Keihzza's POV
Padabog kong sinarado ang pintuan nang makapasok ako sa aking silid. Ang lalakeng 'yun, ang lakas niyang mang halik, at nilukumos pa ang kabuoan ng aking bibig! Kahit anong pahid ko sa labi ko ay naaamoy ko pa rin ang lasa, kalambutan at baho ng kaniya.
Napasandal ako sa likuran ng pintuan. Hindi ko sinasadya na maalala ang nangyari kanina, ang panghahalik niya no'ng una, tapos ang panghahalik ko bilang ganti na inabuso niya.
Napapikit ako ng mariin sa inis, uminit pa ang mukha ko ng hindi ko sadya. Tapos wala sa sariling napahawak sa aking mga labi.
Fvcking hilarious! Why did I do that?! And why the hell would he accuse me for flirting?! Baliw ba siya!
"Kapal talaga ng mukha. Akalain mong may gano'n siyang pakulo? Tsk!" I composed myself and flipped my hair as I went to my personal bathroom.
Kailangan kong umayos baka isipin niyang affected ako. Tingin ko pa naman sa kaniya ay isa siyang mahangin na lalake.
And despite his delicate personality and actions, I thought it's his real identity. But damn, after what happened today? I doubt he's one easy guy.
He's way dangerous to flush away your sanity. Delikado, I should stay away from him.
I undressed my clothes, leaving them on the floor of my room before stepping inside the bathroom. I turned on the shower and let myself devoured by the water.
Stay away? Bakit naman ako iiwas?
However, the thought of myself avoiding him went into my mind again. Kung iiwasan ko siya, that will only mean the other way around.
And hell! Malabo akong magkakagusto sa isang idiot na kagaya niya noh!
Iritado kong tinapos ang pagligo ko, tiyaka wala sa mood na nagbihis. After no'n, ibinunton ko naman ang natirang inis sa pag blow dry sa buhok ko, habang tuloy sa pag cycle sa aking isipan ang mga iniisip ko kanina.
Nasa vanity table ko ako ngayon, nang biglang mag vibrate ang aking cellphone na nakalapag sa bedside table. I turned off the blower and left the vanity area, to check the received messages.
"Hindi ba tayo magpunta sa amusement park today?"
The message comes from him. Actually, nakalimutan ko ang bagay na 'yun. Kung hindi niya lang rin sinabi ay hindi ko maalala.
"We will go." I replied. Even though I despised him today, that was not enough reason to bend on a promise I made. Hindi ko ugali ang bumali sa isang pangako, kaya naman matutuloy pa rin kami.
Tiyaka, I promised myself that I will help him forget his heartbreak, ni hindi ko alam kung bakit ako masyadong nag-alala sa lalakeng 'yun.
Siguro, dahil lang sa ka martyran niya. Kaya nahakot niya ang konsensya ko. Geez, I just have to limit myself and restrain myself from doing those flirty things, then I'm good.
"Nakapagbihis na ako. Are you done too?" Mabilis siyang nakapag reply, at nang mabasa iyon ay malalaki ang hakbang ko na tinahak ang wardrobe ko, tiyaka kumuha ng jogger pants na ipinalit ko sa jersey short na suot ko.
Nakalimutan ko nga kasi na may lakad, kaya nakapagbihis tuloy ako ulit.
Pinaresan ko ang black jogger pants ng body fit na black tee-shirt, tiyaka blazer jacket. For bottoms naman ay simpleng white nike shoes lang. Bago lumabas, I fixed my hair in a medium bun. Ayoko ng magulo ang buhok, kaya sinisigurado kong maayos itong nakapungos.
I also took my crossed bag with my keys, wallets and phone inside.
Pagkalabas ko ay halos mapatalon ako nang bumungad si Drake mismo sa harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/190066266-288-k909960.jpg)
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With The Gangster's Empress
AcciónAng maikasal sa isang tao na hindi mo kilala at kaano-ano kapalit lang ng pagpapaalis sa taong importante sayo ay isang bagay na kinakailangan gawin ni Keihzza upang maibsan ang alalahanin patungkol sa maitim na organisasyon. May sakit ang kanyang...