Chapter Thirteen

2.5K 42 22
                                    

Leandra stared at his closed door. Nagu-guilty siya sa ginawa niya kagabi. She wanted to talk to him but she doesn't have any courage to face him dahil alam niyang galit nga talaga ang binata sa kanya.

Alam niyang pumasok ito ngayon sa paaralan kahit nahihirapan ito.

Bumuntong-hininga siya saka pinilit ang sariling ngumiti bago bumaba sa hagdanan habang hinihintay naman siya nina Cely at Mina sa baba. Sinundo kasi siya ng mga ito para isang biyahe lang sila papunta sa prom.

"Ang ganda mo pa rin kahit anong gawin mo sa mukha mo." Komplimento ni Cely.

"At sexy pa." Segunda naman ni Mina sa kanya at umalingkis agad sa kanyang braso.

Maliit siyang ngumiti at sabay silang naglakad palabas.

Sabi nila masaya daw sa prom pero wala siyang ibang ginawa kundi paulit-ulit lang na magbuntong-hininga. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang ginawa niya sa kapatid.

"Here." Nanlaki ang mga mata niya sa ibinigay ni Cely sa kanyang cocktail.

"Huy, pwede ba to dito? Baka may makakita sa atin. Pagalitan tayo."

"Come on. We are already in the right age. All of us. Kaya walang paki ang mga teachers natin basta makakauwi lang tayong buo."

"Hayy, naku sayo. Ayoko. Masakit daw yan sa lalamunan sabi nila."

"Oh come on Leandra, don't be kj. Ihahatid ka naman namin pag-uwi eh. Walang problema. Nandyan naman si Lino."

Tumaas ang kilay niya.

Napapansin niyang puro Lino na lang ang lumalabas sa bibig ni Cely mula pa kahapon.

"Cely sinabi ko na. Hindi ko nga siya gusto. At saka please tigil-tigilan mo ako sa pinaplano mong break the hymen mission bukas dahil hindi ako sasama sa inyo sa bar."

"Okay lang. Alam ko namang di ka sasama. Inumin mo na yan. Kahit isang tikim lang."

Inikot na lang niya ang mga mata kay Cely saka sumimsim ng konti.

"Pweh!" Malakas niyang sabi sabay labas ng dila na kinahalakhak ni Cely ng malakas.

"Kapag naubos mo yan. Hindi ka namin pipiliting sumama bukas. Promise."

Natigilan siya at tinitigan si Cely sa mga mata.

"Promise yan ha? Dahil ayoko talaga."

"Oo naman." Ngiting may kahulugan na sagot ni Cely sa kanya.

Inikutan niya ito ng mga mata saka pisil ang ilong na inisang lagok ang tequila at bahagya pang itinaas sa ere nang maubos niya yon.

"Woah! Hooh! Jusko!" Sigaw ni Leandra sabay pilig sa ulo.

"That's my girl." Nakangiting sabi ni Cely at kinuha agad sa kanya ang baso bago ito nakangiting umalis.

Umupo siya sa upuan saka ipinilig ulit ang ulo nang para siyang mahihilong nakatingin sa disco lights sa paligid.

Ngumiti siya saka kinuha ang cellphone sa kanyang maliit na sling bag nang maramdaman niyang mag-vibrate yun.

Enjoy Leandra. I am happy for you. Basa niya sa text ni Cely sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo niya at magrereply na sana nang tumabi si Lino sa kanya na muntik pang kinahulog ng kanyang cellphone dahil sa gulat.

Naniningkit ang mga mata na tiningnan niya ito nang maramdaman niya ang dahan-dahang pagkahilo.

Shit, ganun pala kalakas tama nun? Aniya sa sarili saka ngumiti kay Lino nang makilala niya.

"Hi, are you enjoying? Okay ka lang?"

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon