GRETA
#HimalaSa ElevatorKinakabahan ako habang kasama sa hilera ng mga aplikante dito sa loob ng malaking gusali. Dito sa ibaba ginawa ang paghahire.
Kapag pasado ka ay tanggap ka agad. Kumbaga, on-the-spot!
"Ms. Grechen Talido!"
Napatayo ako ng marinig ang pangalan ko. Inayos ko ang suot kong pencil skirt na blue at puting blouse, na hiniram ko kay ate Renren, bago ako lumakad sa lamesa, kung saan may babae doon na siyang nag-iinterview sa mga aplikante.
"Good morning, Ma'am." Kinakabahan ako at halata sa boses ko iyon. Pati nga palad ko ay nanlalamig.
"Please, have a sit."
"Thank you, Ma'am."
Nakangiti kong sabi bago umupo sa bangko. Nagpaturo pa 'ko kila ate Renren kung paano ba ang gagawin kapag sa ganitong interview.
"You applying for the position of Janitress?" Tanong ng babae habang binubusisi ang folder ko.
"Yes, Ma'am." Pagtango kong sabi.
"Do you have any experienced?"
Tinatanong niya ba kung birgin pa ako o hindi na o kaya ay nakatikim na ako?
"Yes, Ma'am!"
Bulalas ko agad. Nangunot pa ang noo ng babae pero binalik din ang paningin sa folder ko. Ilang sandali ay may binigay siya sa'kin na papel.
"You're hired, Ms. Talido."
"Po?"
"Tanggap ka na at bukas magsisimula ang trabaho mo. Be sure to come early, it's because tommorow is our grand opening."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Sa salitang 'tanggap' na ako ay nagniningning ang mga mata ko. Bigla kong nakuha ang kamay ng babae at pinagdaop ko iyon sa sobrang galak.
"Maraming salamat, Ma'am!" Bulalas ko. Ngumiti naman sa'kin ang babae, mabilis ko din nabitawan ang kamay nito at nahiya pa ako.
"Dalhin mo ang papel na iyan doon para bigyan ka ng uniform." Turo nito sa kanan, kung saan may lamesa doon para sa mga uniform.
"Oo, Ma'am! Maraming salamat po, hulog kayo ng langit!" Napatingala pa ako sa kisame na kinangiti at iling ng babae, bago ako lumakad dun.
Pagkakuha ko ng uniform ay lumabas na rin ako na may malapad na ngiti sa mukha ko. Salamat po, Lord...
Munti kong dasal. Tuwang-tuwa na umuwi ako at binalita kila Tiya ang magandang balita.
"You already have a job, Mommy?" Masayang tanong ng bata nang makauwi kami sa munting kubo.
Pinahidan ko ang likod niya na pawisan at pinulbuhan bago palitan ng damit. Naglalaro kase ng takbuhan ang mga bata kaya mabilis mapawis.
"Oo, kaya magpapakabait ka kila Tita Renren mo kapag nasa work ako, ha?" Sabi ko bago pisilin ang pisngi niya, napanguso naman ito.
"Yes po, Mommy! I'll help them to pick vegetables po!" Pagmamalaki nitong sambit habang nakayakap siya.
"Berry good!" Pinisil ko ilong niya bago siya kiniliti at pinaghahalikan.
"M-mommy! S-stop!" Nakikiliti naman niyang bulalas.
Napamahal na ang batang ito sa'kin. Pakiramdam ko nga anak ko na siya. Nawawala ang pagod ko kapag nakikita siya, masaya ako na kasama siya, para bang may pamilya na ako.
BINABASA MO ANG
Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDE
General FictionUlilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebenta ng mga ilegal na sachet upang mabuhay. "Masama man sa paningin mo pero nabubuhay ako sa ilegal na...