Kinaway-kaway ni Julian ang kamay sa harap ni Leandro habang nakatingin siya sa labas kung saan nakikita nila ang mga seniors na nagpapractice ng sayaw para sa gaganapin nilang prom bukas.
Kanina pa nakatuon ang tingin niya kay Leandra na halatang nahihirapan na sa suot nitong heels sa pagpapapractice.
"Swerte ng nakapartner ng ate mo." Saad ni Jan sa kanyang tabi.
"Oo nga. By height kasi." Segunda naman ni Fin.
"Sinong tinitingnan mo?" Tanong naman ni Julian sa kanya habang sinusundan din ang kanyang tingin at wala sa sariling napatingin sa kanyang bagong relo.
"Yow! A casio Gshock? Limited to ah. Sinong nagbigay sayo? Ang mahal nyan." Bulalas ni Julian saka hinawakan ang kamay niya at itinaas sa ere para makita nina Jan at Fin.
"Woah! Sinong nagregalo sayo? Isa ba siya sa mga nagbigay ng mga regalo sayo kahapon?" Namamanghang tanong ni Fin.
Ngumiti si Leandro at matagal sumagot.
"Hindi. Pinulot ko lang pagkatapos itapon sa akin." Tatawa-tawa niyang sagot kahit totoo naman talaga.
Naalala pa niyang may sinulat pa itong congratulations sa pagkakapasa niya sa evaluation.
"Wow. Ang swerte mo. Gusto ko din sana niyan pero hindi kasya ang allowance ko."
Ngumiti si Leandro sa sinabi ni Jan habang tinitingnan nito ng maigi ang kanyang relo.
"Nga pala... Balita namin nililigawan daw ang ate mo ni Lino. Mukhang mas yayaman pa kyso pag pinatos ng ate mo. Kailan kaya niya isusuko ang bataan? Maswerte si Lino pag ganun."
Biglang nagbago ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Fin. Alam kasi niya na hindi seryoso ang Lino na yun at nililigawan lamang si Leandra dahil sa kadahilanan nga na sariwa pa ito.
Ikinuyom niya ang mga kamao. Hindi niya matatanggap na mismong ang mga kaibigan pa ni Leandra ang nagpaplano para sa kapatid niya. Hindi niya ito matanggap.
Galit siyang tumayo sa kanyang upuan na kinagulat ng kanyang mga kaibigan.
"Leandro, saan ka pupunta? May last subject pa tayo." Sigaw ni Julian pero hindi niya pinansin.
Dumiretso siya sa Seniors building at pinuntahan si Leandra na ngayon ay nakikita niyang nakikipag-usap kay Cely, Mina at Gelyn.
Nang makita siya ni Cely ay agad itong tumahimik lalo na ng makita ang madilim na reaksiyon ng kanyang mukha.
"Uy, yung gwapo mong kapatid." Siko ni Mina kay Leandra.
Umayos naman agad ng tayo si Leandra saka nilapitan si Leandro.
"Leandro, anong ginagawa mo dito? Oras pa ng last subject nyo."
Matagal bago sumagot si Leandro at seryoso lang na tiningnan si Leandra habang nasa mga bulsa ang mga kamay.
Sa nakikita niya sa reaksiyon ni Leandra ay parang hindi ito mapakali sa dilim ng kanyang mukha na ibinigay niya dito kaya naman agad siyang ngumiti sa harapan nito.
"Wala lang. Gusto ko lang sumabay sayo sa pag-uwi." Sabi niya sabay kalot sa batok na dahilan nang pagkakita ni Leandra sa suot niyang relo.
Tinitigan nito yun ng ilang sandali saka namula.
Ngumiti si Leandro saka bahagyang tumingin sa orasan.
"N-nagustuhan mo ba?" Nahihiyang tanong ni Leandra sabay layo ng tingin.
Ngumiti ulit si Leandro.
"Sa tingin ko maraming kawatan ang hahabol sa akin mamaya."
"Huh? Bakit naman?" Inosenteng tanong ni Leandra.

BINABASA MO ANG
Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)
Romance***RATED SPG*** READ AT YOUR OWN RISK! Leandro's words are absolute. His decisions are fixed as well as his promises. He doesn't believe in destiny so he decided to make his own- owning Leandra, his older sister. For him, her little effort of...