PT. 15: Plans?

1.8K 598 67
                                    

Keihzza's POV

Nasa isang Hypermart kami ngayon ni Drake. Kasama ko siyang nag go-grocery, isinama ko na pansin ko ba naman na mukha pa siyang walang kain. Nakakaawa naman, pakakainin ko na lang din, baka masabihan pa akong walang puso. Samantalang ako naman ang nagpagulo ng buhay niya. 

"You usually ate these?" turo niya sa mga instant cup noodles na nilalagay ko sa cart. 

"Not really. Kumakain lang ako niyan before going to school. Wala na akong oras na magluto eh." sabi ko habang nasa junkfoods section naman ang pansin ko. 

"These are not healthy ones." puna niya. 

Ngumuso ako, "Alam ko. Pero hayaan mo na. I'm used to it already." giit ko pa. 

"You're used to eat these already, but where do you get such strength to strangle me back then?" tukoy niya sa pag sakal ko sa kaniya no'ng araw na binuwesit niya ako habang binugbog berna ako ng EX niya. Aba, pakadiinan talaga natin ang word na 'yan. They're not in a relationship anymore noh. 

Pero, how can I be certain? Eh, ogag 'tong isang 'to. Matanong nga. "I exercise every weekends." sagot ko sa tanong niya, may pagka Boy Abunda pala siya, ang talas mag interview eh. Ngayon pa nga lang kami nagkasama sa grocery, basang-basa na niya ang mga gusto ko. May third eye ba siya? "Maiba tayo, hiniwalayan mo naman na siguro 'yung babae na 'yun di'ba?" strikta ko ring tanong sa kaniya. 

He smiled, weakly. Sa ngiti niya pa lang parang bad vibes na ang dulot sa'kin. "Don't tell me, hindi mo hiniwalayan? Gusto mo ba masapak para magising ka sa katinuan?" halos umusok na ang ilong ko sa kaniya. Kasi naman, whenever I think about what happened and how Rhiley acts like as if it's easy to forgive was sp damn depressing! Napamewang ako sa harapan niya ng wala sa oras. 

"C-Chill, alright? You're scaring me." wika pa niya. Pero masugid talaga akong naghintay sa kaniyang sagot. 

"Matatamaan ka talaga kapag hindi mo ako sinagot ngayon na agad." pagbabanta ko at humakbang palapit sa kaniya. Kinabig ko pa ang cart pagilid. 

I saw how uncomfortable he was with my action, but I don't care. Total kami lang naman ang tao dito. Maliban na nga lang sa cashier. "Alam mo bang naiirita ako sa tuwing naiisip ko ang sinabi ng kaibigan mong si Phoenix kanina? Para bang pinaparating niya sa'kin na ako pa 'yung may kasalanan, when I'm just doing a good deed, dahil awang-awa din ako sa'yo? Well, not totally. Because I'm after my revenge, but can't he be thankful enough? Can't you?-" 

"I-I broke up with her." hindi natuloy ang iba ko pang gustong sabihin dahil sinagot na niya ang katanungan na kanina ko pa hinintay ang sagot. 

Tinapik-tapik ko siya sa balikat, "Nice! Mabuti naman kung gano'n. Dahil kung hindi? I will not do something to help you again." pamumunto ko sabay ngisi sa kaniya. Shempre, tinutulongan ko siya noh? It might not be in a good manner, pero sincere ako sa ginagawa kong tulong. 

I treat him to date in a mountain restaurant. Tapos, nakipag-kaibigan ako sa kaniya out of our situation. To be honest, we're helping each other. 

"You're different." bigla niyang sabi nang sinenyasan ko siyang sundan ako at itulak ang cart. 

"Why you say so?" hindi naman ako bad mood ngayon, so let him ask anything about me. I don't mind. 

"You were mad just because of what happened to me." aniya na parang nahihiya pa dahil pahinang-pahina ang kaniyang boses. "You were not supposed to be mad for me, you know?" 

Napapatigil ako sa paglalakad, mabilis naman niyang itinigil ang cart sa pagtutulak. Gulat niya akong tiningnan, "You should've inform na titigil ka along the way. I almost bumped you." turan niya, and he seemed to be worried. 

Arrange Marriage With The Gangster's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon