Huminto si Mrs. Briochi sa harap ng kanilang bahay habang hindi mahitsura ang buhok nito at galit na tumingin kay Leandro. Kakarating lamang nila galing sa police station at sa hitsura ng mommy nila ay parang hindi ito nanggaling sa police station kundi daig pa nito ang nabugahan ng maiitim na usok sa sarili nitong sasakyan.Pumagitna agad si Leandra at hinarangan si Leandro.
"Mom, kung ano man yang iniisip mo. Please stop. Walang kasalanan si Leandro dito. Kapag hindi siya dumating ay siguradong nabaliw na ako ngayon sa sobrang trauma."
Hindi sumagot ang kanyang ina saka sa gilid dumaan pero hinarangan ulit niya. Tiningnan siya nito ng masama bago lumiko ulit sa kabilang gilid pero hinarangan ulit niya.
Galit na bumuntong-hininga ang kanyang ina sa kanya saka walang sabi-sabing hinila ang dulo ng kanyang uniform at nilapitan si Leandro.
Yumuko naman si Leandro nang titigan siya ng mommy nila ng seryoso.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad ang totoo ha? Eh di sana nakalbo ko na agad ang mama ng lalaking yon pagpasok ko pa lang sa police station."
"P-po?" utal na sabi ni Leandro.
"Aish! Basta sa susunod wag ka ng magsinungaling. Pumasok ka na. Ipagluluto ko kayo." sabi ng kanilang ina at bahagya pang marahang tinulak si Leandro habang si Leandra naman ay nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.
"Mom..."
"Tumahimik ka. Huwag ka ng sumasama-sama sa mga kaibigan mong puro mga de puta. Umalis ka dyan! Magluluto ako." sabi ng kanyang ina at bahagya pa talaga siyang tinulak.
Ngumiti siya sa saya dahil alam niyang okay na ang pakikiutngo nito kay Leandro. Masaya na siya doon pero napawi din ang ngiti nang maalala ang kanyang mga kaibigan. Malungkot lang siya sa ginawa ni Cely sa kanya.
Bumuntong-hininga siya.
Ngayong nakuha na siya ni Leandro at sa mismong nakababatang kapatid pa talaga niya ay naisip niyang mukhang mas malala pa ata siya sa mga kaibigan niya.
"Leandra..." mahinang tawag ni Leandro sa kanya saka ngumiti.
She also smiled at him. Ipinilig niya ang kanyang ulo para alisin ang kanyang iniisip. Kahit naiinis siya kay Leandro dahil sa ginawa nito ay naisip niyang kaya lang nito nagawa yon dahil sa kapakanan niya. ALam nitong malaki ang takot na nakuha niya nang gabing yon kaya ginawa nito ang lahat para hindi siya masali sa gulo.
Naglakad siya at huminto sa harapan nito.
Tinitigan niya ito ng matagal habang nakangiti.
It was my decision to be with you. Even my body has its own life and only wants your touch. You may be dangerous but you are very warm and gentle inside. Alam kong mali tong ginagawa natin pero sa ngayon ay wala na muna akong pakialam don. Nakangiti niyang sabi sa sarili.
"Pasok na." malambing na bulong ni Leandro sa kanya.
Ngumisi siya at bahagyang sumilip sa loob kung saan ay nakita niyang nasa kusina na ang mommy niya at nagbubukas ng refrigerator.
Itinaas niya ang kamao na agad namang kinayuko ni Leandro. Bahagya siyang natawa saka sinundot ito sa tiyan bago seryosong pumasok sa loob ng bahay.
------
Nakanguso ang labi na dumaan si Leandra sa harap ni Leandro habang dala-dala ang may kalakihang karton na may laman ng mga maliliit na teddy bear sa loob. Ngayon kasi ang araw ng paglipat niya sa kanyang bagong sariling apartment. May pa lang ngayon pero sinigurado na ng mommy niya na makakalipat agad siya.
BINABASA MO ANG
Surrendering In The Devil's Temptation (COMPLETED ✅✅✅)
Romance***RATED SPG*** READ AT YOUR OWN RISK! Leandro's words are absolute. His decisions are fixed as well as his promises. He doesn't believe in destiny so he decided to make his own- owning Leandra, his older sister. For him, her little effort of...