Leandra stood up and waited for him as he walked towards her after he opened the gate. Tumingin siya sa oras at nakaramdam ng inis nang makitang alas-sais nga itong dumating. Pinaghintay siya nito ng isang buong oras sa labas ng kanyang sariling bahay.Leandro smiled and stared at her when he stopped in front of her. Hindi naman inilayo ni Leandra ng tingin kay Leandro at tinitigan lang ang kanang pisngi nito na may bahid pa ng lisptick. Hindi niya alam kung bakit parang dinudurog ngayon ang kanyang puso.
Lihim niyang ipinilig ang ulo at pinagalitan ang sarili.
Anong ginagawa niya? Dapat nga ay masaya siya para dito. Pero bakit? Bakit siya nasasaktan? Laro lang ba ang paglapit nito sa kanya nitong mga araw? Ang mga halik, asar at pag-iingat na ibinigay nito sa kanya? Laro lang ba ang lahat ng yun para sa kabayaran niya sa pag-iwan niya dito noon?
Kung ganun, ano pa nga bang magagawa niya? Wala na siyang pakialam kung paglaruan man siya nito basta ang importante sa kanya ngayon ay malayo ang atensiyon nito sa anak niya.
Ngumiti si Leandra saka bahagyang yumuko na kinataas ng kilay ni Leandro.
Hindi alam ni Leandro kung ano ang iniisip ni Leandra ngayon. Pero kahit ganun ay hindi niya pa rin mapigilang hapitin ito sa baywang.
Napasinghap si Leandra sa gulat at bahagya pang tiningnan ang sariling mga paa na hindi na nakalapat sa lupa.
Inis niyang tiningnan si Leandro.
"Please stop treating me as a child."
Ngumisi si Leandro.
"Kasalanan ko bang hindi ka lumaki?"
Mas lalo siyang nainis sa sagot nito at pumalag pero tumawa lang ito habang binubuksan ang pinto ng kanyang bahay habang siya naman ay hindi mapakaling tumingin sa paligid sa takot na baka may makakita sa kanila.
"L-leandro... i-ibaba mo ako baka may makakita sa atin."
"Hmmm?" sabi ni Leandro saka tumingin pa sa paligid.
"Ibaba mo ako. Ngayon na." nagbabanta na ang boses na sabi niya dito at hindi inaalis ang tingin sa mga mata nito.
"Hindi na ako nagbibiro."
"Oh?"
"A-anong oh?"
"May asawa at anak na pala si Jona?" tanong ni Leandro nang makita si Jona sa katabing bahay mula sa may kababaang pader na masayang humalik sa asawa habang karga naman nito ang anak nilang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Leandra at agad na itinago ang mukha sa dibdib ni Leandro sa takot na makita sila.
Tumawa ng marahan si Leandro saka hinawakan ang likod ng ulo ni Leandra at mas lalong inilapit sa dibdib niya.
"Bakit ka nahihiya?"
Kinurot ni Leandra ang braso ni Leandro.
"Gago ka ba? Kilala ka nila. Ibaba mo na ako. Ngayon na." bulong niya habang pilit na bumababa sa pagkakahapit nito sa kanya at pilit na inaabot ng kamay ang nakabukas na pintuan pero hindi siya hinahayaan ni Leandro.
"Oh, nandito ka na pala. Pumasok na kayo sa loob. Nakahanda na ang hapunan." masayang sabi ni ALing Jobi na mas lalong kinanlaki ng mga mata ni Leandra.
"Uy, uy. Nandyan na si Aling Jobi. Ibaba mo na ako. Ngayon na . Bilis Leandro. Pumasok na tayo sa loob. Dali na." nagsisipa pa sa ere na sabi ni Leandra.
"Leandro dali na ipasok mo na ako sa loob."
"Mauna na kayong pumasok. Kukunin ko muna ang mga damit sa sampayan." ani Aling Jobi saka naglakad papunta sa kanila kung saan ay naroon banda ang sampayan nito.
BINABASA MO ANG
Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)
Romance***RATED SPG*** READ AT YOUR OWN RISK! Leandro's words are absolute. His decisions are fixed as well as his promises. He doesn't believe in destiny so he decided to make his own- owning Leandra, his older sister. For him, her little effort of...