PT 21: Booths & Arcades

1.1K 456 14
                                    

Drake's POV

Kasalukuyan kaming nasa Enchanted Kingdom ngayon. Kakarating lang namin at diretso kami sa maliliit na booth.

Tahimik ko lamang na inooserbahan si Keihzza na aliw na aliw sa paglalaro ng gang-bang. Ito yung laro kung saan titirahin mo ang certain military toy gamit ang toy gun.

She's smiling all ears while choosing her target to take down. Tahimik siya ngunit ang aliw sa mga mata niya ay hindi maitatago.

She held her gun like a pro. Isang kamay lang at tuwid ang tayo habang patagilid na nakatingin sa display. Pikit ang isang mata.

"Miss, ang layo naman ng puwesto mo. Sure ka ba na kaya mong magpatumba ng target sa distansya mo?" Wika ng isang lalake na nanood kasama namin.

Ngumisi lang si Keihzza, followed by an evil grin before pressing the trigger of the toy gun.

Instantly, one military toy got knocked down!

Laglag ang panga ko at hindi makapaniwala na napatingin sa nabagsak na laruan.

I was certain too na hindi siya makakatama ng isa man lang sa mga laruan. Ang liliit din kasi ng laruan, tapos medyo malayo talaga ang distansya niya.

"Wow..." Manghang bulalas ng lalake at marahan na napapalakpak. "Anggaling mo, Miss. Siguro bihasa ka rin sa baril noh?"

Lumapit si Keihzza sa staff ng booth. "I would like to have three bullets more. I'll pay."

"How about the prize, Miss? Anong premyo qng gusto mong kunin?" Nakangiting tanong ng lalakeng tindero na nasa trenta na yata ang edad.

"I'll decide once I'm done." Kasuwal na sambit ni Keihzza at tinanggap ang tatlong maliliit na bala ng toy gun, tiyaka eksperto itong isinilid sa machine gun. Ikinasa pa niya ang baril bago pumwesto sa tamang linya ng guests. "Do you believe that I can knock down three soldiers in a row, ng magkasunod-sunod?" Confident niyang tanong, saka binalingan ng sulyap ang lalake kanina.

May napapadaan pa na nga taong gusto sumubok at nakinood na rin.

As for me, tahimik pa rin ako. I have this feeling na sa bawat bala na meron siya ay magagawa niyang makakapgpatumba. Pero, my mind rejected that guts.

Baka sa una ay sinuwerte lang siya.

"Haha, huwag ka masyadong confident Miss. Masama 'yan." Natatawang salaysay ng isang babae na nakakawit ang kamay sa braso ng kasama niyang jowa.

"I agree. Imposible 'yang sinasabi mo, Miss. Huwag kang magsalita kung hindi mo kaya pangatawanan ang sinasambit mo." Natatawa pang kuda ng jowa ng babae.

Napapabuntong hininga na lamang ako. Saka ngayon lang din nakapagdesisyon na magsalita.

"Pupusta ako ng tatlong libo, she can make it." Natatamad kong wika sa dalawa, para Ito'y mapatingin sa'kin.

Natawa naman ang lalake, samantalang ang babae, para siyang na mesmerized sa'kin. Marahil sa kaguwapohan ko.

"Gawin na nating limang libo, kapag hindi magagawa ng girlfriend mo na magpatumba ng sunod-sunod, bayad ka sa'kin."

"Heh... Girlfriend mo siya? She doesn't appear like one to me." Pilya pang turan ng babae at engratang binalingan ng tingin si Keihzza na nakatingin na rin pala sa kanila. "If I were you, I wouldn't waste my time and money on some baduy and unfashionable girl like her." Hindi pa ito nakuntento at nang-iinsulto pa.

Napatingin din ako kay Keihzza. In-expect ko na makakita ng galit sa mukha niya. But, fun and thrilling is written over her face.

May pagkakataon pa pala siyang ngumiti ng ganito.

Arrange Marriage With The Gangster's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon