Keihzza's POV
"Lo, naman! Hindi ko nga kasalanan. How many times do I have to defend myself na hindi nga ako late!" mag trenta minutos na yata kami dito ni Lolo sa opisina niya. Tiyaka 'yung secretary niya kanina pa 'yun do'n sa labas. Dito rin kase sa loob ang desk no'n. P.S lalake po ang secretary ni Lolo.
"Nauna ang guro mong pumasok sa loob ng klase mo, Keihzza. Obviously, you're late!" giit pa niya sa'kin. Gusto ko tumili sa iritasyon.
"Lo, kung hindi din naman sana ako hinarang no'ng elected secretary mo sa SAO edi hindi ako ma la-late! Kasalanan niya 'yun, bakit ako pa 'yung nadedehado?" wala din naman akong plano na magpatalo. Nakikita ko rin ang iritasyon sa mukha ni Lolo at mukhang nagpipigil lang sa'kin. Tumayo ako. Kinuha ko rin 'yung cellphone ko sa bulsa. Binuksan ko 'yung private intel ko at hinack ang school security para ipakita sa kanya ang punto ko. "Kung hindi pa po kayo kumbinsido, I am willing to calculate the time with you." lumapit ako sa lamesa niya, sa mismong tabi niya. Kumuha pa ako ng upoan para hindi ako mapagod kakayuko while nakatayo.
"Alright! Sakit mo talaga sa ulo mong bata ka." reklamo pa niya at nakikinood kasama ako.
"As you can see, Lo. I arrived at the school premises five minutes before the late comer's time. Bumaba ako sa motor ko in ten seconds and rushed to the lobby. Then after thirty seconds, dumating ang SAO secretary mo at nakikipag-usap sa'kin with matching indecency. How many minutes I have lost? The entire four minutes! Kung kalkulahin natin ang four minutes remaining up to my classroom. Riding the elevator for two minutes and thirty seconds since ang classroom ko ay nasa tenth floor. May remaining pang mahigit two minutes, so makakatakbo pa ako papunta sa classroom ko before the arrival of Ma'am Bernales." pagpapaliwanag ko habang nakapanood pa rin siya sa footage ko kanina with EJay Villanueva. "What can you say, Lo?" pinatay ko na rin ang cellphone ko at sinauli ang upoan sa harapan ng table niya na kinuha ko kanina.
"Pinaalis mo daw si EJay?" pero imbes na sagutin ako, nakiki-intriga naman siya sa ibang usapin.
Bumalik ako sa sofa. "What if, I did? He just ruined my reputation, at alam mo mismo Lo na hindi ako dumadating sa school na late. This is just the first time!"
His judgmental eyes dotted on me, "That was not enough for an excuse, Keihzza. Kakasimula pa lang ng klase may pinapapasibak ka na agad! This is not about you. It's business. Alam mo ba kung magkano ang mawawala sa'tin every student na pinpaalis mo?" heto na naman tayo sa pagiging business like conference niya.
Napakamot ako sa aking ulo, sabay hilig ng likuran ko sa sofa. Animo'y nagmistulang bahay ko ang office niya. "Does it makes us poor, Lo? Hindi naman ah!"
Nakita ko nalang siyang napapahawak sa kanyang ulo, habang marahan na hinihilot 'yun. Inatake naman ako ng kaba, "Ayus ka lang, Lo?" tanong ko sa kanya. He raised his hand as if he doesn't want me near.
"Kaysa tanongin mo 'ko, you better leave and apologize to Ma'am Bernales." napatayo ako kaagad sa kanyang sinabi.
"You got to be kidding me! Hindi ko gagawin 'yun, Lo! No way!" tiyaka ako nagmamadaling lumabas. "Pwede ka na pumasok." sabi ko sa sekretarya niya. Baka ano pa ang mangyari do'n kay Lolo, basta huwag lang atakihin.
Pagkabalik ko sa classroom ay eksaktong recess time na. Dinampot ko lang ang bag ko at lumabas. "Uy, Keihzza! Saan ka pupunta?" dinig ko pa ang pagtawag ni Odette sa'kin.
Nagtipa ako ng reply sa cellphone ko dahil nakasakay naman na ako ng elevator pababa. "I have to go somewhere peaceful. Don't look for me." Yun lang at nagmamadali din akong lumabas nang bumukas ang elevator. Many were dashing out and I was the last one. I'm busy with setting up my phone together with the headset jacks. Nang may biglang makabangga sa'kin. Natilapon ang phone ko pero hindi naman bumagsak dahil sa nasalo niya ito.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With The Gangster's Empress
AcciónAng maikasal sa isang tao na hindi mo kilala at kaano-ano kapalit lang ng pagpapaalis sa taong importante sayo ay isang bagay na kinakailangan gawin ni Keihzza upang maibsan ang alalahanin patungkol sa maitim na organisasyon. May sakit ang kanyang...