Chapter Twenty

2K 40 2
                                    

"Leandra, pasensiya na hindi ko rin alam. Alam mo namang nasa Cebu na ako last week pa lang." sagot ni Sophie sa kabilang linya.

Napahilamos siya sa mukha sabay nagpalakad-lakad sa labas ng kompanya.

Matagal na siyang walang balita tungkol kay Leandro at ngayon ay hindi niya aakalain na ito pala ang totoong may-ari ng malaking Airline Company sa pilipinas. Masaya siya at proud para dito pero hindi niya alam kung paano ito haharapin pakatapos ng sampung taon.

"Honey, here is the-"

Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Sam sa kabilang linya.

"Is that Sam?"

"H-huh? S-sino? H-hindi. Alam mo ng nasa cebu ako diba? N-nasa Italy pa sila."utal-utal na sabi ni Sophie.

Inikot niya ang mga mata kasabay ng malalim na pagbuntong-hininga.

"Sophie. Please lang hindi na ako nakikipagbiruan dito. Ano bang meron?"

Matagal bago sumagot si Sophie sa kabilang linya at halatang nakikipag-usap pa ito kay Sama na akala niya ay nasa Italy ngayon dahi l sa business trip nito kasama si YUka.

"Sabihin nyo sa akin ang totoo ngayon habang nakakapagtimpi pa ako." tunog banta na yon.

Natakot naman si Sophie sa kanya kaya nagbuntong-hininga muna ito bago nagsimulang magsalita.

"Leandra... yung kapatid mo... si Leandro. Nakabalik na sa pinas."

Bumuntong-hininga siya saka napahilamos ulit sa kanyang mukha.

"Hmn. I saw him. May kinalaman ba ito sa pag-alis nina Sam at Yuka sa business trip nila sa Italy?"

"Hmn. Alam mo na ang pinuntahan nila dun ay para talaga makipag-meet sa stockholder natin sa kompanya."

"Ibig sabihin si Leandro pala yun? Paanong nangyari yun kung hindi naman Fiaschetti ang apelyido niya?"

"Pangalan ng secretary niya ginamit eh. Huli na din nang malaman nina Sam at Yuka na si Leandro lang pala yun nang magpirmahan na sila ng kontrata."

"At anong drama ninyong apat at parang ayaw nyo na atang bumalik sa kompanya?"

Matagal bago nakasagot si Sophie.

"Kasi..."

"Sophie."

"Kasi nahihiya kami."

"Nahihiya?"

Inagaw ni Sam ang cellphone kay Sophie.

"Leandra pasensiya ka na pero hanggang ngayon ay nahihiya pa rin kaming harapin si Leandro pagkatapos ng mga nangyari dati. Alam mo na kung gaano kalaking away ang namagitan sa amin at sa buong grupo nong bigla ka na lang mawala. Kung naikita mo lang kung gaano siya kagalit noon. Iyong tipong parang hindi niya kami kilala. Leandra lang kasi siya ng Leandra."

Napapikit siya sa sinabi ni Sam.

"Leandra, alam kong wala kami sa lugar para mangialam pero ano ba kasi talaga ang nangyari sa inyo ni Leandro? Bakit ganun na lang ang galit niya nong umalis ka? At saka ano bang dahilan at umalis ka? Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa inyong magkakapatid. Magkapatid ba talaga kayo? O ano- aray! Aray! ... Akin na nga yan! Kung anu-anong pinagsasabi mo! Umalis ka nga dito! ... Eh, kasi si Ayvanna kamukha-Aray! Aray! ... Umalis ka na!"

Napapapikit lang si Leandra sa mga sinasabi ni Sam sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay wala pa ring may alam sa totoong nangyari nila ni Leandro maging ang nanay niya. O wala nga ba?

"Leandra, huwag mo na siyang pansinin. Natural si Ayvanna kamukha ni Leandro kasi magkapatid kayo." hilaw na tumawa si Sophie sa kabilang linya.

Tumikhim siya.

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon