Chapter Twenty-seven

1.6K 29 2
                                    

"Okay ka din eh, noh? Gusto mo talagang malaman ng mga tao na magkapatid tayo?" Bungad ni Leandra nang makapasok siya sa opisina ni Leandro pagkatapos ng meeting.

Hindi sumagot si Leandro at nanatili lamang na nakatingin sa kanyang binabasang papel.

"Hindi ka ba nahihiya?"

"Hmm... Anong ikakahiya ko?"

Galit na bumuga ng hangin si Leandra saka mabilis na naglakad palapit sa mesa ni Leandro at malakas ding binagsak ang kanyang dalawang kamay sa desk nito.

"Leandro, please lang. Hindi na tayo mga bata. Malalaki na tayo. Huwag na nating ulitin pa ang mga kasalanan at nakakahiyang ginawa natin dati. Mahiya ka naman para sa sarili mo."

Ibinaba ni Leandro ang papel na binabasa at bahagyang tinitigan ang cleavage ni Leandra.

"I told you to stop seducing me."

Agad na inayos ni Leandra ang sarili at tinakpan ang dibdib.

"Please, Leandro. Tama na. Mali... Mali ang ginagawa natin noon. Huwag na nating ulitin pa yon."

Sa halip na makaramdam ng galit sa sinabi ni Leandra ay ngumisi lang si Leandro. Kung siguro hindi lang niya alam ang buong katotohanan sa pagitan nilang dalawa ay baka noong unang kita pa lang niya dito ay agad na ulit niya itong tinago palayo sa mga tao. Sa ngayon ay nag-eenjoy pa muna siyang asarin ito. Teasing her gave him great joy.

Tumayo siya saka naglakad palapit sa dalaga na agad namang kinaatras nito habang nanlalaki ang mga mata.

"L-leandro... U-umayos ka. Nasa opisina tayo... S-subukan mo lang. Sisigaw talaga ako."

Leandro sat on the edge of the table and folded his arms as his eyes are fixed on her breast.

Agad na tinakpan ulit ni Leandra ang sarili.

"Umayos ka. Maayos akong nakilipag-usap sayo, Leandro."

"I am not doing anything, Leandra. Ikaw itong nanghahamon ng sensasyon sa harapan ko."

"Gago. Bawas-bawasan mo ang kamanyakan mo Leandro. Hindi ako nakikipagbiruan sayo."

"Hindi rin ako nakikipagbiruan Leandra. Alam mo na noon pang kahit daliri mo lang sa mga paa ang pinapakita mo ay may mamumuo na agad sa puson ko." Pang-aasar ni Leandro at itinago ang ngisi sa strikto niyang mukha nang makita ang lalong pamumula ng mukha ni Leandra na parang puputok na sa inis.

"Leandro, ano ba. Tumigil ka na. Hindi na ako natutuwa sa kamanyakan mo."

"Change your clothes or take me to dinner?" Tanong ni Leandro sabay turo sa kanyang extrang puting polo shirt na nakahanger sa stand.

"Ano? Ayoko nga. The meeting is already finished so I will go home." Sagot niya saka naglakad patungo sa pinto.

"Eat with me or I'll kiss you in front of my secretaries?"

Leandra stopped and froze as she clenched her fist.

"Mamili ka. Madali akong kausap. Handa akong gawin alinman sa dalawa."

"Arghh! You!" Galit na turo ni Leandra kay Leandro nang lingunin niya ito.

Leandro smirked and shrugged his shoulder at her. Nag-eenjoy talaga siyang asarin ito.

"Block forty-sixth. Wag mo kong pinaghihintay ng matagal kundi iiwan talaga kita." Galit na sagot ni Leandra sabay damba sa pinto na sabay na kinaigtad nina Jill at Jezil sa gulat.

------
"Saan ba?" Pagalit na tanong ni Leandra nang makasakay na si Leandro sa kanyang sasakyan. Dalawang minuto lang ang nakaraan ay nakasunod na agad ito sa kanya sa parking lot.

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon