Chapter Twenty-four

1.6K 40 4
                                    

Marahas na napabuga ng hangin si Leandra kasabay nang paghilamos sa kanyang mukha habang nakaupo siya sa loob ng kanyang sariling opisina.

"Oh God. Hindi na sana ako lumipat dito. Ano bang iniisip ko?"

Mahigit isang taon pa lang sila ni Ayvanna dito pero parang gusto na tuloy ulit niyang lumipat.

"Ayy, palaka!" Bulalas niya sa gulat nang tumunog ang telepono sa mesa.

"Samiyuka IT Company, Miss Briochi. How may I help you?" Propesyonal niyang sagot sa kabilang linya.

She heard a familiar breath and before she could end the call he already spoke.

"Leandra..."

Napapikit siya sabay tingala sa kisame.

"Sir, pasensiya na po. Pero I think it's very inappropriate to call me by my first name. Baka kung ano pong sabihin ng iba. Ano po bang kailangan nyo?"

"It's very interesting..."

Inis na napabuga ng hangin si Leandra.

"If you're talking about last night... Please. It wasn't interesting, okay? Y-you... You just kissed– no. You just harassed me, Mr. Fiaschetti. Alam kong malaki ang papel mo sa kompanya namin pero wala po kayong karapatan na gawin sa akin yon."

"Leandra ..."

"Aish! Leandra ka ng Leandra. Gago. Umayos ka hayop ka. Baka tuhurin kita ulit."

Mas lalong tumaas ang stress level niya nang marinig niya itong tumawa. Hindi na niya alam kung totoong tawa ba ito ano.

"Very interesting. You are having an amnesia yet you're treating me like how you always treat me. Hmm... I'm happy. Your heart never lies."

Napapikit siya sa inis nang mapagtanto niyang tama ang sinabi nito.

"Wala akong paki. Hindi kita kilala. Ngayon kong wala kang kailangan. Tigil-tigilan mo ako. May anak na ako."

She froze when she felt the cold atmosphere between them.

Now, he's annoyed.

Ganyan. Magalit ka lang para layuan mo ako. Ani Leandra sa sarili at nagulat pa ng malakas siyang binabaan ni Leandro ng telepono.


------
"Mukhang good mood si Sir ngayon. Narinig ko ang tawa niya sa loob." Ani Jill.

"Oo. Kaya wag ka na sanang gumawa ng mali kung ayaw mong umiyak ulit."

Inikutan ni Jill ng mga mata si Jezil saka nagpatuloy sa pag-aayos sa mga folders na kakapirma pa lang ni Leandro.

Galit na ikinuyom ni Leandro ang kamao saka tumayo.

"How dare you let another man touched you?"

Nagsuot siya ng suit at galit na lumabas ng opisina na kinagulat nina Jill at Jezil.

"Sir."

"S-sir."

Sabay na sambit nina Jill at Jezil habang sabay ding tumayo.

"Galit na naman?" Bulong ni Jill kay Jezil na agad naman siyang siniko nito.

"Ay, sir... Eto na nga po pala ang sinasabi ko po sa inyo." Bigay ni Jill isang papel na may personal information na naalala niya tungkol kay Ayvanna.

Nakatiim ang bagang na kinuha ni Leandro yon at binasa.

"Ayvanna?"

"Yes po."

"Ayvanna what?"

"Sorry po Sir, yan lang po ang naalala kong pangalan nong bata. Yong apelyido naman po ay nasa utak ko lang at hindi ko po maibigkas."

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon