GRETA
#Tinulungan"B-boss, namamanhid na ang bibig ko.. H-huwag mo na akong halikan."
Pagpigil ko ng tumigil siya, kahit hiyang hiya ako. Grabe siyang humalik, parang wala nang bukas.
"First kiss?" Nakangisi si Boss.
"Hindi, Boss. May nauna."
Dumilim na naman ang mukha niya, galit siya. Parang susuntukin na ako.
"Fvck! Do you have a boyfriend?"
"Si Nanay at Tatay ang first kiss ko, Boss!" Pagmamayabang kong sabi.
Bigla ay ngumisi si Boss, kinabig ang beywang ko na kinabigla ko.
"Naughty girl."
Pinisil niya ilong ko. Kumalas din siya para pulutin ang damit ko, bago pinasuot sa'kin. Namula ako ng husto.
"A-ako na, Boss!" Pagpigil ko.
"Let me do it, but next time..." Tinitigan niya ang mga mata ko, mariin at matiim na parang may nais siyang makuha mula sa'kin. "Ayokong magtimpi." Patuloy niyang sabi.
Magtimpi sa ano?
"Boss, pwede na ba akong makaalis?"
Para makalayo na ako sa presesnya mo, Boss! Baka mauhaw ka'ng muli!
Kakaiba pala kapag nauhaw si Boss, perlas lang ang katapat. Hahaha!..
"Saan ang bahay mo?"
"Sa Masamang Kanto, Boss."
"What?" Nangunot ang kaniyang noo.
"Masamang Kanto, doon kami banda!"
Ayokong pumunta doon si Boss, baka kase maligaw lang siya. O, mas tama na sabihin ay baka mauhaw siya at maghanap ng perlas!
Marami pa naman gro sa Kanto na'min. Gusto ko ako lamang ang magpapainom kay Boss!
Pinisil ko ang kaliwang pisngi dahil sa kabigatlan ng utak ko. Hindi ko na hahayaan na mautakan ako ni Boss.
Salat man ang utak ko ay alam kong masama ang ginawa ko kanina. Ayoko lang na madamay sila Tiya.
"What happened?" Tanong ni Boss, na kita ang ginawa kong pagpisil.
"W-wala, Boss! Aalis na ako!"
Bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko sa akma kong pagtalikod.
"Ihahatid kita."
"Huwag na, baka pagtripan ka lang dun at manakaw ang milyon mo!"
Pag-iling ko, sabay kuha ko ng kamay.
Mabilis na humakbang ako palabas ng hide-out. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakahinga lang ako ng makalayo."Greta!" Tawag ni Kyle, nang makarating ako sa pwesto na'min.
"Tol! Nasaan ang sachet ko?" Agad na tanong ko ng makalapit.
Nasa ilalim kami ng tulay kung saan nagpupunta ang ilang kliyente na'min. Mga big time pa ang ilan.
"Sampong sachet!"
Agad kong kinuha sa kamay niya ang isang maitim at maliit na bag, agad kong sinilid sa aking bag.
"Tenkyu, Tol!"
"Tiba- tiba ka naman, Bebekoy!"
Sabi ng isa kong katropa."Kailangan, Kuyakoy! Madaming gastusin!" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Murphy Series #:1- RHIOS' BRIDE
General FictionUlilang lubos na ang dalagang si Greta, sa edad na disi-otso ay marami nang alam pagdating sa kalakalan sa ilegal na negosyo. Pusher siya o nagbebenta ng mga ilegal na sachet upang mabuhay. "Masama man sa paningin mo pero nabubuhay ako sa ilegal na...