Chapter 26

8.3K 275 0
                                    

GRETA
#SinugodSaOspital

"Mommy..."

Nakalas ko ang kamay sa mga mata ni Rhios at agad siyang tiningnan.

"Bakit, Ru?"

"Where's Daddy?"

Akma siyang titingin sa labas ng mabilis kong nahawakan ang magkabila niyang pisngi.

"May kausap lang ang Daddy mo sa labas, hintayin lang siya na'tin dito sa loob, ha?"

Agad naman na tumango ang bata. Binuksan ko 'yong bag ko at kinuha ang isang sandwich, tsaka binigay kay Ru. Kinuha naman niya at kinain.

"Thank you po, Mommy!"

Ngumiti ako at tinapik ang buhok niya, tsaka inopen ko ang tablet at nagpunta kay coco martin.

Naghanap ako ng kiddie songs na mapaglilibangan ni Ru bago ibigay sa kaniya 'yong tablet.

"Manood ka muna."

"Yes po, Mommy!"

Nakatutok na 'yong mga mata niya sa tablet at mabuti na lang ay matibay 'tong kotse ni Rhios.

Muli kong natingnan si Rhios, patuloy siya sa pakikipagbarilan sa mga di kilalang armado.

"R-rhios! Sa gilid mo!"

Naibulalas ko nang makita ang isang armado na bigla na lang sumulpot sa kung saan.

Akma nitong babarilin si Rhios nang bigla na lang bumulagta sa sahig 'yong armadong lalaki, wala nang buhay ito.

Cade!

Si Cade na biglang lumitaw mula sa likod ng sasakyan, may hawak siyang baril at umuusok pa 'yon.

Lumapit siya kay Rhios para ngisihan 'to, tapos tinapik pa niya sa balikat.

Di ko marinig 'yong pinag-uusapan nila pero nakita ko na binigyan ni Cade ng baril si Rhios.

Silang dalawa ang nakikipagbarilan sa mga armadong kalalakihan.

Pansin ko na magaling humawak ng baril si Cade, asintado sa noo 'yong bawat patama niya ng baril.

Nakita kong may sinabi si Rhios kay Cade na siyang kinatango nito sabay tapik pa sa balikat ni Rhios.

Ilang sandali ay pumasok dito sa loob sa Rhios, hawak ang balikat niya.

"Rhios! May tama ka!"

Nag-alala kong sambit na siyang kinatingin ng bata sa Ama niya.

"Daddy, what happened to you?"

"I'm fine."

Sabi ni Rhios habang nakatingin sa'kin, matapos niyang guluhin 'yong buhok ni Ru.

"Ayos ka lang pero 'yong mukha mo nakangiwi?"

Tinakpan niya 'yong mga mata ni Ru, tsaka kinabig ako at binigyan ng mariin na halik ang labi ko. Bumitaw rin siya agad na habol ang hininga ko.

"I'm strong. I can also make love to you, right here..."

Bulong niya sa tenga ko bago siya bumitaw at umayos ng upo.

Pinandilatan ko siya na kinangisi lang niya bago niya binuhay 'yong makina.

May tama na nga ang hilig pa'ng magbiro ng lalaking 'to!

Habang nagmamaneho si Rhios ay pinagmamasdan ko 'yong mukha niya, maputla ang labi niya na alam kong dinadamdam niya ang kirot.

Nang makarating kami sa bahay ay pinauna ko na sa loob ng bahay si Ru.

Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon