Chapter Thirty-two

1.4K 39 1
                                    

"Nahatid ko na si Ayvanna sa bahay nila ni Yuka." agad na sabi ni Robin nang sagutin niya ang tawag nito. 

"Salamat Robin."

"Sigurado ka bang hindi siya pupunta sa bahay nila ni Yuka?"

Matagal siya bago sumagot. Ang totoo niyan ay nangangamba talaga siya at alam niyang gagawin talaga lahat ni Leandro para lang makita ang anak niya ng harapan kahit pa nasa bahay ito ngayon nina Yuka at Fiona kaya naman ay nakapag-isip na siya ng paraan. Alang-alang sa anak niya ay ipapain niya ang sarili sa binata. Gagawin niya ang lahat para siya ang pagtuunan nito ng pansin.

"Hmn. Huwag kang mag-alala." sagot niya saka ngumiti. 

"I hope to meet Nil before you leave again." 

Ngumiti si Robin sa kanyang sinabi.

"I know he will accept you both." masayang sabi ni Robin sa kabilang linya. He already talked to Nil about them. Wala man itong sinabi pero nararamdaman niyang tatanggapin nito sina Leandra at Ayvanna. 

Marahas na naglabas ng hininga si Leandra habang nakatayo sa harap ng kanyang nakasiradong bahay. Kanina pa siya nakarating sa bahay niya at sumakay lang ng taxi. Alas-kuwatro pa lang ay lumabas na agad siya sa opisina para umuwi. Yun nga lang ngayon lang niya naalala na wala nga pala siyang susi sa bahay niya at nagmistula pa siyang katawan kanina na akyatin ang kanyang gate.

Inis siyang napasabunot sa buhok nang maalala niyang dinelete nga pala niya ang number ni Leandro kanina nang mag-text ito sa kanya. 

"Argh!" 

Wala siyang magawa kundi ang tumawag sa kompanya nito.

"Hi, this is Miss Briochi from Samiyuka company."

"Good afternoon Miss Briochi. Ano pong maitutulong namin sa inyo?"

Tumikhim muna siya bago sumagot. 

"Uhmm... can you transfer me to Mr. Fiaschetti's office?"

"I'm sorry Maam. Mr. Fiaschetti is not in the company today. He had something personal to take care of."

'Personal?' tanong niya sa sarili at doon lang niya naalala na nakasimpleng T-shirt lang pala ito kanina nang lumabas sila sa bahay nito at ibang sasakyan ang ginamit nila. Ibig sabihin ay hindi ito pumasok sa trabaho ngayon araw. Saan naman kaya ito pupunta?

"P-pwede bang malaman ang contact number niya?" 

Matagal bago sumagot ang babae sa kabilang linya at nagpaalam saglit sa kanya para magtanong sa kasama nito.

"Please tell him that I am waiting outside."

"Okay Maam."

"My house." dagdag niya na kinatahimik sa kabilang linya pagkatapos non ay ang tunog ng hold ng telepono kasunod nang striktong boses ni Leandro sa kabilang linya. 

"I said I am busy today." agad na sagot ni Leandro habang hindi tinitingnan ang cellphone.

Matagal bago sumagot si Leandra saka bumuntong-hininga. 

"Honey, please don't be always rough to them." sabi ng malambing na boses ng babae na rinig na rinig ni Leandra. Nanigas siya saglit kasabay nang malakas na pagtibok ng kanyang puso at ang pag-usbong ng galit na hindi niya alam kung bakit. 

"You have my keys." sagot niya na agad na kinatigil ni Leandro saka malambing na nagpaalam sa kaharap nitong magandang babae at tumayo para kausapin si Leandra.

"Leandra..." sambit ni Leandro saka ngumisi nang mapatingin siya sa orasan. Alas-singko pa lang ng hapon at alas-sais ang sinabi niya dito. Hindi niya mapigilang mapangisi dahil alam niyang tatakas talaga ito at uuwi ng maaga pero dahil matalino siya kaya alam niyang tatawag ito sa kanya kaya siya nagtext dito gamit ang numero niya kanina pero hindi niya alam na ide-delete pala nito yon at ngayon ay tumawag sa pamamagitan ng kanyang kompanya.

"I know you will go home early and run away from me so I already noted it as four."

Galit na bumuntong-hininga si Leandra. 

"Hindi ako nakikipagbiruan Leandro. Pumunta ka na dito ngayon din sa bahay. Huwag mo akong pinaghihintay ng matagal."

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

Kumunot ang kilay ni Leandra.

"S-sigurado saan?" hindi mapigilang kunot-noong tanong ni Leandra.

"Sa sinasabi mo."

"Narinig mo ba ako? Wala akong ibang sinabi Leandro. Puntahan mo na ako dito sa bahay ngayon din." sabi niya sabay patay sa tawag.

Leandro let out a devilish smile before he walked back to his table.

"You seem happy. Was that her?"

Maliit siyang ngumiti saka sumimsim sa kanyang baso.

Ngumiti din ang babae saka inayos ang pagkakadekuwatro ang kanyang binti bago dumukwang sa mesa palapit kay Leandro.

"Honey, are you going to ditch me now because of her?"

Umiling si Leandro saka ngumiti sabay lagay ng baso sa mesa. Dumukwang din siya sa mesa at hinaplos ang pisngi ng magandang babae sa tapat niya. Inayos pa niya ang mga buhok na bahagyang nakatabon sa buhok nito at maingat na inipit sa likod ng tainga. 

"Don't worry. I promised you. We still have thirty minutes left." sabi niya at bahagyang tumingin sa kanyang relo.

The woman chuckled sweetly and leaned back. She took her things and stood up.

"Where are you going?" tanong ni Leandro. 

The woman stopped beside him and smiled. She caressed his hair and kissed him on his right cheek.

"We spent time the whole day today. It's already enough for me. I should start accepting now that I am not just the only woman in your life. I may not meet her yet but I know she always has your heart, honey. Take care."

Ngumiti na lang siya dito bilang sagot at pinagmasdan itong seksing naglakad palabas ng restaurant saka ito sinalubong ng driver nito sa labas. Ibinigay nito sa driver ang coat na nakasablay sa likod nito na nagpakita ng makinis nitong likod. Napangiti ulit siya nang tumingin pa ito sa kanya at kumaway. Sa edad nitong kuwarenta y singko ay mapagkakamalan pa rin itong dalaga. Mukhang mas matanda pa nga siya ditong tingnan.

The woman raised her hand to get his attention and pointed the tattoo of a baby's face on her lower right back.

He chuckled when she did a little dance before she went inside the car. 

That's right. She's his mother. His sweet, young, childish mother. 

Umiiling-iling siya saka tumayo na rin sa kanyang upuan.



-MissPhilosopa

Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon