Umuusok ang ilong sa inis habang nakatiklop ang mga braso na nakatingin si Leandra sa sarili sa malaking salamin. Nakasuot siya ng fitted faded jeans at blue na T-shirt na binili pa ni Leandro para sa kanya.
Kinuha niya ang kanyang bag para sana lalabas na sa kanyang kwarto nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone sa loob.
Ngumiti agad siya nang makita sa screen ang pangalan ni Robin.
"Hey, darling."
"Eww." Sagot naman ni Robin sa kabilang linya at sabay silang natawa.
"Anong sabi ni Nil?"
"Hmm, nagsinungaling lang ako. Asan ka ba? Wala ka sa bahay mo. Ngayon na ako free."
"Ano? Uy, teka lang. Next week sabi mo."
"Changed of plans. Maagang magle-leave si Nil sa trabaho. At three weeks lang din ibinigay ng boss namin."
"Ay, naman. Bakit kasi nag-seaman ka pa? Stable naman ang trabaho ng asawa mo at marami ka na namang ipon."
Tumawa si Robin.
"Naiitindihan naman niya. Hindi pa naman din kasi tapos ang pinapagawa naming bahay at doon napupunta ipon namin kaya kailangan muna naming magtiis-tiis sa ngayon."
Ngumiti si Leandra saka naglakad pabalik sa salamin at tiningnan ang sarili.
"Teka nga. Iniiba mo ang usapan. Nasaan ka ba?"
Napakalot si Leandra sa ulo.
"Uhm, ano..."
"Gusto kong makita si Ayvanna pero sabi niya nasa Uncle Yuka daw siya. Ibinilin mo dun ang anak mo?"
"Ahh, ehh... Kasi ano..."
"Ano ba yan. Nag-effort pa naman ako ngayon tapos hindi ko pala makikita ang baby ko?"
"Uhmm, ano... Wag kang mag-aalala tatawagan ko si Yuka para ikaw na ang magsusundo kay Ayvanna sa school."
Inikot ni Robin ang mga mata at itinaas ang kilay ng makita ang susi ng sasakyan ni Leandra sa itaas mismo ng kotse nito.
"Huy, babae!"
"Aray naman!" Napapikit si Leandra sa malakas na sigaw ni Robin sa kabilang linya.
"Iniwan mo lang ang susi ng sasakyan mo sa itaas ng kotse mo? Aba'y magaling na nanay to. Nang-se-seduce ng magnanakaw sa bahay."
"Ano?!" Malakas na sigaw ni Leandra.
"Sinasabi ko na nga ba. Wala ka talagang kadelikadesa. Alam mong puro kayo babae. Hindi ka talaga nakikinig sa akin. Sinabi ko naman sayong sa isang secured village kayo tumira para safe kayo."
Napangiwi si Leandra. Ayan na. Sinermonan na siya.
"Kasalanan kasi to ng mokong na yun." Inis na bulong niya.
"Ano?"
"W-wala hehe. P-pwedeng pakuha?"
"Sarado ang gate mo."
"Akyatin mo na lang."
Inikot ni Robin ang mga mata kasabay ng pagbuga ng hangin.
"Hayy, baka mapagkakamalan akong kawatan dito sa ginagawa ko."
"Thank you."
Inikot ulit ni Robin ang mga mata nang hirap siyang makababa sa kabilang bahagi saka agad na kinuha ang susi sa sasakyan ni Leandra.
"May susi na yang kasama para sa bahay."
"Wala."
"Wala? Anong wala? Meron yan."
BINABASA MO ANG
Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)
Romantizm***RATED SPG*** READ AT YOUR OWN RISK! Leandro's words are absolute. His decisions are fixed as well as his promises. He doesn't believe in destiny so he decided to make his own- owning Leandra, his older sister. For him, her little effort of...