Keihzza's POV
"Kailan ka ba babangon diyan, Keihzza? It's been two days at tulog ka pa rin!" tulog ang katawan ko pero ang diwa ko ay gising nang marinig siyang mag-maktol. Kumunot ang noo ko habang nanatili pa ring nakapikit. "Absent na tayo ng two days. Dapat kasi ay nakinig ka sa'kin at hindi na pinatulan ang mga walanghiyang 'yun." Dagdag pa niya habang nakaka-agaw pansin ang pabalik-balik niyang lakad. "Kakasimula lang ng klase, pero absent kaagad tayo. Wala ka ba talagang plano na gumising?" Kahit naiinis siya ay nahihimigan ko pa rin ang pag-aalala niya.
Geez, he's just being cheeky.
"You know what, nag-camping ako dito kasama mo sa loob ng dalawang araw." Gusto kong tumawa dahil sa pagbubuntong hininga niya. Naiinis ba siya? Kung gano'n ay, bakit hindi niya tinawagan ang pamilya ko? He should've gone to school than looking after me while I'm unconscious. "I dare to call your family using your phone, but damn! Hindi ko kaya. What if they'll think the other way around? Mas lalo lang magiging malala ang situwasyon natin. You understand me, right? Hindi nila tayo pwedeng e-match make." I see, kaya pala hindi niya tinuloy. But honestly speaking, soft siyang lalaki. I don't even believe na straight siya. Kasi you know, napaka-hinhin niya! Malayong-malayo sa mga lalake na madalas magbuhat ng sariling upoan.
I just wonder how he was with me here in the hospital for a couple of days? Though, I felt relieved nang sinabi niyang hindi niya tinuloy na tawagan ang pamilya ko. Pero kahit tawagan niya naman ang mga 'yun ay wala pa ring makakapunta dahil sa busy, lalo na sila mom at dad. "Hence, it was fun transferring funds. Ginawa ko 'yung sinabi mo, for security. Kung sakali ngang mangyari ang sinabi mo. Kaya't gumising ka na, para masamahan na kita sa bangko." Doon na ako marahan na napapatawa sa sinabi niya. Sunod kong naramdaman ay ang kamay niya sa kamay ko. "Are you awake? I heard you laugh, just now." Iminulat ko ang mga mata ko at siya ang una kong nakita. Damn, he's really handsome huh? Well, cool naman ako. So the tier is equal.
"You're nosy. Do you know that?" wika ko sa mahinang boses.
Nakita ko siyang napangiwi, "Ang tagal mo ba namang gumising. Pinagbantay mo pa ako ng two days." maktol niya na ikina-irap ko.
"Sana nalang pala ay hinayaan ko ng tumarak 'yung kutsilyo sa'yo. Edi sana--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang mabilis niyang tinakpan ang bibig ko, matulis ko siyang tiningnan sa mata. "Ang sama mo. Kaya nga nandito ako dahil nagi-guilty ako." mukha nga siyang nagi-guilty. Pinaikutan ko siya ng mata, pagkatapos ay kinagat ang kamay niya. "Aww! What was that?!" Anggil niya habang mabilis na inilalayo ang kamay mula sa bibig ko.
"Nangangamoy pera ang kamay mo tapos itinakip mo sa bibig ko? Hindi ka man lang naghugas!" I hissed as he gnashed his teeth together.
Umasim ang mukha niya, "Sorry?" mag so-sorry na nga lang ay itatanong pa. Kalokohan talaga ang isang 'to.
Hindi ko nalang siya pinansin at inuudyok ang mabigat kong katawan na kumilos ngunit nauwi sa mapait na pag-ngiwi. Yawa! Ang sakit! Natitigilan pa ako habang nakatuko ang mga siko ko sa kama. "Wait, ayus ka lang ba?" Tanong na naman niya at lumapit ulit sa'kin. Naiinis ko siyang tiningnan.
"Kaysa tanongin mo ako, puwede bang tulongan mo nalang ako?"
"Eh, papaano kita matutulongan?" Ha... okay, Keihzza. Kalma. Isang ignorante lang naman ang kasama mo kaya relax ka lang. "Sorry, alright? Please, don't be mad. Alam ko naman na ako ang dahilan kaya nasaktan ka. I'm sorry." medyo kumalma naman ako sa sinabi niya.
"Yung bed, pakiayos. Masakit na ang katawan ko kaka-hilata." sunod naman ay tumunog ang tiyan ko sa gutom. Iginala ko ang paningin sa paligid at dumapo 'yun sa lamesa na may maraming pagkain. Napalunok ako sa nakitang Jollibee.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With The Gangster's Empress
ActionAng maikasal sa isang tao na hindi mo kilala at kaano-ano kapalit lang ng pagpapaalis sa taong importante sayo ay isang bagay na kinakailangan gawin ni Keihzza upang maibsan ang alalahanin patungkol sa maitim na organisasyon. May sakit ang kanyang...