Chapter Twenty-nine

1.5K 32 0
                                    

"Uuwi ako."

Leandro smiled.

"Okay, go on." Nakangisi niyang sabi habang hawak sa isang kamay ang malinis niyang puting polo shirt para ipagamit dito.

Inikot ni Leandra ang mga mata saka nagmamadaling lumabas ng kwarto na pinagdalhan ni Leandro sa kanya para sana tulugan niya.

Medyo nalito pa siya sa daan pababa habang nag-aayos ng kanyang damit. Pinihit niya ang seradura ng pinto pero hindi iyon bumukas kaya inis ulit niyang nilingon ang binata na ngayon ay nakatukon ang mga siko sa glass na terrace na nakatingin sa kanya sa itaas malapit sa hagdan.

Leandro raised his eyebrow and flicked his finger followed by the small clicked from the door's lock.

Bubuksan sana ni Leandra ang pinto  pero kusa itong bumukas at nag-slide pakanan na bahagya pa niyang kinagulat. Sa inis niya ay tinaasan niya ng panggitnang daliri si Leandrk sa itaas habang nasa isang kamay ang kanyang bag.

"F*ck you!" Galit niyang sigaw dito.

Leandro chuckled while shaking his head and walked towards the outer terrace to see her outside.

Nang makalabas si Leandra ay agad din siyang natigilan nang hindi na niya makita ang kanyang sasakyan na pinagpark-an niya kanina.

"What the f*ck Leandro." Inis niyang bulong saka lumapit sa guard na may hawak na armalite na papalapit din sa kanya.

Huminga siya ng malalim saka wala sa sariling napalulon.

Hindi siya takot dito. Takot lang siya sa baril na hawak nito.

"M-magandang gabi po kuya..."

"Magandang gabi po ma'am."

"Yong kotse–"

"Hinatid na po ng driver sa bahay nyo maam. Kanina pa."

"Ano?! H-hinatid... S-sa bahay ko?"

"Opo. Yon po kasi ang utos ni Sir."

Galit na nagbuga ng hininga si Leandra saka tiningnan ng masama si Leandro na ngayon ay nasa kabilang side na ng terrace na nakaharap sa kanila na nakatayo habang nakatiklop ang mga braso.

Galit niya itong tinuro.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Huwebes bukas at may trabaho pa ako Leandro!"

"May trabaho din ako bukas. Gusto mo bang sumabay sa akin?"

Napahinga siya ng malalim sa sobrang inis.

"Haist!" Inis na bulong ni Leandra habang maayos na itinabon ang shoulder bag sa dibdib saka nagtiklop ng braso.

"Pumasok na po kayo sa loob maam. Malamig po dito sa labas at mukhang uulan po."

"Ayoko. Sabihin mo sa amo mo na ayoko."

Tumawa si Leandro nang marinig niya ang pagmamatigas ni Leandra.

"Pumasok ka na at wag ng matigas ang ulo. Baka barilin ka nyan." Pang-aasar ni Leandro.

"Pumasok na po kayo maam. Hindi po magandang pinagagalit si Sir."

"Ay, wala akong paki. Alam ko namang hindi ako sasaktan nyan."

Totoo yon. Kailan man ay hindi siya pinagbuhatan ng kamay ni Leandro. Lagi itong maingat at maalaga sa kanya at kabaliktaran sa pinapakita nito sa ibang tao. Yun nga lang mapang-asar lang ito at ubod ng kamanyakan.

"Kami po ang matatanggal sa trabaho."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig ng guwardiya lalo na ng lumungkot pa ang mukha nito.

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon