Chapter Twenty-eight

1.6K 36 1
                                    

"Eat."

Tiningnan lang ni Leandra ang spaghetti alle vongole na nasa harapan niya. Kahit natatakam siya na kainins ito ay pinigilan niya ang sarili. Hindi siya dapat nandito at mas lalong hindi siya dapat nakikipagsabayan sa hapag-kainan kasama ito.

Itinulak niya ito at sinalubong ang tingin ni Leandro na nakataas ang kilay na tiningnan siya habang nakahawak ito sa tinidor nito.

Hindi niya mapigilang ibaba ang tingin sa maganda nitong leeg hanggang sa malapad at maugat nitong mga balikat. Tanging puting apron lang kasi ang suot nito sa pang-itaas kaya malaya niyang nakikita ang itaas na bahagi ng makisig nitong dibdib.

Natigilan siya at sumingkit ang mga mata nang makita ang noo na parte ng isang babae sa tattoo nito sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Bumaba ang tingin ni Leandro doon saka ngumisi at sinimulang tanggalin yun kaya agad na inilayo ni Leandra ang tingin dito.

"Oh this? It's our superstitious belief. My real mother has my face tattooed on her lower right back and I also have her face tattooed here."

Nang dahil sa sinabi ni Leandro ay naniwala siya dito at ibinalik ang tingin sa dibdib nito sa kagustuhan na makita din niya ang tunay nitong ina. Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang sumalubong sa kanya ang mukha ng isang babaeng kamukhang-kamukha niya mismo.

Leandro chuckled as he started eating his pasta.

"Y-you... You put my face there without my permission?!" Singhal niya dito.

"I can't ask permission to someone who just run and hide away from me like that."

Napamaang si Leandro pero nagmamaldita pa rin.

"I brought you here so that I can ask you why you did that."

Itiniklop ni Leandra ang mga braso at inilayo ang tingin.

"Hmp! Do you think mauuto mo ako sa pa-dinner mo?"

"Hmm... Hindi ba? Don't worry. I still have so many strategies to get the  answer I want from you. At alam mo na kung ano ang mga yon."

Galit na sinalubong ni Leandra ang tingin ni Leandro.

"Leandro tama na. Ayoko na. Magkapatid tayo. Kailangan na nating kalimutan ang nangyari sa atin dati. Hindi na tayo mga bata at nasa tamang pag-iisip na tayo."

Tumigil si Leandro saka kalmadong ibinaba ang tinidor sa mesa.

"Are you doing this to protect yourself from shame?"

"Wala akong paki sa sarili ko. Ang akin lang–"

"So you're doing this for your daughter?"

Natigilan si Leandra at nag-isip ng malalim.

"Oo. Ayokong ikahiya ako ng anak ko at ayokong mapahiya ang anak ko dahil sa nakaraan natin na... Na pumatol ako sa nakakabata kong kapatid."

Leandro scoffed.

"You really don't know anything."

"Huh?"

Pinagsalikop ni Leandro ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at tumitig kay Leandra.

"Why are you hiding your daughter from me? Takot ka bang may gagawin ako sa kanya?"

"H-hindi ako takot Leandro–"

"Is she mine?"

Leandro froze for a moment. Anong isasagot niya? Alam niyang itatanong nga nito iyon at nakahanda na siyang sagutin ito ng kasinungalingan pero hindi niya inaasahan na iba pala pag ito mismo ang nagtanong sa kanya.

She composed herself before he could say something again.

"W-what?"

"I'm asking you if she's mine. You ran away from me ten years ago. If your reason of running away from me that time was because you were pregnant then I will understand."

Napamaang si Leandra. Alam niyang klaro na ang lahat ng dahilan ng pag-alis niya pero hindi pa rin siya papatalo.

"Huwag kang basta-bastang tumalon sa mali mong konklusyon Leandro. Umalis ako dahil... Dahil hindi na kita mahal. N-natukso ako sa iba... K-kaya umalis ako."

Ibinaba ni Leandro ang kamay sa mesa at ikinuyom ang kamao.

"Nakarating na ang asawa ko dito sa pinas kaya umayos ka." Pagpatuloy niya.

Leandro clenched his jaw. Naririnig lang niya ang salitang asawa sa bibig nito ay umuusbong na agad ang galit niya.

"How dare you!" Malakas na sigaw ni Leandro kasabay nang malakas na pagsuntok sa mesa.

Nang dahil sa ginawa niya ay napaigtad sa gulat si Leandra at binalot ng takot lalo na ng makita nito ang galit sa kanyang mga mata.

"L-leandro..." Takot na sambit ni Leandra ngunit nawala iyon bigla nang wala sa sariling bumaba ang kanyang mga mata sa kamao nito na ngayon ay dumudugo na dahil sa malakas nitong pagsuntok sa mesang gawa sa marmol.

Agad siyang tumayo at hinawakan ang kamao nito na kinatigil ni Leandro. Agad humupa ang galit niya nang makita ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. 

"Anong ginagawa mo?!" Todo ang pag-alala sa boses na sigaw ni Leandra saka tumakbo sa malaki nitong lababo para maghanap ng bimpo ngunit wala siyang makitang malinis na bimpo. Nag-isip siya at kinapa ang kanyang bulsa pero nakalimutan niya pa lang magdala ng panyo kaya wala siyang ibang naisip nang mapatingin siya sa cotton na undershirt niya. Hinubad niya muna ang kanyang jacket at sinunod na hinubad ang puti niyang spaghetti top bago sinuot muli ang jacket at binasa nahuhad na damit. Nagmamadali niya itong piniga at tumakbo sa tabi ni Leandro para punasan ang duguan nitong kamay.

"Ano ba Leandro?! Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin marunong magkontrol ng galit mo?! Anong laban ng kamao mo sa semento?! Ha?!"

Hindi siya sinagot ni Leandro at blangko lang ang mukha na tiningnan lamang siya.

"Hawakan mo yan! Nasaan ang medicine kit mo?!" Nakasigaw pa rin niyang sabi.

"In the bathroom." Sagot ni Leandro habang nakatitig pa rin kay Leandra.

Inilibot ni Leandra ang tingin sa loob ng malaki nitong bahay. Hindi niya alam kung nasaan ang bathroom na sinasabi nito ngunit nang makita niya sa unahan ang isang pintong bahagyang nakabukas ay saka siya nagbuga ng marahas na hininga.

"Haist! Maghintay ka dyan! Nakakainis ka talaga!" Sabi niya saka naglakad patungo doon.

Nang makabalik siya ay nakatitig ulit ito sa kanya lalo na ng gamutin niya ang apat na malilit na sugat nito sa bawat buto ng kamay nito.

Nang matapos siya ay isa-isa niyang ibinalik ang mga yon sa lagayan at sinarado.

"You're still caring as ever. Ginagawa mo din ba ito sa lalaking yon?"

Inis niya itong tiningnan. Umuusok na ang ilong niya sa sobrang inis sa ginawa nito. Pinag-alala kasi siya nito ng sobra.

"You!" Turo niya dito saka mabilis na kinuyom ang kamay.

"Stupid!" Malakas niyang sigaw kasabay ng malakas na pagbatok sa tuktok ng ulo ng binata pero wala lang iyon dito at hindi man lang natinag.

"They're seducing me." Seryosong sabi ni Leandro habang nakatitig sa kanyang dibdib.

Doon niya naalala na tanging bra na lang pala ang suot niya sa loob ng nakabukas niyang jacket kaya bago pa siya nito mahuli ay bumalik agad siya sa kanyang upuan.

"Kakain ako. That was my choice. You should be a man of your words." Sabi agad niya saka nagmamadaling kumain.

Tiningnan ni Leandro ang kamay niya na ginamot nito saka nagpatuloy na din sa pagkain.

He smiled meaningfully.

After he saw her reaction earlier, now he's back of teasing her again. Just like before, gagamitin niya ang kabaitan nito para makalapit siya dito. Wala siyang paki sa sinasabi nitong asawa nito dahil kahit pa sa harap mismo ng lalaking sinasabi nitong asawa ay ipapakita niya na para sa kanya lang talaga si Leandra at handa siyang kunin at gagawin ang lahat makuha lang niya ang babaeng sa una pa lang ay sa kanya na nakatadhana.

-MissPhilosopa

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon