GRETA
#NagisingNa"Gagong Tonton na 'yon! Tiyak na warak na warak ang babae sa kaniya!"
"Sabihin mo pa, Tol!"
"Hintay lang mayayari din na'tin ang babaeng 'yon! Tiyak lustay pepe nun, mamaya!"
Mga gagong gunggong na mga 'to! Ha!
Nakasilip ako dito sa maliit na butas at kita kong nakaharang sa pinto ang mga gago, habang nag-uusap.
Saan ako lalabas?
Bumalik ako sa loob at naghanap kung saan ako pwedeng makadaan nang hindi nila nalalaman.
Napatingala ako ng makakita ng bintana, sira na 'yon kaya pwede akong magkasya doon.
Kinuha ko ang bangko at dinala dun. Tumuntong ako sa bangko at inaabot ko ang bintana.
Maingat akong lumusot at mabuti na lang ay mababa lang ang bintana mula sa lupa, kaya nakababa agad 'ko.
"Mga Tol! Nakatakas ang babae!"
Naalarma ako ng madiskobreng nakatakas ako. Nakarinig ako ng sunod-sunod na putok kaya napatakbo ako sa masukal na kagubatan. Kahit masakit paa ko.
Narinig ko ang kanilang mga boses na hinahabol ako kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Hiningal ako at napapaubo sa sobrang tuyo't ng lalamunan ko pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo.
Hindi ko din alintana 'yong mga ligaw na damo at sanga na tumutusok sa katawan ko, makaalis lamang ako.
"Aahh!!"
Hiyaw ko nang bigla akong bumulusok paibaba sa isang madulas na lupa. Tumama ang katawan ko sa isang puno na siyang kinadaing ko.
"A-aray ko..."
Naiiyak na 'ko sa kirot ng katawan ko. Napahawak ako sa tiyan ko para protektahan 'yon.
"Nakita mo ba?!"
"Baka sa kabila dumaan!"
Napasiksik ako sa puno upang itago 'yong katawan ko, ang bilis din ng pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba.
"Hanapin niyo! Malilintikan tayo kay Boss kapag nakatakas 'yon!"
Narinig ko ang mga yabag nila papalayo na siyang kinahinga ko ng malalim. Nahilot ko ang paa ng mangalay 'yon. May ilang sugat na din ako sa katawan pero di ko alintana ang mga dugo nun.
Ang mahalaga sa'kin ay makatakas ako dito o makahingi ng tulong.
Tumayo ako at paika-ikang naglakad sa unahan, matatayog 'yong mga puno at maraming ligaw na mga damo ang dinadaanan ko.
Lagpas sa'kin na pinagpasalamat ko dahil makakatago ako at di kita 'yong katawan ko mula sa mga gagong 'yon.
Magdidilim na ay di ko pa rin mahanap 'yong palabas dito. Sobrang hingal at pagod na ng katawan ko.
Kahit namamahinga ako ay saglit lang sa takot na mahuli ako. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na 'to.
May kubo!
Nakakita ako ng isang kubo kaya agad akong dumiretso doon.
Tiningnan ko muna kung may tao sa loob at nang makita na wala ay pumasok ako dun.
Luma na itong kubo at sira ang ilang dingding, pati na rin ang bubong na yari lamang sa kawayan at nipa.
Naupo ako sa luma nang katre bago haplusin ang tiyan ko. Tsaka pinikit ko ang mga mata nang makaramdam ako ng hilo.
BINABASA MO ANG
Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDE
General FictionUlilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebenta ng mga ilegal na sachet upang mabuhay. "Masama man sa paningin mo pero nabubuhay ako sa ilegal na...