhios sa school bago siya umalis papunta sa opisina niya.
Tiyak na marami siyang gagawin ngayon. Naka-leave kasi siya nun at kahit nasa bahay ay panay tawag sa kaniya sa cp niya, tungkol 'yon sa trabaho. Sinasagot naman ni Rhios.
"Kamusta?" Biglang may umupo sa tabi ko. "Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo." Si Cade Hunstman.
"Ayos ako, salamat."
Pangisi-ngisi na naman ang mokong. Mukhang good mood. Tiyak na may ginagawa siya dun sa minor. Siguro nasa disi-sais 'yong babae.
"Good. Susugod sana 'ko sa hospital kung saan ka kaso biglang naglayas si Jelena, kaya hinanap ko."
Pinapatunog niya 'yong dila niya habang nakangisi pa rin siya.
"Bakit ba naglayas?"
"Mukhang nagselos 'yata."
"'Yan, babaero ka kase!"
"Kaibigan ko lang 'yon, tsaka loyal ako kay Jelena."
"Asus! May pa loyal-loyal ka pa'ng nalalaman! Pero kung mais na 'yong pupunta sa manok, aayaw pa ba?" Pang-aasar na tukso ko sa kanya.
"Tsk. Kaming mga Hunstman, loyal kami sa babaeng mahal na'min."
Napaikot na lang 'yong mga mata ko, pero kita ko na bigla nga sumeryoso 'yong mukha niya. Kahawig niya 'yong si Mr. Conrado Hunstman, siguro ay Lolo niya 'to.
"Sige loyal na kung loyal, pero loyal ka ba sa klase mo? Parati ka'ng bulakbol sa mga klase mo."
Parinig ko. Nakita ko naman 'yong pagkibit balikat niya, bago siya sumulyap sa'kin. Gwapohon siyang lalaki pero never akong nagkagusto o crush man lang sa kaniya.
'Yong pagturing ko ay pangkaibigan lang, dun lang 'yon. Tanging si Rhios lamang dito sa puso, siya lang.
"Walang problema kung di man 'ko pumasok---matalino naman ako. Tsaka mas matalino pa nga 'ko sa mga guro ko."
"Ai! Kagago gid! Ang kapal ng mukha mo, pre!
Palatak ko at nasuntok ko pa 'yong braso niya sa sobrang bilib niya sa sarili. Gagong Hunstman na 'to! Hambog na hambogero!
Nginisihan lang niya ko, tsaka balewalang sumandal siya sa may upuan. Proud na proud pa talaga.
"Yeah, I felt proud of that!"
"Gago mo, Cade! May sayad ka punta ka sa Mental!"
"I don't need Mental, but I want physical examination with Jelena."
BINABASA MO ANG
Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDE
General FictionUlilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebenta ng mga ilegal na sachet upang mabuhay. "Masama man sa paningin mo pero nabubuhay ako sa ilegal na...