Keihzza's POV
"How dare you flirt my boyfriend!"
Sa lakas ng naging impact ng sampal, pakiramdam ko ay natibag 'yung panga ko. Naramdaman ko rin ang pagtibok ng sakit sa pisngi ko. Just like, sino ba ang babaeng 'to para pagbuhatan ako ng kamay? Hindi lang 'yun, she even dared to splashed me with her drink. Pati yata juice ay nalasahan ko na sa aking labi.
Everyone around as gasped at nagsisimula na namang mamuo ang usap-usapan. Nilingon ko siya at nakita ko kung gaano siya ka-galit. "Sino ka ba?" I furrowed at her, trying to keep my cool. Hindi pa naman ako nawala sa tam akong pag-iisip para ibalik ang sampal at pag-paligo niya sa'kin ng juice, so I asked her who she is.
She smiled, wickedly. Like a real wife countering the mistress, which is me. This is really hilarious. Bakit ko ba 'yun iniisip? "You're asking me, who I am? Alright, let me introduce myself. I'm Rhiley, Drake's girlfriend. At alam ko ang ginawa niyo!" Ah... siya 'yung girlfriend. Lintek na lalaking 'yun, bakit hindi niya naman ako in-informed na nadito pala ang girlfriend niya.
Umayos ako ng tayo, hindi alintana ang malagkit na juice sa aking mukha. "Ano nga ba ang ginawa namin?" I mean to be sarcastic to her, total ay pinangunahan niya ako. Sa lahat ng tao na nandito, ay siya pa lang ang unang nangahas sa'kin na gawin ang bagay na 'to. Ang lakas ba naman talaga ng loob niya. "Oo, magkasama nga kami. Pero ano nga ba ang alam mo? May ebidensya ka ba na nilandi ko ang boyfriend mo?"
Sa sinabi ko ay nakita ko kung paano siya nangatal. Tongue-tied already? Humakbang ako papalapit sa kaniya. Humakbang naman siya paatras. "M-Magkasama kayo sa hospital! At nag-date kayo sa Quezon City! Nakasakay pa siya sa motor mo at yakap na yakap sa'yo!" Bulyaw niya. Uh, may stalker na pala ako ngayon. Does this mean, napaka-ganda ko na para pag-selosan niya ako? I wanna laugh.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata at mas naging mabilis pa ang pag-hakbang ko. "Hayaan mo akong dagdagan ang ka-kulangan sa impormasyon mo. Kumain kami, tama ka roon. Kasama ko rin siya sa hospital ng three days. Tiyaka hindi lang 'yun magkasama din kaming kumain sa central park. Binigyan ko rin siya ng regalo. I treated him better than I randomly unexpected. Satisfied?" To see her like a terrified kitten made me want to suppress more. Pero sa mga mata niya ay naroon ang galit. Huminto siya sa pag-atras.
"Ang kapal ng mukha m—" Sasampalin niya sana ako nang mahuli ko ang mapangahas niyang kamay.
"Not so fast. Not gonna happen again, lady." I mocked as I forced her to step a back hanggang sa ipinid ko siya sa ka-lapit na pader. Matalim ko siyang tinitingnan. "Bago ko sana nagpunta dito, dapat tinanong mo ang boyfriend mo, tungkol sa rason kung bakit kami nagkikita. You're pathetic upon bringing that lame excuses." May diin pero pabulong kong sambit na kami lang dalawa ang makakarinig.
"Hindi ko na kailangan ng rason niya, dahil kitang-kita ko ang pinanggagawa niyo!" I pursed my lips in a grim line. Diniinan ko ang pagkakahawak sa palapulsohan niya at marahas na ipinid sa pader. "Ahh-ouch!" Daing niya dahil sa lakas ng paghampas ko sa kamay niya. My veins protruded due to her idiocy. "Nilandi mo siya. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na niya ako sini-sipot sa date naming dalawa! Isa kang kirida na maninira at mang-aagaw ng ibang relasyon!"
Nag-tagis ang aking bagang sa kaniyang sinabi kaya't pinakawalan ko ang kaniyang palapulsohan at hinawakan siya sa baba niya na may higpit. "If I were you, I wouldn't dare to say those words to me." The urge about telling her the truth is so strong, pero nagpigil lang ako para kay Drake. I respected his relationship with her and I admit may mal isa ginawa ko. But we do not have any malice with what we are doing.
Ngumisi siya sa'kin, kahit na umiigik siya sa sakit. "Why would I hinder myself from telling something I want to say?! Kayo ang nag-taksil! Kaya nararapat lang na tawagin kang mang-aagaw! Kulang sa atensyon—" Sa kaniyang sinabi ay sinakal ko siya. Kumukulo ang dugo ko sa kahabasan ng dila niya.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With The Gangster's Empress
ActionAng maikasal sa isang tao na hindi mo kilala at kaano-ano kapalit lang ng pagpapaalis sa taong importante sayo ay isang bagay na kinakailangan gawin ni Keihzza upang maibsan ang alalahanin patungkol sa maitim na organisasyon. May sakit ang kanyang...