Chapter Sixteen

2.4K 38 10
                                    

"Leandro!" malakas na malakas na sigaw ng Mommy nila nang makarating agad ito sa kanilang bahay.

Agad namang bumaba si Leandro para salubungin ang ina. Alam na nito ang nangyari at kagagaling lamang nito sa paaralan nila pagkatapos pinapatawag ang mga magulang niya sa paaralan. Hinatid lang niya si Leandra kanina sa eskwelahan at sinigurado na hindi muna ito makakauwi ng bahay sa tulong nina Fin at Julian. Ayaw niya kasing isama din ito sa presinto pagkatapos dumulong sa pulis ang mga magulang ni Lino.

"Mom..."

Kakababa pa lamang niya sa hagdan ay isang malakas na sampal agad ang sumalubong sa kanya.

"Wala ka na talagang nagawang tama sa buhay mo! Ngayon ay dinadamay mo pa ako sa pagka-kriminal mo!"

Hindi sumagot si Leandro at nananatili lang na tumahimik habang nakahawak sa kanyang panga na nakayuko sa harap ng mga pulis na nakapasok na ngayon sa bahay nila.

"Magandang gabi Briochi. Kailangan mo lang sumama sa amin sa presinto." magalang na sabi ng pulis sa kanya bago inilahad ng isang pulis ang kamay nito para makalabas siya sa bahay at gabayan siya patungo sa patrol car.

"Sir, wala na po akong pakialam kahit pa ikulong nyo ang hayop na yan!" galit pa na sigaw ng kanyang ina.

"Maam, pasensiya na po pero kailangan nyo pong sumama sa amin kasi minor pa po ang anak nyo."

"Ano?! Hindi nyo ba nakita ang katawan nyan? At saka yong ama niya dapat ang sumama sa kanya dahil hindi naman ako ang ina niyan!" galit na sagot ng kanyang ina. At dahil sa sagot nito ay may kung anong pumasok sa isip ni Leandro na kailangan niyang alamin.

Parang may napapansin na kasi talaga siya dati pa na iba ang pakikitungo nito sa kanya. Iniisip niyang mukhang hindi nga talaga totoong anak ng kanyang ina. Idagdag pang kahit sinong taong tanungin ay sasabihin talagang hindi sila magkapatid ni Leandra.

"Maam pasensiya na po pero kung wala po ang asawa nyo ay hindi po pwede. Kailangan nyo pong sumama sa amin."

Matagal bago sumagot ang kanyang ina saka galit pa siyang tiningnan at binangga sa balikat bago ito pumasok sa sarili nitong sasakyan.

Nang makarating sila sa police station ay nagtagpo agad ang tingin nila ni Lino na kahit okay ang mukha at nakakaawang tingnan ay nakangisi pa ring nakatingin sa kanya na kinagalit niya. Mabibilis ang hakbang na lumapit siya dito para sana suntukin ulit ito pero mabilis na siyang nahila ng pulis at inilayo.

"Ohh. Mukhang hindi ka pa kontento ah." nakangising sabi ni Lino kahit hindi na kita ang mga mata.

"Bata, tumigil ka. Mukhang malaki ang galit mo sa kanya." sabi naman ng pulis na nakaupo sa desk saka pilit siyang pinapaupo sa upuan ng pulis na humawak sa kanya habang hindi naman niya inaalis ang kanyang tingin kay Lino.

"Sir, ipakulong nyo na lang yan agad. Hindi nyo na ako kailangan dito."

"Anong klaseng ina ka? Dapat managot ka rin sa ginawa ng anak mo sa akin." galit na sabi ng Mommy ni Lino na si Mrs. Agustin sa Mommy ni Leandro.

"Bakit ako? Hindi ko naman siya anak."

Sabay na napalipad ang tingin nina Lino at Leandro kay Mrs. Briochi.

Sarkastikong humalakhak ang mommy ni Lino.

"Ganyan naman talaga sinasabi nating mga ina kapag gusto nating maghugas sa kasalanan ng anak natin. Hindi porket menor de edad yang anak mo ay uurungan ko na yan. Hindi ko uurungan yan, pati ikaw."

Tumikhim ng malakas ang pulis para kunin ang kanilang mga atensiyon.

"Mga maàm. Pwedeng manahimik po muna tayo? Tatangungin ko lang po sila kung ano ang totoong nangyari." sabi nito na kinatahimik ng dalawang ina saka tiningnan si Leandro.

"Ikaw ang uunahin ko dahil ikaw naman ang inireklamo. Ano ba talaga ang totoong dahilan? Ang sabi niya sa amin ay bigla mo na lang daw siyang pinasok sa banyo at pinaulanan ng suntok."

Himdi sumagot si Leandro. Ayaw niyang masali si Leandra dito kaya magsisinungaling na lang siya.

"Kasalanan ko po ang lahat." sagot niya habang nakakuyom ang kamao.

"Oh ayan sir. Umamin na siya. Pwede na ba akong makaalis?"

"Mrs. Briochi pasensiya na po pero malalaman po natin ang totoo pag dating ng witness."

"Witness?" kunot-noong bulong ni Leandro kasabay nang paglingon nang bumukas ang automatic na glass na pinto.

"Leandra, why are you here?" tanong ng mommy nila ni Leandro kay Leandra pero hindi ito sumagot at galit ang mukha na bumati sa mga pulis para magpakilala.

"Ako po si Leandra Briochi." pakilala ni Leandra saka hinarap si Lino na nakangisi lang sa kanya.

"Ms. Briochi-"

"Putangina kang manyak ka!" malakas na malakas na sigaw ni Leandra sabay sipa sa mukha mismo ni Lino na kinatumba ng upuan nito kasama ito sa sahig. Hindi niya ito tinigilan at mabilis na pinaibabawan at hinampas ng paulit-ulit ang mukha nito na nagsimula na namang dumugo ngayon dahil sa mga sariwa pa nitong mga sugat.

"Walang hiya ka! Mapapatay kitang putangina ka! Hayop!" galit niyang sigaw at sinipa pa talaga ito habang pilit siyang inilalayo sa pulis samantalang sumisigaw naman ng tulong ang mommy ni Lino.

"Ms. Briochi kalma lang."

"Paano ako kakalma kung binaboy ako ng hayop na yan?!" galit na sigaw ni Leandra sabay turo kay Lino at papaulanan pa sana ng sipa pero hinawakan na siya ni Leandro habang ang kanilang ina naman ay nanlalaki lang mga mata na nakikinig sa sinabi ni Leandra.

"Oh lord, ang anak ko... Ang anak ko... Pagbabayaran nyo to mga putangina kayo! Pinagtutulungan nyo ang anak ko... Idedemanda ko kayong lahat!" humagulhol na sigaw ni Mrs. Agustin at hinawakan ang mukha ng anak nang makaupo na ito sa upuan.

"Ms. Briochi alam nyo bang pwede kayong kasuhan sa ginawa nyo sa kanya ngayon kapag wala kayong ebiden-"

"Ay putangina!" sigaw ni Leandra na kinatahimik ng dalawang pulis sabay kuha sa kanyang cellphone. May pinipindot siya doon saka niya nilagay sa mesa pagkatapos nilakasan ang volume niyon.

"There you are."

"Are you ready? Hmm? Shh. Shh."

"Don't cry. Don't cry. I might eat you but it won't hurt. I promise, okay?"

"Hmm... Sabi ko na nga ba. Magaganda sila."

Napayuko si Lino habang nakikinig ang lahat sa record na pinlay ni Leandra. Naririnig din kasi doon ang mga hikbi ni Leandra kasunod nang malakas na tunog ng pinto na sinira ni Leandro at ang mga galit na mura din ni Leandro.

"L-lino... anak... a-anong ibig sabihin..."

Mrs. Briochi clenched her fist.

"Mrs. Agustin-"

"Ay putangina ka nga talaga! Hayop ka!" malakas na malakas na sigaw ni Mrs. Briochi sabay hampas sa kanyang bag kay Lino ngunit pumagitna ang mama nito kaya si Mrs. Agustin na lang ang sinabunutan niya hanggang sa nagpagulong-gulong sila sa sahig na kinagulo na sa loob. Lumapit pa ang ibang mga pulis para tulungan sila habang si Leandra naman ay agad na umupo sa sahig at tiningnan si Leandro.

"Okay ka lang?"

"Hmn. Bakit ka nandito?" seryoso at may halong galit na tanong ni Leandro kay Leandra.

Nang dahil sa tanong ni Leandro sa kanya ay naalala niya agad ang ginawa nito. Nalaman niyang kaya pala siya pinapapasok sa paaralan kanina dahil nakipag-usap na pala ito kina Julian at Fin para aliwin siya at para hindi siya masali sa nangyayari ngayon. Buti na lang pala at nakarinig siya ng balita sa mga haliparot na Marites kanina sa eskwelahan tungkol sa nangyayari kay Lino. Sakto ding nakita niya ang sasakyan ng mommy nila na papalabas ng paaralan kaya doon na siya nagtanong kina Fin at Julian.

Binantaan pa nga niya ang mga ito hanggang sa umamim ang ito ng totoo sa kanya.

Inis na tumayo si Leandro saka galit na tiningnan si Leandro bago niya binigyan ng malakas na suntok sa tuktok ng ulo.

"Gago ka!" sabi niya saka bahagya pang tinulak ang ulo nito bago siya dumistansiya habang nakakunot naman ang noo nitong nagtatanong na nakatingin sa kanya.




-MissPhilosopa

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon