Keihzza's POV
Dinala ko siya sa plaza, kung saan ako madalas kumakain bago umuuwi. Gabi na at ang plaze na ito ay malapit lang sa metro pero mas malapit siya sa dagat. Bay Park ang tawag nito dito. Maraming nagtitinda ng BBQ, Bulalo, SioMai, Tuslob-buwa at marami pang iba.
"Are we going to eat here, seriously?" hindi makapaniwala niyang tanong. Inalon ang kanyang buhok dahil sa malumanay at preskong hangin ng gabi. Kaka-baba lang namin sa motor ko at kasalukoyan ko pa lang na hinuhubad ang helmet.
"Oo, di'ba sabi mo libre mo?" giit ko sabay ikot papunta sa kanya, "Tara na, huwag ka na mag-aksaya na magulat. Alam ko na 'yang iniisip mo." well, mostly naman talaga sa mga mayayaman ay hindi kumakain sa ganitong pagkainan. And I'm not one of them.
Tahimik lang siya nang pumili ako ng pwesto, hindi rin nakatakas sa'kin ang nangangasim niyang mukha. "Huwag kang mag-alala, hindi ka gagastos ng malaki sa'kin dito. Tiyaka, kapag sinabi kong masarap dito... maniwala ka."
"How am I supposed to believe you? This place is not even a restaurant to me." aniya na ikinaingos ko lang.
"Hindi kase ito restaurant, food bay park 'to. Bakit ngayon ka lang nakapunta dito?" kapagkuwa'y nagtanong na rin ako habang hinila ko na naman siya papunta sa malapit na BBQ stall. "Ate, magandang gabi!" bati ko sa tindera na suki kong kainan. Bukod sa masarap ang BBQ nila ay malinis din ito at hindi malansa.
"Ano ang mga 'yan? Are those intestines and blood?" tanong niya nang may halong pagkapait ng mukha niya.
Maraming customer si Ate Vivian at marami din siyang niluluto pero alam ko naman na pagbibigyan niya ako, hinila ko na naman siya papunta sa may grilling sa harap ni Ate Vivian. "Ate, pahingi nga po muna ng isang isaw tapos isang dugo na niluluto mo po. Ignorante kasi itong kasama ko, ngayon lang nakapunta dito." natawa si Ate samantalang siya ay nakakunot ang noo.
"Sige, heto. Luto na ang mga ito." binigyan niya ako ng mga hiningi ko.
"Te, 'yung sa'kin po huh? Kayo na ang bahala."
"Sige, hija! Ako na ang bahala." hinila ko na ulit si Drake palayo doon dahil mausok.
"Ito, try mo." nagdadalawang isip pa siya na tanggapin. "Tikman mo, masarap nga yan." pilit ko pa.
Yung pangangasim ng mukha niya kahit hindi pa naman niya natikman ay literal na nakakatawa talaga. "Nakakadiri ito, hindi ko kaya kainin." giit niya. Kinuha ko ang stick niya at kinagatan.
"Hindi nga! Ayan, kinainan ko na." hindi ko rin alam kung ano ang tumatak sa kukuti ko at dito siya dinala. Ang choosy ng mokong.
"Sigurado ka bang hindi ito nakakamatay." napasinghap ako tapos natawa sa naging turan niya. Who wouldn't be? Pagkain lang tapos nakakamatay na? Grabe siya.
"Hindi! Namatay ba ako ngayon? Hindi naman ah! Kainin mo na nga lang!" saka siya napipilitan na kumagat, unang tikim niya ay pumikit pa siya, akala siguro niya ay mamamatay na siya. "See? It's not!" inilingan ko pa siya bago siya nilampasan. Nagpunta ako sa stall ng nagtitinda ng gulaman.
"Hey, it was quit tasty!" habol niya sa'kin kapagkuwa'y pumantay rin.
"Kuya, wala po ba kayong coffee gulaman?" medyo nalungkot pa ako na walang coffee gulaman sa jars ng tindero.
Nalulungkot niya rin akong inilingan, "Wala na hija, ubos na kanina. Ang tagal mo ata nagpunta ngayon?" napapanguso na lamang ako dahil wala talaga 'yung favorite drink ko.
"Busy lang po, sige po kuya. Itong pandan nalang." kumilos 'yung tindero para bigyan ako sa gusto kong bilhin.
"Sandali lang ho, Manong." napamaang ako kay Drake nang pinigilan niya ang tindero sa pagkuha ng order ko. "Hindi pa kasi kami kumakain, tiyaka gutom po itong kasama ko. Baka po at sumama ang tiyan niya kung iinom siya ng malamig without filling her stomach." napakamot ako sa aking batok nang maalala na hindi pa pala ako kumain. I was reflecting myself when I noticed na tulak-tulak niya ako pabalik sa mesa namin. "Do you usually eat this way? Gutom ka di'ba? Why do you want to drink cold drinks without filling your stomach?" okay, aaminin ko. Siya na talaga ang taong may pinakamalakas na kapangyarihan para pakealaman ako. Though, his presence was also a good thing dahil may reminder ako.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With The Gangster's Empress
ActionAng maikasal sa isang tao na hindi mo kilala at kaano-ano kapalit lang ng pagpapaalis sa taong importante sayo ay isang bagay na kinakailangan gawin ni Keihzza upang maibsan ang alalahanin patungkol sa maitim na organisasyon. May sakit ang kanyang...