Keihzza's POV
Paalis na ako nang humarang sa daraanana ko si Phoenix.
"It was you." Turan niya. Bit-bit ko ang helmet ko ngayon. I looked at him with fair square emotions.
"Ako nga." and I don't have plans to deny it. Proud ako sa ginawa ko. Cheaters are bound to taste hell. They are the most ugly creatures living here on earth. And that makes them feel deserving of a fvcking misfortune. "Hindi ba dapat na magpasalamat ka muna?" I smirked after answering.
"Masaya bang manira at gusto mo akong magpasalamat sa'yo?" ito na nga yata ang pinaka nakakatawa na tanong na natanggap ko ngayong taon. Hindi niya naman ako makapaniwalang tiningnan.
Pinagtaasan ko siya ng kilay, habang ang smirk ko sa labi ay nakabalandra pa rin. "Okay, first and for all, Mr. Javier, ginagawa ko ito dahil ang kapatid mo mismo ang naunang nanira sa'kin. Siguro naman ay lingid sa kaalaman mo 'yun dahil nando'n ka di'ba?"
Napansin kong napabuntong hininga siya, saka niya sinalubong ang mga titig ko na animo'y nabuburo siya, "Is that how childish you were, Miss Belmonte? Bakit ka nangengealam ng problema ng iba?" is he getting sarcastic to me? Siguro nga nawala na ang iilang turnilyo niya sa utak.
Hindi ko mapigilan ang matawa. Kasi why not? Nakakatawa naman talaga siya. Pino-prove niya lang sa'kin na kino-konsente niya ang kapatid niya, at literal siyang hindi tunay na kaibigan ni Drake. Kawawang Drake. "Seriously? Ako pa talaga 'yung childish? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng kapatid mo? Hindi ka naman siguro bobo para maintindihan ang ginawa niya di'ba? Gusto mo pa bang e elaborate ko sa'yo? Okay!" Suminghap muna ako ng malalim na hangin dahil pakiramdam ko kinakapusan na ako ng hangin sa lungs. Need nga yata ng bala. "Manloloko ang kapatid mo, at ikaw naman ay isang konsintidor." napameywang ako pagkatapos. "Nagatataka tuloy ako kung kaibigan ka bang talaga niyang si Drake. Kasi imbes na e console mo siya, sa'kin ka pa nag sayang ng panahon." Tinabig ko siya at diretsong naglakad papunta na sa motor ko. Ka buwesit na nilalang.
PAGKARATING ko sa condo ay pagod na pagod akong napasampa sa couch, grabe, na stressed nga yata ng husto ang dandruffs ko dahil kating-kati.
I can't believe Phoenix. Kahit galing siya sa angkan ng mga Astrid na kilala sa pagiging walang puso ngunit matalino sa lahat ng aspeto, ngayon, parang ayoko na maniwala dahil sa may sayad ang kaniyang utak.
Kinalma ko muna ang sarili ko, bago tumayo at nagtungo sa kusina, upang tingnan kung may pwede pa ba akong maluto o kaya, makain.
Hindi pa naman natuloy ang plano kong pa go-groceries, nang dahil lang sa inuna ko ang magliwaliw kay Drake at sa girlfriend niyang haliparot na may matalas ang sungay.
Akala mo naman kung mang-away sa'kin ay siyang Santa na niya. She's a living witch that shouldn't be promoted. Kapal ng mukha niya at nagawa pa niyang manloko ng lalake.
Yucks. I hate girls like her. May guts pa talaga siyang umiyak kay Drake after he found what she did. Mabuti na lang at hindi ako kagaya niya.
Chance? My ass!
Sa sobrang pagkainis ko ay hindi ko na napansin na nakatatlong baso na pala ako ng tubig. Napabuntong hininga na lang ako, lalo pa't wala ng makain sa loob ng aking fridge.
"Maybe I should go out and shop for some groceries at this hour, huh?" I said to myself as I traveled back to the living area. I picked up my keys and locked my unit before going down to the basement.
Palabas na ako ng elevator nang mag ingay ang cellphone ko. Kinapa ko ito sa aking bulsa habang tuloy pa rin sa paglalakad tungo sa kinaroroonan ng gagamitin kong kotse.
![](https://img.wattpad.com/cover/190066266-288-k909960.jpg)
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With The Gangster's Empress
AzioneAng maikasal sa isang tao na hindi mo kilala at kaano-ano kapalit lang ng pagpapaalis sa taong importante sayo ay isang bagay na kinakailangan gawin ni Keihzza upang maibsan ang alalahanin patungkol sa maitim na organisasyon. May sakit ang kanyang...