Chapter Nineteen

2.1K 41 11
                                    

"Ate Leandra pasensiya ka na ha? Ikaw lang talaga ang maaasahan ko eh. Di bale papupuntahin ko agad dyan si Yuka pagkauwing-pagkauwi niya."

Bumuntong-hininga si Leandra habang kausap si Fiona sa kabilang linya.

Simula nong nasira ang pagkakaibigan nila ni Cely, Gelyn at Mina ay naging close tuloy sila nina Fiona at Sophie. Naging kaibigan niya ang mga kaibigan ni Leandro kahit siya ang pinakamatanda sa mga ito ng dalawang taon.

Nong lumayas siya at nagpakalayo-layo. Doon niya naranasan kung paanong mamuhay ng mag-isa. Sa awa ng Diyos ay nalampasan naman niya sa tulong ng isang kaibigan hanggang sa manganak siya. Two years old si Ayvanna noon nang mahanap siya ng kanyang ina. Galit na galit ito pero tinanggap pa rin naman siya. Hindi niya sinabi dito ang totoo kung ano ang dahilan ng pag-alis niya. Sinabi niya dito na nabuntis siya ng boyfriend niya sa college at hindi siya pinagutan. Sinabi pa niyang dahil nahihiya siya ay kaya siya umalis at nagtago.

Simula noon ay sinuportahan naman siya ng kanyang ina. Nalaman din niyang nakipaghiwalay ang mommy nila sa daddy nila kaya sa kanya din ito naninirahan kapag naka-leave ito sa trabaho at tumulong din sa paggabay sa pagpapalaki kay Ayvanna.

Nalaman din niya mula sa mommy nila na sumama si Leandro sa ama nila patungong Italy at doon na daw naninirahan.

Wala na siyang balita dito kahit anong search niya sa pangalan at apelyido nito sa social media. Ayaw din niyang tanungin sina Sophie at Fiona tungkol kay Leandro dahil noong bumalik sila sa bahay nila na binili ulit niya ay nalaman niyang simula noong umalis siya ay nagbago na lang daw bigla si Leandro. Malaking away daw ang nangyari na naging dahilan nang pagkawatak-watak ng grupo at ngayon ay sina Yuka, Sam, Fiona at Sophie na lamang ang kanyang nakita.

Hindi pa siya masyadong matagal na nakakabalik dito at ngayon ay nagtatrabaho siya bilang isang marketing director sa sariling kompanya nina Yuka at Sam. Pero dahil siya lang ang inaasahan ng lahat kaya para na din tuloy siyang assistant CEO sa kompanya nila.

"It's okay. Saan ba yan? Sure ka bang maghahatid lang ako ng files?

"Fiaschetti."

"Fiaschetti? Wait, kailan pa tayo naging partners dyan?"

"Hayyy naku. Ewan ko kina Yuka at Sam. Huli na lang nga namin nalaman ni Sophie ang desisyon nila."

Ngumiti siya.

"Don't stress yourself. Baka mapano si Baby. Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala dito. Pakisabi na lang kay Sophie na mag-ingat din siya. Pano kasi sabay pa kasi kayong nagpabuntis sa mga asawa nyo."

"Hehehe. Salamat Ate."

"Sus. Nag-a-ate ka lang naman kapag may kailangan ka."

"Hehe. O siya. Mag-ingat ka."

"Hmn. Ikaw din." Sagot niya bago ibinaba ang tawag saka matamis na nginitian ang kanyang anak na kanina pang naghihintay sa kanya habang nakaupo sa malaking sofa.

"Was that tita Fiona."

"Hmn. She said your Uncles are on a business trip. So you need to wait until next week for the hamster's cage."

"No problem."

"We gotta go. Baka ma-late ka pa sa klase." Aya niya sa kanyang anak saka kinuha ang lunch box nito sa mesa kasabay ng kanyang shoulder bag.

Grade four pa lang si Ayvanna pero dahil sa height nito ay lagi itong napagkakamalang highschool. Talagang namana nito lahat sa ama.

Sa paaralan kung saan sila nag-aaral noon ni Leandro niya pinapaaral ang kanyang anak. Dahil bukod sa medyo malapit lang ito sa bahay nila ay kilala pa niya ang ilan sa mga guro dito.

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon