Chapter Thirty-eight

1.5K 30 0
                                    

"You look so problematic."

Tumungo si Leandra at matamlay na nginitian si Kit habang nakaupo siya sa kanilang mesa.

Bahagya siyang yumuko at napahawak sa puson niya.

'Putangina. Bakit ngayon pa?' Tanong niya sa sarili at parang hindi mapakali na tumingin sa paligid. Alam niya kung nasaan ang CR pero natatakot siyang tumayo at maglakad doon sa pagbabasakali na baka may tagos na pala siya sa likod ng damit niya. Kahit pa pula din ang damit niya ay sigurado siyang kitang-kita pa rin ito lalo na at hapit ito sa kanyang katawan.

"U-uy... Namumutla ka. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Kit at bahagya pang tumingin sa paligid.

Kakaalis lamang ni Yuka. Nagpaalam itong umuwi ng maaga kaya naiwan silang dalawa ni Kit.

"Okay ka lang?"

Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya dito ang totoo pero sa tuwing naalala niya ang pag-amin nito sa kanya ay agad siyang babalutin ng hiya.

"U-uy... Tatawag na ba ako ng ambulansiya? Masakit ba tiyan mo?"

'Ay, bahala na.' Aniya sa sarili saka hinawakan ito sa braso at hinila para bumulong.

"I have my period." Namumula ang mukha sa hiya na bulong niya dito.

"O-oh... Wait." Sabi nito saka tumingin pa sa paligid bago nagmamadaling tinanggal ang jacket nito at tinakip sa kanya.

"Huwag kang mag-alala. Nasa likod mo lang ako." Bulong ni Kit sa kanya at inalalayan siyang tumayo papunta sa banyo.

"Hindi naman tumagos." Nakahinga ng maluwag si Leandra sa sinabi ni Kit nang nasa labas na sila ng banyo. Hindi na siya tumuloy pa sa loob dahil nasa kotse naman niya ang napkin niya at isa pa yun lang naman ang gusto niyang malaman na wala nga siyang tagos para makalabas siya dito at makauwi.

"Okay ka lang? Kaya mo ba? I can send you to your home."

Ngumiti siya dito saka tinapik ito sa balikat.

"Thank you. Sa labas mo na lang ako ihatid. Kaya ko naman." Sabi niya at hinayaan na lang ito na hawakan siya sa baywang dahil alam niyang ginagawa lang nito yun sa pagbabasakaling mahulog ang jacket nitong nakapatong sa kanyang balikat.

Inilibot muna niya ang tingin sa paligid sa pagbabasakaling makita niya si Leandro para magpaalam pero hindi niya ito nahagilap ng kanyang mga mata kaya nagpatuloy na lang sila hanggang sa parking lot.

"Slowly. Ano ka ba?"

Natawa na lang siya nang pagalitan siya ni Kit dahil sa biglaan niyang pag-upo sa kanyang kotse at di sinasadyang tumama ang kanyang ulo.

Hinagod naman nito nang bahagya ang ulo niya.

"Are you sure you can drive alone? Pwede naman kitang ipagmaneho ah."

Ngumiti siya.

"Okay lang. Pakisabi na lang kay Mr. Fiaschetti na nauna na akong umuwi."

"You mean pakisabi sa kapatid mo?" Pagtatama nito.

Hindi siya sumagot at binuhay na lang ang sasakyan kasunod nang malakas na pagbusina niya dahil sa sobrang gulat nang makita niya mismo sa harapan ng sasakyan niya si Leandro na madilim ang mukha na nakatayo sa harap ng sasakyan niya. Kung hindi lang natamaan ng ilaw ay baka hindi pa nila ito makikita.

"Oh?! Mr. Fiaschetti!" Agad na maligayang bati ni Kit at itinaas pa ang kamay sa ere pero hindi siya pinansin ni Leandro at bahagya pang binagga sa balikat nang makalapit ito at agad na hinila si Leandra palabas ng sasakyan nito.

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon