Chapter Eighteen

2.2K 36 12
                                    

Bumuntong-hininga si Mrs. Briochi na mas lalong kinatigil ni Leandra.

"Mommy magpapa–"

"Kailan pa?"

Agad na tumayo si Leandro at lumapit kay Leandra.

"Higit three months na po." nakayukong sagot ni Leandra.

"Mommy..." sabi ni Leandro at magsasalita na sana nang bigla na lang itong nagsisigaw na bumaba sa hagdan at dumiretso sa kwarto nito sa ilalim.

Nagtinginan sina Leandro at Leandra. 

Leandro held her hand and smiled to assure her that it's all okay.

"Huwag kang mag-alala." mahinahon na sabi ni Leandro sabay haplos sa buhok ni Leandra saka sabay din silang magkahawak-kamay na bumaba sa hagdan. Lumabas si Mrs. Briochi sa kwarto nito na dala ang isang may kalakihang square glass na may lamang mamahaling anime figurine sa loob na pagmamaya-ari ng kanilang ama. 

"Mom... w-what are you..." utal na sabi ni Leandra at pipigilan sana ang Mommy nila pero malakas na nitong ibinagsak yon sa sahig. 

"Mom..." sambit ni Leandro.

"Putangina siya! Napakababoy! Pati ba naman ikaw ay papatusin niya. Putangina!"

Napaigtad si Leandra sa gulat pero agad naman siyang hinila ni Leandro at niyakap sa katawan nito para ilayo sa mga bubog na agad na nagkalat sa sahig. 

"Mom... w-what are you doing?"

Hindi sumagot ang kanilang ina saka hinarap si Leandro.

"Leandro, mag-empake ka na ngayon din!"

"Po?"

"Mom! What is going on? Hindi ako papayag."

"Whether you like it or not wala na akong paki. Leandro mag-empake ka na ngayon din!"

"Mom, no. Please!" naiiyak na sigaw ni Leandra. 

"Mom, pasensiya na pero hindi po ako papayag. Mahal po–"

"Alam kong mahal. Wala akong paki Leandro! Narentahan ko na ang apartment katabi ng sa ate mo. Whether you like it or not doon ka tirira! Mag-empake ka na ngayon din!"

"Eh?!" sabay na sabi nina Leandro at Leandra.

"Anong eh?! Anong gusto mo Leandra? Na patuloy ka lang babuyin ng ama mong pinaglihi sa makati at malanding halimaw na pati anak ay gusto pang patusin?!"

"M-mom... p-pinagsasabi mo?"

"Wag ka ng magmaang-maangan. Alam ko na ang totoo Leandra. Umuwi lang pala ang gagong yun dito para lang... Aish putangina! Basta mag-empake ka na din Leandro. Ibebenta ko ang bahay na to. Alam kong may kalayuan ang apartment ng ate mo sa eskwelahan mo pero handa akong bilhan ka ng motorsiklo. Samahan mo lang ang ate mo. Gumalaw ka na."

"Po?"

"Mom... hindi kita maintindihan..."

Galit na napabuga ng hininga ang ina nila. 

"Nagtext sa akin ang isa sa mga haliparot na babae ng Daddy nyo at sinabing aangkinin ka din daw ng Daddy mo kapag nakabalik siya dito pagkatapos ka niyang makitang..." galit ulit na bumuga ng marahas na hininga ang kanyang ina. 

"Basta... mag-empake na kayo. Ayokong may uuwian ang baboy nyong ama dito. Leandro!"

"Po?"

"Siguraduhin mo lang ha na hindi makakalapit ang baboy mong ama sa Ate mo dahil mapapatay ko talaga siya."

Napakalot sa ulo si Leandro saka hindi mapigilang maglabas ng ngiti nang sumulyap siya kay Leandra na namumula ang mukha sa hiya dahil sa maling akala nila habang siya naman ay hindi mapigilang itago ang saya.

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon