PT. 10: Helpless

114 40 1
                                    

Keihzza's POV

Dad calling...

Kakagising ko lang nang ma-check ko ang cellphone ko. Nagkusot ako ng aking mga mata nang sa gano'n ay luminaw ang aking paningin. Nasa silid ko ako ngayon dito sa sarili kong condo unit. The theme is Dark and light gray, pati kumot, kurtina, unan, at mga kabinete sa wardrobe. Walls at mga pintuan din, pwera nalang sa lights na dalang ko lang ini-on.

"Dad..." sagot ko at nag-inat ng mga braso. Naka loud speaker na iyon kaya't malaya akong bumaba sa kama at nag stretching. "Why did you call so early in the morning? Did you go to sleep?" kilala ko si dad, he's an amazing but workaholic father. I think namana niya kay Lolo. Pero hindi naman gano'n ka-grumpy ang attitude niya.

"Have you heard about your grandfather? You mom told me that you're not answering her calls. Minsan na rin kitang tinawagan kahapon but your line was keeping on telling me that you're busy. Ano ba ang ginagawa mo?" Hindi niya naman ako pinapagalitan. 'Yung linyahan nga lang niya ay parang gano'n ang dating. Pero totoo no'n ay kalmado at pagod siyang nang-usisa.

"Kaka-labas ko lang sa hospital kahapon, Dad. I went out for a ride at late na ring umuwi." which was true. Nag rides nga ako from Manila to Quezon city para lang kumain. But with Drake around.

"Hospital? What do you mean? May nangyari sa sa'yo na hindi ko alam?" With the family's current situation right now, I can tell na pati ang relationship nila mom at dad ay mailap. Dad had forgiven me a long time ago and because he felt guilty about neglecting me, he kept himself distant from me. Two years ago lang niya sinabi no'ng mag quadruple dinner date kami kasama ang mga kapatid ko sa birthday namin ni Reign. Naalala ko pa 'yun, dumalaw kami sa sementeryo at sabay na nagdasal kasama si Reign. The rest ay nagliwaliw kami sa mall lalo na sa arcades at dinner naman bago umuwi. While mom was out of the country.

"It doesn't matter, dad. I saved a friend and I'm fine now." Lying isn't really my thing. Sa totoo lang ay isa sa pinaka-ayaw ko ang mag-sinungaling. Why the heck would I lie kung hindi naman talaga kailangan? I'm not like the others na gagamitin ang pagsisinungaling para lang maka-grab ng attention sa iba. Mas prefer ko ang manahimik kaysa ang kumuda na wala namang katuturan.

"You sure? What kind of wound did you get and what hospital took care of you?" He's still amazing even if he's outdated. Mom might be able to ask me and visit with Lolo but they will never ask me, sincerely. Unlike dad, outdated nga pero sinsero naman.

"I was admitted at the Silvestre's Chain, Dad. You know how good their facilities and services are. Besides, hindi naman ako nag-iisa. Kaya huwag ka ng mag-alala sa'kin." Sabi ko habang nag stretching sa aking hita at tuhod.

"I just can't help it, Keihzza. Nag-iisa nalang kitang anak na babae. Hindi ko maaatim na mawala ka pa." Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niya. I didn't mean to make him sad...

To ease the air between us, "Dad, Mom and Gramps went to me yesterday before I got discharged." pagbabago ko sa usapan.

"They did? How did they know?"

Nagkibit-balikat lamang ako, "Maybe, pina-hanap ako? I don't know. But they went there for a purpose at kasama nila ang Ginang Silvestre, may alam ka ba sa sinadya nila dad?" Kung may alam si dad dito ay siyang ikaka-lugmok ng pag-asa ko. I will lose him at alam kong pagkaka-isahan nila ako. They will do everything they can do just for their wishes to be fulfilled.

"Are they after the arranged marriage? If so, may alam ako. Pero no'ng huli naming tagpo ay hindi pa 'yun final. Hindi ako pumayag dahil labag 'yun sa kalooban ninyo." Natahimik ako at ilang sandali lang ay nagtanong.

Arrange Marriage With The Gangster's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon